"Akala ko History tatapos sakin P.E pala, di ko matake si Irish ghorl" kausap ko ngayon ang kaibigan kong si Chimsey.
"Wag ka papatalo dun, kung andyan ako may back up ka sana"
"Lumipat kana kase dito, our school offer English major also, lipat na ghorl"
"Consider ko yan next year, for now stay strong ghorl, apakan mo silang lahat, I got your back, kung kailangan mo ng back up lilipad ako agad mula dito sa Batangas papunta dyan sa Rizal" biro pa nya.
"Salamat ghorl, bait mo ngayon, wag ka sana mamatay agad"
"Kahit kailan pangit mo kausap Mae, osya I'll end this call na I need to study pa" and she ended the call.
Kahit sobrang hassle ng araw na ito keri lang atleast bukas makakabawi pa ako.
Ready na ako sa report ko ngayon, halos 3days ko ito pinag-aralan, chance ko din to para bawian si Irish. Humanda siya.
"So bakit nga ang China ang dapat sisihin sa nangyayari sa ngayon?"
"Ano kase, due to the reason, ano..." utal-utal nyang sagot.
"Thankyou for your answer, guys anyone mukang di alam ni Irish"
" Hindi naman China lang ang dapat sisihin, kumalat ang pandemic dahil sa kapabayaan ng lahat"
"Precisely!" thankyou Ms. Marquez."That's sums up my report for today. Do you have any questions or quiries? Kung wala na thankyou for listening"
"Good job Ms. Mae" nakangiting sabi ni Sir.
"Class Dismissed!"
Pagkalabas na pagkalabas ni Sir ng pintuan ng classroom ay kanya-kanyang bati ng congratulations ang mga kaibigan at kaklase ko maliban kay Irish,inirapan ako ng bruha, Anong akala nya sakin di ako gaganti sa ginawa nya sakin nung P.E, ibahin nya ako sa binubully nya.
"Ganun din sana kagaling sa sayaw" nagulat ako na kaharap ko na si Duke, kanina pa yata sya dito sa pinto ng classroom namin.
"Kung may reporting sana sa P.E" sagot ko pa. Di rin nakaiwas sakin ang pasimpleng irap nya, keme talaga tong lalaking ito.
"Tara na" sabay hila nya sa kamay ko.
"Wait lang hoy, saan ba tayo pupunta?"
"We will practice our dance, kung gusto mo pumasa makisama ka" sabay lakad nya ng mabilis. Okay sungit talaga.
YOU ARE READING
JUST CHOOSE ME THIS TIME
RomanceLagi ako sa choices pero never akong pinili. Kung baga sa multiple choices ako yung letter A. Kung B is for Bahala na, C for Christ, D is all of the above, ako si A, laging napapag-iwanan, laging di pinipili. Kasama lang sa choices, pamparami lang s...