Chapter 05

80 6 0
                                    

"Leylah?" tanong ng katabi ko sa sofa na walang iba kundi si Marco habang nilalaro ang kanang kamay ko. Pinipisil, intertwining his fingers to mine, and sometimes he's drawing circle on my palm using his thumb. Just like what he asked for. Hinayaan ko na lang din sya because, uhm, I'm just being true to my words.

Habang ako, I'm enjoying his-I mean I'm busy looking and answering job's online application on my phone. Yung pwede kahit night shift dahil in two weeks pasukan na.

"Huh? Bakit?" I replied to him without removing my eyes on my phone's screen.

"Can I ask about what happened on the parking lot?" napatigil ako. "The story behind your tears earlier?" nahihiya ko syang nilingon.

Naalala ko na naman kasi kung paano ako naging emotional at mahina kanina. Ewan ko ba! Tanggap ko naman na kung ano yung issue dati at hindi naman ako iyakin pero bigla nalang bumuhos ang luha ko kanina.

"Uy hindi kita pinapaiyak ulit ah. I just got curious and I want to understand you more. But If you don't want, I will not force you to tell me anything. Things can wait." Sabay pisil sa kamay ko na hawak nya.

Napasimangot ako. I think I made an impression of sensitive and crybaby.

"Lagi ka bang ganyan? Conscious sa maramdaman ng tao sa sasabihin mo?" natigilan sya sa tanong ko pero sandali lang ay napangiti rin.

"Just for you and for those people that I treasure the most. And I don't want to see you cry again. It makes me uneasy."

Napatingin ako sa kanya. Does he mean that I count on people that he treasure? O sadyang mali lang ang pagkakaintindi ko?

"Hindi na ako iiyak." I felt his arm sa uluhan ko, sa sandalan ng sofa. It slightly touches my arm on the other side.

Sandali akong hindi nakapagsalita. Hindi ko alam kung saan magsisimulang magkwento.

Nadidistract ako sa kamay niya na hinahaplos ang braso ko. His hand is rough, it's making friction on my skin. Parang inaalo ako kahit hindi naman ako umiiyak tapos minsan parang nanggigigil.

Pero kakatwang hindi ako kinikilabutan sa haplos niya. I don't like to be touch by men. Kapag may umaakbay o pasimpleng humahawak sakin, automatic na tinatanggal ko.

"Simula pagkabata ang lola Martha ko ang nagpalaki sakin." Napatigil ako sa pagsasalita. May parang bumara kasi sa lalamunan ko.

Tanging ang ala-ala lang ni Lola ang nakakapagpaiyak sakin dati. At kakasabi ko lang kay Marco na hindi ako iiyak.

"You mean it's your lola who makes you feel...bad?" he asked after he squeezed my hand.

"No!" mabilis kong sagot. "Lola makes me feel that I'm the luckiest granddaughter in the world. She always support me, in acad, in all aspect. Kahit nga maliit lang ang pensyon nya kada buwan na pinagkakasya namin sa gastusin, she always found a way to buy me clothes and stuff. I'm lucky I had her." I paused as I felt my eyes blurr with tears. But I hold it back. Hindi ako iiyak!

"Pero nagbago ang lahat nang mamatay si Lola at mapunta ko sa pader ni Tita Stella. I was 14 years old back then. Hindi maganda ang trato niya sakin kahit pa nung buhay pa si Lola. Hindi ko alam kung bakit." I felt Marco came closer to me.

"Nanibago ako ng sobra sa bahay nila. Ako lahat gumagawa sa loob ng bahay. Even the laundry, cooking, cleaning, all the household chores. Pati yung sahig kailangang i-mop araw araw. Kailangang walang makitang butas si Tita kundi I will get punishment, minsan hindi ako makakakain or I can't go to school. May kasama pang sumbat sa paninirahan ko sa kanila, yung pagkain na kinakain ko. Dahil don, late na kong nakakagawa ng assignment at bumaba ang grades ko. Kaya ko namang tiisin lahat yun eh. Pero ang hindi ko kaya ay yung... ginawa ng asawa niya!"

LIVING WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon