Marco offer me a hand to clean my room's mess. He insisted many times pero di ako pumayag. I don't want to bother him too much.
My room is big enough for me. It is painted purple, which I like. May double deck, closet at table na may lamp sa gilid. Good for studying, I guess.
I checked my phone. It's already 6:36 in the evening. Mahigit isang oras na rin pala ang nakakalipas. Tapos na ako sa pagtanggal ng agiw at alikabok, pagpagpag ng mga gamit, pagwawalis at pagtatanggal ng kurtina't bedsheet.
I'm currently kneeling on the floor and wiping the floor with a rag using both hands. Nasa dulong parte na ako ng kwarto nang malingunan ko ang pares ng paa sa may pinto, sa likuran ko.
It's Marco with a serious face.
"K-kanina ka pa?" tanong ko dito ng makatayo ako.
"N-n-no." tumikhim ito na parang may tinanggal na bara sa lalamunan.
"Kakarating ko lang. You changed clothes?" nakita kong umigting ang panga nya habang hindi inaalis sa mukha ko ang tingin.
Then I remember, nagpalit ako ng itim na sando at short. Medyo umiksi at naging fitted na ngalang sakin dahil napagliitan na.
"Oo. Mainit kasi kanina." Nahihiya kong sagot sabay punas sa pawis ko.
Napansin ko ang pag-alon ng lalamunan nya bago nagawi ang tingin sa bandang likod ko.
"Bakit ka gumagamit ng basahan? You should use a mop." I heard a slight annoyance in his voice.
"Wala kasi akong nahanap kanina." Alanganin akong ngumiti sa kanya.
"You should ask me to borrow one on the ground floor."
"Ayoko namang abalahin ka." Sagot ko.
"Can't you see my point?" his voice became a bit louder. I can sense that he's irritated with something I don't understand. Bakit kasi hindi nya na lang ako diretsuhin? I'm finding it hard to read between his lines.
"Bakit ka ba nagagalit? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng nagpupunas ng sahig gamit ang kamay? Ayaw mo sa dugyot. Ganun?" hindi ko naiwasan na malagyan ng inis ang boses ko.
Lumamlam ang ekpresyon sa mukha nya.
"That's not it. I'm just..I'm just..." Bumuntong hininga sya. "..hungry. Kain na tayo. Nagpaakyat ako ng ulam galing sa karinderya sa baba. You should try it. Masarap 'yon." he's now back to smiling just like the usual him.
**************
Maaga akong nagising at bumangon sa higaan. Agad kong niligpit ang mga pinahiram sa aking kumot, unan at bedsheet ni Marco.
Sa totoo lang, hindi maayos ang naging tulog ko. Hindi ko alam kung dahil namamahay ako o dahil I can smell Marco on my pillows and beddings, his manly scent.
I shook my head, shooing the malice that got into my mind.
Pagkatapos kong magligpit, lumabas na ako sa kwarto ko. Bumungad sakin ang sala.
Mukhang tulog pa si Marco dahil tahimik at sarado pa ang kwarto nya na katabi ng kwarto ko. 5:00 pa lang kasi ng umaga.
Malinis na ngayon ang sala na malayo sa nabungaran namin ni Manang kahapon. Iyon na rin ang nabungaran ko nang ayain akong kumain ni Marco kagabi.
My feet walked toward the kitchen, which was just across from Marco's room and the comfort room.
Last night, Marco and I shared dinner together after I changed into decent clothes. I enjoyed the afritada, which Marco claimed was one of his favorite dishes at the cafeteria a few blocks away from our building.
BINABASA MO ANG
LIVING WITH HIM
RomanceTeaser: Nabigla ako ng makita ang lalaki na nagbukas ng pinto. He's very familiar. Paanong hindi, kasama ko lang sya kanina? Sya yung lalaki kanina sa tren. He's topless and only wearing jeans na suot nya kanina ng huli ko syang makita. He has si...