Nakaupo ako ngayon sa may verandah para mag-agahan. Gusto kasi ni Tita na sumabay na ako sa kanila. Nauna lang talaga akong bumaba dito kaya naisipan kong uminom ng mainit na gatas habang hinihintay sila.
"It's quite cold out here and you're only wearing that?"
Napalingon ako sa nagsalita and saw Ethan leaning on the wall frame. He's looking like a model in photoshoot. Nakasuot lang ito ng black sando, grey sweat pants at tsinelas pero napakagwapong tingnan. Idagdag mo pa ang medyo magulo nitong buhok na nakakadagdag ng appeal nito. "Hindi naman." tipid kong sagot at ibinalik ang tingin sa malawak na lupain.
Simula nang mangyari ang aksidente sa talon ay unti-unti ng bumabalik sa dati si Ethan. He's always there again at kinakausap na ako. I'm glad. Really glad. Gusto ko din na nakakausap siya. Kaya lang.. *sigh* Truth is, I am holding back. Pilit ko siyang iniiwasan. Noong araw kasi na mangyari ang aksidente sa talon, may naalala ako pagkagising ko. It was a man. Isang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. He was all smiles at pakiramdam ko ang gaan-gaan ng loob ko sa kanya. He gives me this kind of security and belongingness. Kaya nga iniiwasan ko si Ethan kahit mahirap. Baka kasi ang lalaking nasa memorya ko ay mahalaga sakin. Paano kung boyfriend ko pala ito? O di kaya'y fiance? Manliligaw? Bestfriend? Hindi ko alam. If he is my boyfriend then I really should stop loving Ethan. Complicated.
Naramdaman ko ang paglapat ng jacket sa balikat ko. "Wag na, Ethan. Hindi naman masyadong malamig." tatanggalin ko sana pero pinigilan niya ako.
"Kahit hindi ka nilalamig suotin mo. I don't want them seeing your bare shoulders, Winter. The next time you come down make sure less skin shows, more coverings."
Napatango nalang ako. Isa pa yan eh, ayaw niyang nakikita legs ko o kahit balikat ko. Minsan nagsuot ako ng shorts ay inaway pa ako kaya napilitan akong magpantalon. Nagsuot din ako ng sando na racerback eh pinagbihis din ako. Ngayon naman na naka off shoulder ako he insists on letting me wear his jacket. Hindi nalang ako umimik. I find it sweet though.
'
'
'
"Good morning!" masiglang bati ni Tita na kakababa lang kasunod si Tito.
I kissed their cheeks and greeted them back. "Good morning! Happy anniversary po sa inyo."
"Thank you, hija." Naupo na kami, akala ko nga eh si Tita ang katabi ko, but then naunang umupo sa tabi ko si Ethan. Dun dapat ang pwesto ni Tita eh. Napansin ko nalang ang pagngiti ni Tita at naupo sa tapat ni Ethan.
Akala ko kami lang ang kakain, may kasama pa pala kami.
"Good morning." she greeted with smile saka naupo sa tapat ko.
"Good morning, Tracey. Did you sleep well?"
"Yes, Tito. I'm really sorry for the trouble last night." hinging paumanhin nito.Dumating kasi ito kagabi bandang alas diyes para dumalo sa selebrasyon ngayong gabi. Nagkaroon ng problema sa pagdating nito dahil biglang nasira ang makina ng sinasakyan nitong yate. Dahil medyo malapit na naman sila sa isla ay sina Ethan na ang kinontak nito. Mabuti nalang at gising pa ito kagabi kaya ito at si Tito nalang ang sumundo dito.
Ngumiti si Tito, "No worries, hija. Kumain na tayo."
'
'
'
'
'
Panaka-nakang nagkukwentuhan din kami habang kumakain. Mostly tungkol sa lovestory nila Tita. Natutuwa talagang ako makinig, kaya lang.. Naaasiwa din ako ng konti kaya yumuyuko nalang ako. Bakit? Kasi naman---