Chapter 06

95 8 3
                                    

Napahikab ako habang nagluluto ng umagahan. There was an event in the coffee shop where I'm working on and last night was really a busy night. Medyo inaantok pa ako. I only slept for a few hours.

My body stilled when I heard a door opened. Nagkatinginan kami ng taong lumabas mula sa pinto, si Marco. He doesn't look happy nor sad or angry. He's wearing a straight face.

Mukhang hindi lang ako ang puyat saming dalawa. The skin under Marco's eyes slightly deepen and darken. Pero kamangha manghang hindi iyon nakabawas sa angking kagwapuhan nya. It somewhat even added a smart and dark aura that gave him an additional charisma.

Is it even possible? To make someone look better with a dark circle? Or am I being biased?

I have a guess about the reason behind his eyebags. Isang gabi kasi I accidentally heard Marco talked with someone through his phone. He mentioned Bryant's name and the phrase 'Okay, I'll be there in few minutes' or something like that. So therefore I concluded that he's with his friend in the past few nights.

Bumaba ang tingin ko sa damit niya. He's wearing a pair of jeans and a shirt. Aalis ba sya? Ganito kaaga? Alas sais pa lang ah?

Nagtataka kong binalik ang tingin sa mukha nya. Pero agad din akong napabawi ng tingin nang maalala ko ang huli naming pag-uusap, a week ago.

Oo, isang linggo na kaming hindi nag-uusap. The last one is about his job offer for me. Isang linggo na rin simula ng magtungo at magsimula ako sa trabaho sa coffee shop. That only means that I didn't accept his offer. I didn't have proper talk with him to reject his offer, basta na lang kaming hindi nag-usap.

I don't know if we're both busy on our own businesses or he's purposely avoiding me. Tuwing umaga kasi, hindi ko sya naabutang gumising, kahit 7:00 pa ang pasok ko. Hindi na kami nagkakasabay kumain. Kapag gabi naman, nakakatulog ako without seeing him the whole day. Hindi ko alam kung hindi pa sya nakakauwi o nasa kwarto niya sya. As in no interaction at all. This is the first time that we saw each other after that day.

Hay! Maybe I'm just exaggerating. Maybe he's really busy.

But what I'm sure is that I'm missing him. I miss how he hold my hands, how he play with them. I miss his hug, to talk with him.

Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip. If ever I accepted his offer, ano kayang mangyayari? Won't it be awkward just like this?

Pero gustuhin ko man o hindi na tanggapin ngayon ang alok nya, hindi na pwede. Tapos na ang palugit na oras na binigay nya sakin.

Kahit ganun, I don't forget to cook breakfast and lunch for him every morning and dinner every night when I got home from work, just like what we talked about. Alam kong kinakain nya iyon dahil hindi ko na nakikita pag-uwi ko. And I don't think he threw them.

"Wait lang, Marco. Hindi ka ba kakain?" natataranta kong tanong nang maglakad sya papuntang main door at akmang aalis.

Nakita ko syang natigilan bago lumingon sa'kin. Muling nagtama ang tingin namin.

"I'm in hurry."

"P-pero nagluto ako." May kahinaan kong sabi bago nag-iwas ako ng tingin dahil sa intensidad ng titig niya.

Couple seconds had past, I heard him sighed.

"Okay. Just pack it. I will eat later."

Napakagat ako ng labi para supilin ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko. Hindi ko alam pero sa simpleng hindi nya pagtanggi sa pagkain na hinanda ko, natutuwa ako.

Napapangiti ako habang mabilis ang galaw na nilagay ko sa isang tupperware ang pagkain na para kay Marco.

ANOTHER WEEK HAD PAST when that moment happened. Hindi na nasundan pang muli dahil mukhang busy sya at ganun din ako.

LIVING WITH HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon