Alas singko palang ng umaga nang magising ako. Nakasanayan ko na rin naman kasi. Ilang buwan naba akong nandito sa lugar na ito? Halos mag-iisang taon na din ata. Maagang nagigising ang mga tao dito kaya nakasabay na rin ako. Halos isang taon.. napakahaba na ng panahon ng pananatili ko dito pero hindi parin buo ang ala-ala ko. Mas nadagdagan pa nga ang mga blurred na imahe sa panaginip ko.
I sighed and decided to went out. Gustuhin ko man na tumulong sa mga gawaing bahay ay hindi naman ako pinapatulong. Hindi dahil sa hindi ako marunong. Well, isa na yon, pero dahil na rin sa utos ni Ethan. Isa daw akong guest kaya hindi ako dapat gumagawa ng mga gawaing bahay. May guest bang halos isang taon ng nasa poder mo? Napapailing nalang ako.
"Magandang umaga, Ma'am Winter." bati sakin ni Joseph, isa sa mga trabahador nila Ethan.I rolled my eyes at him. "Ma'am na naman. Diba sabi ko wag na yang 'maam' na yan. Matanda ka pa nga sakin ng dalawang taon."
Napakamot ito sa ulo, "Pasensiya na. Nakasanayan na eh."
"Haaay.. Ewan ko sa'yo. Magandang umaga din." bati ko dito at nagpatuloy sa paglalakad.
"T-teka lang! Saan ka pupunta, Ma--Winter?"Ngumisi ako dito. "Diyan lang." saka tumakbo na ako. Ganito ako tuwing umaga, nagjojogging. Nag-iikot-ikot na din para masilayan ang mga magagandang tanawin sa hacienda.
Medyo malayo-layo din ang tinatakbo ko tuwing umaga. May nakakasalubong din akong mga magsasakang kilala ko na papunta sa sakahan. Napangiti ako nang matanaw ang lugar na palagi kong pinupuntahan. Mas binilisan ko ang takbo palapit dito. Ang agos ng tubig agad ang narinig ko at napangiti ako ng malaki nang makita ang tanawin. Isang hindi kalakihang falls. Dito ako madalas magpunta dahil tahimik at nakakarelax.
Umupo ako sa isang malaking bato malapit sa tubig para makapagpahinga. Kontento na ako dito. I dipped my hands into the water. Ang ginaw! Ginalaw galaw ko ang kamay sa ilalim ng tubig. Nakakaaliw eh. I put my hands together and got as much water as I could saka uminom. Wala namang problema dahil napakalinis ng tubig dito at pwedeng inumin agad.
'
'
'
'
Napangiti ako sa sarili nang marinig ang papalapit na yabag ng kabayo. He's here.
Maya-maya lang ay may tumawag sakin. "Winter.."
Iba talaga ang dating kapag ito na ang tumatawag sa pangalan ko. Naalala ko tuloy kung paano ko naalala ang totoo kong pangalan.
****"Halika na kasi. Manunuod tayo ng movie. Siguradong magugustuhan mo ito." nakangiting sabi ni Ethan habang hila-hila ako papunta sa Music room nila.
Kakarating lang nito ngayong umaga. Lumuluwas kasi ito at ang iba pa sa Manila. Minsan inaabot ang mga ito ng tatlong araw pero ngayon ang pinakamahaba dahil isang linggo ang itinagal nito bago umuwi sa isla.
"Teka lang.. Ethan, pinagtitinginan tayo ng mga kasambahay. Baka kung anong iniisip nila." pigil ko dito.
"Hayaan mo sila sa gusto nilang isipin." anito at itinulak ako papasok ng transparent music room at pinaupo sa sofa. Mabilis na kinuha nito ang remote at umupo sa tabi ko.
Napataas ang kilay ko ng makita ang mga pagkaing nakahanda sa mesa. "Pinaghandaan?"
Ngumisi lang ito sakin saglit at itinuon ulit ang atensiyon sa malaking screen. "Naman! Sabi ko sa'yo movie marathon tayo eh. Tsaka mga paslubong ko yan."
I gratefully smiled at him at kumuha ng J.CO donuts. "Salamat."
"Walang problema."Nagsimula na yong pinapanuod namin. Akala ko kung ano. Iyon naman pala isang animation. Sinong mag-aakalang nanunuod pala si Ethan ng ganito? It's so cute. Haha. 'Frozen' ang title ng pinapanuod namin. Ang astig lang kasi may kapangyarihan si Elsa. Maganda ang takbo ng istorya. Nakakaiyak nga din minsan eh. Nung part na nagkaroon ng winter ang kaharian dahil kay Elsa ay parang may narinig ako.
"Winter.."
Napahawak ako sa ulo ko. May mga imaheng pumapasok sa isipan ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Ethan sa balikat ko at ang pag-aalala sa boses nito.
"May masakit ba? Hey.. Nana! Yung gamot po ni Eliza!" sigaw nito.
"Winter!"
"Ano?"
Nilingon ko si Ethan. "Winter.. Winter ang pangalan ko."
