Start where you are.
Use wat you have.
Do what you can.
-
Dali dali akong nagpalit ng damit para makipag-laro sa labas. Nagsuot ako ng dilaw na pang-itaas at sapin na kulay dilaw rin.Nagmadali akong nagsuklay ng buhok at mabilis na lumabas ng bahay dala-dala ang piso na ibinigay ni tito.
" Kenna kumain ka muna!!" sigaw ni mama ngunit hindi ko pinansin at mabilis na tumakbo.
Dumeretso ako sa tindahan ni Aling Nana para bumili.
"Aling Nana pabili po. Ice kendi po isa"
" Ito nene, punasan mo muna iyang sipon mo. Tumutulo na" tugon niya.
" opo, tsalamat po" sagot ko at ipinampunas ang ang tshirt sa ilong ko.
Tumakbo agad ako sa bahay nila Riri para ayain maglaro.
" Riri !! may ice kendi ako" sigaw ko labas ng gate nila.
Natanaw ko ang paglabas ni Riri sa pinto na may hawak hawak na isang hotdog.
" Penge ako niyan" salubong niya sakin habang ngumunguya ng hotdog.
" Hati tayo, bigay mo ko hotdog." Agad kung kinain ang maliit na piraso ng hotdog na bigay na.
Dali naman niyang pinapapak ang kalahati ng ice candy .
" Sali tayo dun, naghahabulan sila totoy sa kanto."
"tara" sagot ni Riri.
Tumakbo kami patungo sa kanto kung saan naghahabulan ang aming mga kaibigan.
"Sali kami" sabay singhot ng sipon ko.
"Akin muna yang ice kendi mo" sagot ni totoy. Daryl Gracia ang totoong pangalan niya 9 taong gulang na,siya ang pinaka buraot sa aming magkakaibigan. May katamtaman na pangangatawan,moreno at kalbo ang buhok.
"Ayoko, kay Munay ko bigay e" sabay bigay kay Munay sa ice kending kinakain ko.
"Tsalamat sa aish kendi" sagot niya. Siya si Noreen Gracia, ang nakababatang kapatid ni Daryl, 6 taong gulang na,pinaka bata sa aming lahat. Napaka ganda niyang bata,maputi, singkit ang mga mata niya, mahaba at makintab ang kanyak mga buhok. Kumukha rin niya ang kanyang kuya.
" Hoy, laro na tayo bagal niyo" malakas na sigaw ni Makmak . 10 taong gulang, siya ang pinamatanda samin. Mapungay ang kanyang mga mata, katamtaman ang kulay ng kanyang balat, matangkad at patayo ang style ng kanyang buhok.
Umayos agad kami kasi lahat kami takot sa kanya.
Hindi ko alam totoong pangalan niya e, masungit kasi siya tsaka nakalimutan ko pangalan niya. Tahimik yan minsan pero masakit magsalita. Parang matanda na...
Kami naman ni Riri ay 8 taong gulang na. Mag ka-edad lang kami pareho.
Si Riri Joy Taag ang pinaka matalik kong kaibigan sa kanilang lahat. Siya ay may malalaking mata, matatabang pisnge at chubby na pangangatawan. Mataba man siya ay may natatangi siyang ganda na hindi pang-karaniwan.
Ang buong pangalan ko naman ay Makenna Zai Badival. Isa lang akong ordinaryo na batang babae. Maputi ang aking balat, hindi masyadong singkit at hindi rin masyadong malaki ang aking mga mata, maikli ang aking buhok at kulay itim, at may may katamtamang pangangatawan.
Naglaro kami maghapon hanggang mapagod kami. Lahat ay amoy pawis at puro dumi sa damit at paa dahil sa walang tigil na paglalaro. Alas sais na ng gabi kaya umupo kaming lahat sa tabi ng kalsada at nagpahinga.
BINABASA MO ANG
Dreams and Heartaches.
RomanceThe journey of Makenna was bitter sweet. She is dilligent and a smart girl yet unpredictable. She's ready to sacrifice her blissful moments to finish her intentions for her family. The man with perfect life felt intimacy towards her. His strong per...