CHAPTER 2

9 0 0
                                    

Nakakapagod na araw. Napakahirap ng exam sa Ed 5.

"Mae anong sagot mo sa number 1?" tanong ni Belle, isa sa mga classmates ko.
"True, wag mo na itanong sagot ko sa number 2 kase true lahat"
"Ay lods na lods ang baby girl namin" sabat naman ni Steven, kaklase ko din.
"Edi ikaw na Steven, komopya ka lang sakin kanina, yabang mo" sabay tawa ko.
"Ikain nalang natin to, kalimutan ang exam, bagsak naman tayo lahat" sabi pa ni Belle.
"Kayo nalang muna, intayin ko pa si Chimsey"
"Si Chimsey Reyes ba? Samahan kita magintay" nakangiting sabi ni Steven.
"Ilalayo ko sa panget na tulad mo kaibigan ko, alis na kayo" sabay tulak ko sa kanya. Alam kong trip ni Stevens si Chimsey pero di ako pabor don, babaero yon si Stevens eh.

Habang nag-iintay ako sa bleachers malapit sa court, may pamilyar na tao ang dumaan. Malalaki ang hakbang nya na tila nagmamadali, and there he is the one and only Luke Harvey Clemente in his usual pocker face. Ganyan ba talaga pag Engineer dapat lagi nakasimangot? Pero kainis pogi padin. Mas dagdag points pa na may dala-dalang blueprint.

"Tulala ka ati? Earth to Mae,  Mae to Earth" di ko napansin na andito na pala ang bruhang kaibigan ko.
"Tulala again kay Harvey?, Kala ko ba move on na ghorl? Scam ka"
"Tigilan mo ako,hindi ko tinitignan yon, may iniisip lang ako tungkol sa exam kanina"
"Wala kang isip Mae, ikaw iisipin ang exam? Malabo, pero sige sabi mo eh"
"Bwiset ka Chimsey, dapat di na kita hinintay"

Deretso na kami sa apartment pagkatapos. May exam pa din kase kinabukasan. Kahit naman ganto ako ay nagrereview padin ako lalo na si Chimsey dahil kahit bruha sya ay running for Cumlaude ang ate ghorl. Next year ay graduating na kami parehas, si Luke naman ngayong taon na. Hays it's me again and my thoughts about him.

'Why does Mongolia separated into two?'
'Ang hirap naman Chimsey, samantalang ako tinanong lang kita ng what is an adverb! Lugi ako, yung madaling question lang'
'Nagreview pa tayo ghorl kung ganon lang din naman, umayos ka baliw'
'Ayusin mo din tanong mo kase'
'eto nalang, bakit ka iniwan ni Harvey?' sabay hagalpak nya ng tawa
'bwusit ka talaga Chimsey, bumagsak ka sana bukas sa exam nyo!'

Kahit ako di ko alam kung bakit ako iniwan ni Luke. I always wanted to be chosen but it feels impossible na pipiliin ako.

JUST CHOOSE ME THIS TIMEWhere stories live. Discover now