Don't stop until you're proud.
--Ang bilis ng panahon, nasa ika-4 na taon na kami sa highschool.
Ilang buwan nalang ay ga-graduate na kami.
Si Totoy ay nasa College na kaya lumuwas na sila sa siyudad.
Wala kasing mga University dito sa probinsiya.
Nag-aalala rin ako kasi hindi ko alam kung paano ako makakarating sa college.
Kailangan ko pa ng ibang trabaho para maka-ipon.
"Hoy" sundot sakin ni Riri. Naka-upo lang kami sa labas ng tindahan ni Aling Nana habang kumakain ng ice-cream na libre niya.
"Tulala ka na naman,Ano iniisip mo?"
"Ha, napapa-isip lang ako kung saan pa ako pwede mag-extra" paliwanag ko.
"eh nasubukan mo na ba sa karinderya? Mukha kasing naghahanap sila" tukoy niya sa karinderya sa tabi ng kalsada. Bukas ito ng 24 hours para sa mga nagba biyahe.
"Hindi pa, subukan ko bukas" sagot ko.
Dating gawi ay nag-kwentuhan kami at ilang sandali ay kanya kanyang uwi na.
"Naka-uwi na a--"
Pagbukas ko ng pintuan ay bumungad sa harapan ko si tatay na nakahiga sa sahig.
"Papa!!" sigaw ko at nanginginig na lumapit sa kanya. Parang tumigil ang oras sa mundo ko.
Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan dahil hindi ko alam ang gagawin ko.
Patuloy lang ako sa pagsigaw at nagmadaling tingnan ang pulso niya.
Pinakiramdaman ko ito at nabuhayan ang loob ko ng may naramdaman akong pitik.
Dali-dali akong lumabas ng bahay at nagsisigaw ng tulong.
"Tulong! Tulong! Si Papa!!"
Nangingnig na ang buong katawan ko sa takot. Hindi ko batid kung ano ang pwedeng mangyare.
Lumabas ang mga tao sa kanilang mga bahay kabilang si Tita Sonya.
Nagmadali ang lahat na buhatin at isakay si Papa sa sasakyan.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha.
Buong oras ay umiiyak ako habang tinitingnan si Papa na walang malay.
Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng oras.
Mas lumalakas pa ang kaba ko habang nasa biyahe.
Ilang minuto pa ay narating na namin ang pinaka-malapit na hospital sa bayan.
Agad siyang isinugod sa emergency room.
Pinigilan kami ng mga Nurse sa entrance ng room.
Napa-upo nalang ako sa upuan sa labas ng emergency room.
Halo-halo na ang mga nararamdaman ko. Takot at kinakabahn ako sa mangyayare, at sa kung ano ang sasabihin ng doktor.
Hindi ko na namalayan na kagat-kagat ko na ang aking mga daliri at sobrang basa na ang aking uniporme dahil sa luha.
Ilang oras pa ay dumating na si Mama at ang mga kapatid ko.
Napahagulgol si Mama dahil sa mga nangyayare.
Napapa-iyak na rin ang mga kapatid ko habang inaalalayan si Mama.
Doble ang naramdaman kong sakit ng makita kong umiiyak si Mama pati na rin ang mga kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Dreams and Heartaches.
RomanceThe journey of Makenna was bitter sweet. She is dilligent and a smart girl yet unpredictable. She's ready to sacrifice her blissful moments to finish her intentions for her family. The man with perfect life felt intimacy towards her. His strong per...