Chapter 6

2 0 0
                                    

After we went to their church, dumeretso kami sa isang dance studio dito sa Antipolo. Base sa aking performance, mukang wala na namang problema, hindi na sya nagrereklamo pa.

Dumating na nga ang araw na kinakatakutan ko, sasayaw na kami. Para akong uminom ng apat na baso ng kape sa sobrang kaba.

"Oy ayusin nyo ha, this performance will be the basis of our grade, yung mga pabebe diyan pakiayos ang galaw" nagpaparinig na naman ang bruhang si Irish.

The performance went well. Hindi naman ako naging kasiraan sa grupo, feeling ko maayos ko naman nagawa lahat dahil nakangiti si Sir nung napatingin sa gawi namin ni Luke. Kahit si Irish walang naging reklamo.

"Congratulations guys" sigaw ni Stephen.
"Mamimiss ko mga taga Engineering Department" sabi ng isa kong kaklaseng babae. Emeeee, maharot.

Isa-isa nadin silang naglabasan dito sa auditorium kung saan ginanap ang sayaw. Nahihiya man ako pero kailangan kong magpasalamat kay Luke, parang I'm obligated to say 'thankyou' to him, hinihintay ko lang magsialisan silang lahat before I make a move. Nang konti nalang kami sa auditorium nilapitan ko na sya.

"Luke, thankyou"
"Wait, miss what did you call him?" nagtatakang tanong ni Kevin, isa sa mga kaibigan nya.
"Luke?"
"You allowed her?" tanong nya pa kay Luke. Pangalan lang bigdeal? Weirdo nito.
"Alam mo miss, what's your name again?
"Mae" pabulong na sabi ni Luke.
"Yown! Miss Mae, only those person nearest to his heart called him 'Luke'" ipaliwanag pa nya.
"Alam mo ang dami mong sinasabi Kevin" sabay higit nya dito palabas ng auditorium.
"By the way Mae, you're welcome" sinabi nya yon ng nakangiti. Opo marunong na sya ngumiti.

Couple of days has passed, mas naging busy ako dahil malapit na ang finals at magbabakasyon na. Boring na naman ako sa bakasyon panigurado. Wala naman akong pupuntahang kamag-anak na pwedeng pagbakasyunan, kahit si Chimsey di ko pwedeng puntahan sa Batangas, ayoko na bumalik pa sa probinsyang iyon, naalala ko lang ang pag-iwan ng mga magulang ko sa akin. Out of nowhere I received a call, again Chimsey is calling.

"Oh problema mo?" bungad ko agad sa kanya.
"HB ka ghorl? Be happy malapit na bakasyon, uwi ka dito dali na, Jokelang alam ko namang hindi pwede"
"Alam mo naman pala nagtatanong ka pa"
"Ghorl puso mo"
"Chimsey can you please went here kahit one week, paalam ka kay Tita please, pati alikabok dito sa bahay ko kinakausap ko na"
"Ghorl as much as I want to, hindi pwede alam mo namang binabantayan ko din si Lola, si Mommy ay busy sa business, si Daddy laging nasa Ospital, u know Doctor's duties"
"Oo na, Buong buwan na naman akong KDRAMA nito."
"Sana ol, ghorl mag-advance reading ka"
"Wag na, ikamamatay ko yon"
"Gaga ka, sige na I'll hang up, labyu ghorl" .

Before I open my google classroom para tignan kung may bagong posting ng schedule for final exam ay chineck ko muna ang facebook ko.

Ellie  Clemente Flores added you on Facebook.

It's her, siya yung nakasama ko sa church ni Luke, mukang pinsan nya din si Elie since may similarities nga ang facial features nila. I accepted her FR, after that I received a message.

Elie: Hi ate, Do you still remember me?
: Yes hehe
Ellie: I want to invite you lang po sana sa youth camp namin this vacation. Sa May po iyon to be specific.
: Send me the details, susubukan ko.
Ellie: sige po ate, We'll be glad po kung makakasama kayo. Salamat.

Siguro ito na ang hinihintay kong break, I want to unwind din. The youth camp seems fun and interesting. I've send Ellie a pm confirming that I'll join and she seems excited and quickly added me on their group chat.

Ellie: Kuya Harvey are you not joining po talaga?

Luke Harvey: gusto ko man pero di Kaya ng schedule.

Someone: sayang naman Harvey

Ellie: Hi ate Mae, welcome sa group. See u in camp.

Me: hello Mae, hi guys, see u soonest. Salamat sa warm welcome.

Luke Harvey: Sasama ka? @mae

Ellie: opo kuya, I invited her, as you wish hehe.
And then suddenly Ellie removed the message, too late, I already saw it.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JUST CHOOSE ME THIS TIMEWhere stories live. Discover now