Dreams don't work,
unless you do.
--Maaga akong gumising para maghanda sa pagpasok ko sa skwelehan.
Pagkatapos kong maligo sa malamig na tubig ay nagpalit ako ng uniporme.
Wala kaming ulam na pang-almusal kaya ako'y nag-ulam ng kape na may mainit na tubig at asukal.
Madalas namin ulamin 'to dahil minsan walang ulam o 'di kaya ay maagang pumupunta ang mga magulang namin sa trabaho.
"Mauna na ako ate" paalam ko pagkatapos kong mag-sipilyo.
Pagkalabas ko ng gate namin ay naglakad ako papunta sa kabilang kanto kung saan ang bahay nila Riri.
Madalas kasi kami magka-sabay papuntang skwelahan. Nilalakad lang namin kasi 10 minutes lang ay mararating na ito.
7 na ng umaga kami nakarating sa aming silid-aralan. Maaga kami ng 30 minuto bago ang flag ceremony kaya umupo kami at nag-kwentuhan agad.
"May chika ako" nakangiting sambit ni Riri.
"Hmm, ano"
"Pagka-uwi ko kagabi,may nagtext" kilig na kilig siyang nagsasalita.
"Sino naman na wrong send sayo?" pabirong tanong ko sa kanya.
"Gaga, Si Alex bibiloves ko" may pag-impit pa ng boses habang yinayakap ang kanyang sarili. Kilig na kilig ang gaga.
"Ano sabe?"
"Nag-Hello syempre, ah basta kung ano-ano topic namin ahemmm" aba'y nasobrahan na 'to.
"Saan niya nakuha numero mo?"
"Kay Totoy daw, aba at masunurin yun ha. Ma-libre ko nga ng Ice cream" natutuwang sagot niya.
Magkakilala siguro si Alex at Totoy. Pero paano naman din nalaman kung kilala niya si Riri?
Nagkwentuhan pa kami ng kung ng ano-ano at pagkalipas ng oras na ay tumunog na ang kampana na hudyat ng flag ceremony namin.
Nagsi takbuhan kami papuntang school grounds.
Nasa mga linya na kami ng may pamilyar na mukha ang lumapit samin.
Iyong babae kahapon na inutusan ni Riri na ibigay ang love letter.
Pagkalapit niya ay may ini-abot siyang papel kay Riri.
"Pinamimigay" pagka-abot ay tumakbo agad paalis.
Nakita ko ang malapad na ngiti ni Riri.
Bubuksan sana namin kaso nag simula na ang ceremony.
Ilang oras na ang nakalipas at sa wakas tapos na ang aming buong klase.
Uwian na naman at nagsimula na naming tahakin ni Riri ang daan pauwi.
"Anong nakalagay sa papel?" tanong ko sa kanya.
"Ay oo nga pala,sandali" dali-dali niyang kinuha ang papel mula sa kanyang bag.
Agad niya itong binuksan at binasa naming dalawa.
You are the only good to my morning.
Ano daw? Parang biglang nag-iba ang timpla ng mood ko sa mga nabasa.
"ahhh, ano ba kasi, Thank you" tili ni Riri habang hinahalik-halikan ito.Ay kadiri
"Kanino galing?"
"Wala naman nakasulat" naka bungis-ngis na sagot niya pagtapos tingnan kung may nakasulat ba.
Ilang sandali ay nakarating na kami sa harap ng bahay nila Riri.
BINABASA MO ANG
Dreams and Heartaches.
RomanceThe journey of Makenna was bitter sweet. She is dilligent and a smart girl yet unpredictable. She's ready to sacrifice her blissful moments to finish her intentions for her family. The man with perfect life felt intimacy towards her. His strong per...