CHAPTER 3

12 0 0
                                    

Tapos na ang exam sa Asian Studies, apparently nakapasa pa ako! Expected ko ang pagbasak, buti nalang talaga.

Eto ngayon ang mga kaklase ko nag-aaway sa isang topic. Marriage ang topic tapos andito kami nagtatalo about 'love'.

"Love is a serious mental disease" sabi ni Lea. Oo nga tama si Lea.
"Loving is a choice, pero hindi kailangan na piliin kadin ng taong pinili mo, pag mahal Mahal lang wag asahang babalik" sabi pa ng isa kong kaklase.
"Ay usapang pinili, tawagin nyo si Mae, alam na alam yan"
"Labas ako diyan, Sir wag ako" tanggi ko pa sabay snob.
"Ms. Inah Mae Feliciano, we just need your opinion,no big deal besides it's our recitation, recorded ito"
"Loving a person is about choosing him/her at all times. Just choose to stay with him/her through thick and thin."

"Hindi porket hindi ka pinili ay hindi ka na Mahal" sabi ng isang pamilyar na boses mula sa pinto, si Luke. Ang maiingay at nagtatalo kong classmates ay natigilan at sandaling nagkaroon ng katahimikan.

"I'm sorry to interrupt your class Sir, but our university president wants me to give this documents po, need po daw ito ASAP" then he walks away.

"Ay kikiamfishballchickenball, ano yun Mae, magkwento ka"
"Iba din ang baby ghorl namin, kayo na ba ulit ni Engineer Harvey?"
"Sana ol Mahal!!!" sigaw ni Stevens.

"Class please kalma tayo" saway ni Sir Ramos

"Love is uncertain, hindi natin kontrolado ang pag-ibig, kaya kayo mag-aral muna kayong mabuti, tsaka na yang pag-ibig na yan.Grumaduate muna. Magtake ng LET,  Ipasa then kumuha ng lisensya, sila mismo  lalapit sa inyo"

"Class Dismissed."

Luke bakit ganyan ka? Lagi mo nalang akong pinag-iisip.

"Ghorl ano yung nabalitaan kong pumunta si Harvey sayo?"para talagang kabute to si Chimsey aba pasulpot-sulpot. Andito ako ngayon sa bleachers at nag-iisip char lang.

"Hindi uy, nagbigay lang ng documents yon kay Sir"

"Are you okay? Kalimutan mo na kase yung patatas na yon, lagi ka nalang sinasaktan non, pero ghorl ano ba talaga nangyari sa inyo? Bakit kayo naghiwalay?"

"Hindi naging kami kaya walang hiwalayan na naganap"

"Magkwento ka kase, hindi yung sinasarili mo lahat ng lungkot mo"

Paano ko na sisimulan lahat to? How can I tell people about us when in the first place walang naging kami. Pero sobra akong nasaktan ni Luke. All those times akala ko sya na, akala ko kami na, hindi pala.

Two years ago...

I was in my first year when I met him. He's in his 3rd year, classmates kami sa P.E which is Social Dances. He's too aloof sa mga classmates nya but he have friends namely Kristoff, Kevin, Leo and Tristan. Siya yung tipo ng taong pag pipili na ng partner ay pinag-aagawan, magaling kase sya magdala ng partner sa sayaw kaya madalas mataas ang nakukuhang grade sa P.E ng partner nya. But he's too quiet, pag partner mo siya there's no room for mistake.

"Mae parang tanga oh, di naman kase ganyan" here we go again. Sabunutan ko tong Irish na ito, porket magaling sumayaw eh, tae kase si Steven nagcutting class para makipagdate kaya eto ako ngayon walang partner. Eto namang Irish na ito feeling aba, sampalin kita mamaya sa Ethics. Tatanungin kita sa report ko. Bwisit ka. Syempre sa isip ko lang yon, ayoko parin naman bumagsak no.

"Miss hindi kase ganyan, ganito oh"
Nagulat ako ng lapitan ako ni Luke, I knew his name,he's kinda popular sa batch nila dahil matalino daw.

"Miss nakikinig kaba? This is a group performance Miss, kung ayaw mo makioperate just quit, magdrop ka nalang" sabi nya pa ng may halong inis.

"Edi kayo na, gagaling nyo sumayaw eh, yabang nyo" pabagsak na luha ko, kailangan ko na umalis dito, pero bago ako makaalis ay biglang nagsalita si Luke.

"Then be my partner, Kaya kita dalhin, Trish let's just change partners, Steven will be your partner, I will be her partner" sabay turo nya sakin.

"Hindi pwede Harvey, fix na yung partners"

"Gusto kong pumasa, and this girl (turo nya sakin) baka pare-pareho tayo bumagsak dahil dito."

"Okay fine"

"Let's call this a day, we will resume our practice on Thursday, paki-aral yung sayaw, wag tatatanga-tanga" sabay tingin sakin ni Irish.

JUST CHOOSE ME THIS TIMEWhere stories live. Discover now