Chapter 5: Feels

9 5 0
                                    

Dreams are always valid.
--

"Pa kain ka pa, konti pa po" pag-aalo ko ng pagkain niya.

Ika-apat na araw na niya dito sa ospital.

Walang imik na isinubo niya ang pagkain na binigay ko sa kanya.

Simula noong nagising siya ay naging tahimik siya at hindi masyadong nagsasalita.

"Pa may trabaho na po ako sa karinderya" kwento ko saknya.

"Mabait ang may-ari at se sweldohan raw po ako 200 kada pasok ko" nakangiti ako habang kinakausap siya.

Bigla na lang siyang yumuko pagkarinig sa sinabi ko.

Ilang sandali pa ay nakarini ako ng pag hikbi mula sa kanya.

"Pa naman, ba't kayo umiiyak" agad akong lumapit sa kanya at yinakap.

Nararamdaman o na rin ang sakit sa mga mahihina niyang iyak.

"Pa wag ka na umiyak"

"Pasensiya na anak"

"Ano kaba Pa, wala ka naman pong kasalanan"

"Nagiging pabigat ako nak" hikbi niya.

"Pa hindi ka pabigat, nangangako po ako ng tutulungan ko ang pamilya natin"

Hindi siya sumagot kundi yinakap niya ako ng mahigpit.

"Basta't wag mo sisihin ang sarili mo"

Inaamin ko sobrang bigat, hinid si Papa kundi ang sitwasyon namin. Kung paano kami nabubuhay simula noon.

"Wag ka mag-isip masyado ha, magpalakas ka lang Pa" pagkalma ko sa likod niya.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti na parang walang problema.

Pinunasan ko ang luha niya gamit ang aking kamay at hinalikan siya sa noo.

Sa pamamagitan nito ay maiparating ko sa kanya na maayos ang lahat.

Namahinga na siya pagkatapos kumain kaya inayos ko na ang mga gamit niya.

"Kenna uwi ka na, ako na dito" bungad sakin ni Mama.

"Magluto ka ng kakainin niyo ha, mag-ingat ka pag-uwi" bilin sakin ni Mama.

Sabado ngayon kaya ako muna ang nagbantay kay tatay. Alas-kwatro na ng hapon tsaka dumating si Mama.

Tumango ako at naghanda na palabas ng ospital.

Nasa labas na ako ng makasalubong ko si Tita Sonya habang may bitbit na prutas.

"Tita, naparito kayo?"

"Bibisita ako sa tatay mo, sino nga pala ang kasama niya?" ngiting sagot niya.

"Ah si mama po,kakarating lang niya."

"Ganun ba, akyat na ako. Ika'y umuwi na. Naghihintay na kapatid mo"

"Sige po, Salamat po." paalam ko at dali-dali ng naglakad.

Sumakay ako ng tricycle pauwi kasi malapit lang.

Pagka-uwi ko ay nadatnan ko ang bunso namin na si Noel, gumagawa ng kanyang mga assignment.

Siguradong nasa trabaho si Ate kaya agad akong nagluto ng hapunan ng aking kapatid.

"Bunso nasa lamesa ang hapunan mo ha,kumain ka agad at matulog ng maaga" bilin ko sa kanya.

Nagpalit na ako ng damit dahil pupunta ako sa karinderya para magtrabaho.

Alas-6 ng gabi ang simula ko hanggang mamayang alas-dose ng gabi.

Ngayong sabado sana ay sa palengke ako kaso walang magbabantay kay papa.

Dreams and Heartaches.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon