I slowly opened my eyes and yawned. Napalingon ako sa maliit na orasan sa bedside table. Napangiti ako nang makita ang oras. Tamang-tama lang para tumakbo ngayong umaga. Agad na bumangon ako at pumasok ng banyo para mag-ayos.Kinuha ko ang mp4 at headset ko saka bumaba na.
Ngayon pa lang ulit ako makakatakbo dito. Sa loob kasi ng isang linggo ay tinulungan ko si Tita para sa paghahanda ng nalalapit nitong wedding anniversary. At marami din kasi kaming pinag-usapan to catch up on things.
Napangiti ako habang tinatahak ang daan patungo sa partikular na lugar na iyon. It's been long, and I've missed the whole place. Baka nga tama si Tita, I do need a break. And an escape like this is really great.
I stood in front and smiled. Katulad pa rin ng dati, walang kupas ang ganda. Matry nga minsan na maligo dito. Never tried it ever since. I walked around looking for some space to sit when I noticed a figure. I stopped on my tracks and stared. Ethan.. Kailan pa siya nandito? Napansin ko namang nakapikit ito, ibig sabihin maaaring tulog ito. Noong dumating ako sa isla, halatang hindi nito inaasahan ang pagdating ko. He was so shocked to see me. Maaaring hindi sinabi ng mga magulang nito ang pag-uwi ko. We greet each other and have some talks in a civil way. I know they noticed the change. Kung dati nagkakabiruan pa kami, ngayon mahirap na. I know he hasn't forgiven me yet. Ang mabuti pa ay iwasan ko muna siya. Lalo na ngayong napatunayan ko sa sarili ko na wala paring nagbago sa nararamdaman ko lumipas man ang ilang buwan.
Maingat na umatras ako, unfortunately may naapakan akong sanga causing him to stirr and wake up. Napalingon ito sa direksyon ko. Napabangon ito ng wala sa oras. He opened his mounth but nothing came out. He sighed and stood up.
Naglakad ito papunta sa direksyon ko. Ang buong akala ko ay kakauspin na niya ako pero nilagpasan lang niya ako at nagtuloy na sa paglalakad. I lowered my head and bit my lip. Gustong gusto kong humingi ng tawad. Ayoko ng ganito na nasasaktan ako sa pag-iwas niya sakin. Paano ko ba siya kakausapin kung iniiwasan niya ako? How can I get his attention?
Simple lang.. ipahamak mo ang sarili mo. Sulsol ng kabilang isip ko.Paano naman iyon makakakuha ng atensiyon nito?
Simple lang, dati paman ay ayaw ka na niyang nasasaktan o napapahamak. Try mong gawin iyon baka malaman din natin na may halaga tayo sa kanya.
At anong gagawin kong delikado?
Di ba gusto mong maligo dito? Then yon ang gawin mo.. And then, jump off the cliff. That will be awesome! suhestiyon ng kabilang isip ko.
A grin slowly formed in my lips. Maganda nga yon para na din adventure. "I should get going then." at tumakbo na ulit ako pabalik ng mansion with a fixed plan on my head.
'
'
'
'
'
'
'
'
'
****
"Salamat po, Na." pasasalamat ko dito matapos nitong maiayos ang mga pagkain sa picnic basket. Sinabi ko kasi dito na gusto kong magpicnic sa falls kaya ipinaghanda niya ako ng pagkain. Nagpaalam na naman ako kina Tito at Tita na pumayag naman. Isasama ko din si Ayen para naman masaya."Basta ha, Winter. Kung binabalak niyo man na maligo doon wag sa malalim na parte.." pag-papaalala nito sa akin. "Lalo na at kayong dalawa lang ni Ayen. Baka kung anong mangyari." huling sabi nito na siya namang pagpasok ni Ethan sa kusina.