Winter Seasons
'
'
'
'
'
'
'
'
'
'
'
'
I stirred in my sleep and slowly opened my eyes. Where in the world am I? I tried to move but failed. Sobrang sakit ng buong katawan ko. Naluluhang tiningnan ko ang kisame at paligid ng kwarto na okupado ko ngayon. Not familiar. Pati ang kamang hinihigaan ko ay hindi pamilyar. At ang amoy.. Hindi sa mabaho ito, instead it's quite soothing. Amoy panlalaki.
My eyes widened upon the realization. I'm in a man's room! Why am I here? Nagpanic ako bigla at pinilit na bumangon. Kahit na puro daing ako sa bawat kilos.
Pinagpapawisan ako ng marami at hinihingal nang makabangon at makasandal ako sa headrest ng kama. Napagod din ako kaagad. Konting galaw lang ang nagawa ko pero pagod na pagod na ako.
'
'
'
Habang inaayos ko pa ang paghinga ko ay siya namang pagbukas ng malaking pinto. Nung una ay gulat na napatingin sakin ang lalaki bago unti-unting ngumiti. I held on the blanket as if my life depends on it, as the man makes his way to my direction.
Nakangiti ito nang lumapit sa gilid ko. "You're finally awake." He said and reached out his hand to touch me but I flinched and moved backwards. Mukhang nagulat ito nung una pero agad din nakabawi. Hinila nito ang single chair at naupo sa tabi ng kama. "Don't worry, I'm harmless. Hindi kita sasaktan. Pangako." He said with a smile.
Somehow,.. I knew his words were true. Ramdam kong hindi siya masamang tao. Pero may parte sakin na nahihirapang maniwala. Tinanguan ko lang ito at nag-iwas ng tingin.
He sighed kaya napalingon ako dito. "Kung ayos lang sa'yo, pwede ko bang mahawakan ang noo mo? Sinisigurado ko lang kung wala ka ng lagnat." saad nito habang nakalahad ang kamay.
I looked at his hand. They look so soft to touch. Ang haba pa ng mga daliri niya and his palms were pinkish.
"Ayos lang ba?" untag ulit nito na nakangiti. Dahan-dahan akong napatango at nagyuko ng tingin. "Okay." Naramdaman ko nalang ang mga palad niya sa noo ko. Napaatras pa ako ng konti nang may maramdaman pero umayos din naman ako kaagad. Sobrang lambot ng mga kamay niya gaya ng hula ko. At ang init pa, masarap hawakan.He removed his hand. "Mabuti naman at hindi na gaanong mataas ang lagnat mo. Pero kailangan mo pa rin na magpahinga."
Tumango-tango lang ako dito. I wanted to ask him a question pero sobrang tuyo ng lalamunan ko. Mukhang napansin naman niy iyon at inabutan niya ako ng tubig. Napatitig ako doon at mukhang napansin niya naman.