Chapter 6:Warmth

6 1 0
                                    

If your dreams don't scare you,they are too small.
-Richard Branson

Inaalala ko pa rin kung saan ko man narinig ang boses na yun hanggang sa magsalita ulit siya.

"I said, are you okay?" tanong niya habang bakas sa mukha ang pag-aalala.

"Ah, yes. Okay lang" pag-sagot ko sa kanya.

"Did I startle you?"

"Ah hindi naman" sagot ko pabalik.

Tumingin ako sa bintana at natanaw ko ang motor ni Alex sa harap ng gate namin.

Agad kung hinigop ang kape ko at hinugasan ang baso.

"Labas lang ako saglit" paalam ko sa lalaki.

Agad akong lumabas ng kanilang bahay at pinuntahan si Alex sa labas.

"Alex ang aga mo naman"

"Kenna, magpapaalam kasi ako. Pupunta kami sa siyudad mamaya. May aayusin lang kami."

"Ganun ba, Mag-ingat kayo ha"

"Oo naman, ikaw din mag-ingat ka palagi" saad niya at biglang inabot ang buhok ko at sinipit sa likod ng tenga ko.

Bigla naman akong napangiti sa ginawa niya. Nakakabago ng mood ang mga simple gestures niya.Hm

Ngumiti siya at sumakay na sa motor. Inandar naman niya ito at umalis na.

Hanggang sa maka-alis na siya ay naka-ngiti pa rin ako.

Napag-pasyahan ko namang bumalik sa loob.

Agad akong pumasok para tapusin ko mga gawain ko bago pa dumating si Tita.

Nagulat ako ng pagbukas ko sa pinto ay naka-tayo yung lalaki dito.

Kakaiba na ang timpla ng mukha niya. or normal na mukha niya?

"Boyfriend mo?" tanong niya na blanko ang mukha at kakaibang tono ng pananalita.

Pero imbis na sagutin ko siya ay ngumiti lang ako at nagtungo na sa kusina.

Agad ko namang nilinis ang kusina para maka-uwi na ako.

Pagkatapos ng ilang minutong paglilinis ay umalis na ako.

Hindi ko na nakita yung lalaki kaya hindi na ako nagpaalam.

Paglabas ko ng gate nila ay nakasalubong ko si Tita.

"Ah Tita alis na po ako."

"Ay mag-almusal muna tayo iha"

"Hindi na po Tita, sa susunod nalang po."

"Ay ika'y nagmamadali?"

"Opo Tita, may pasok pa po ako"

"Ganun ba, hala pasensya na sa abala iha"

"Okay lang naman po Tita, babalik po ulit ako bukas"

"Sige iha, salamat ha, ika'y umuwi na at maghanda"

"Opo salamat din po"

"Sige iha"

Matapos ko magpaalam ay pumasok na ako sa bahay at dali-daling naligo.

Kumain ako ng kaunti para magkalaman ang aking tiyan at agad nagbihis.

Agad na akong nagtungo sa eskwelahan dahil malapit na akong mahuli.

Nagsimula na ang araw ko sa eskwelahan.

Nagkaroon ng kwentuhan, tawanan, masinsinang pag-aaral at nakaka-antok na hapon sa buong araw ko sa klase.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dreams and Heartaches.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon