Chapter 2: Salamat

73 53 31
                                    

If you can dream it,
You can do it.

--

"Happy birthday to you, happy birthday to you......"

MASAYA naming kinakantahan si Ate Vanessa, ngayon kasi ang ika-11 na kaarawan niya.

Kaming buong pamilya lang ang nagdiriwang dito sa bahay. Dahil sa hirap ng buhay ay pansit lang ang hinanda ni mama para sa kaarawan niya.

Sa pagiging mahirap natapat ang buhay ng aming mga magulang. Ang nanay ko ay pa extra extra lang ng trabaho kahit saan. Walang permanenteng trabaho samantalang ang tatay ko naman ay naglalabada.

Sakitin ang tatay ko kaya sa paglalabada nalang ang kaya niya. Hindi kasi siya pwede sa mas mabibigat na trabaho.

Nagtatrabaho dati si tatay sa Construction site pero habang tumatagal, nagiging sakitin.

Naalala ko nung isang araw na umuwi siya galing sa construction, umiyak siya sa harap namin.

" Ma, mga anak, pasensya na kung hindi tayo araw-araw nakakatikim ng masasarap na pagkain. Pasensiya na ulit kasi tinanggal si papa sa trabaho" tuloy na iyak niya. Habang tumatagal ay tumulo na rin ang luha ko.

" Gagawin ko ang lahat para maka hanap ng trabaho. Ang importante ay masaya tayo, ngayon hanggang sa susunod na buhay."

Ang bata ko pa masyado para maintindihan ng lubusan ang mga hinanakit niya pero ramdam ko yung sakit sa likod ng mga iyak niya.

Sobrang sakit na makita ang tatay ko na umiiyak.

Ilang taon na ay parang pinaparusuhan parin kami sa kahirapan.

" Maligayang araw ulit anak" sambit ni mama sa ate ko.

" Salamat po"

Pagkatapos ay nagsalo-salo na kami ng hapag kainan.

Pagkatapos namin kumain ay hinugot ko sa bulsa ko ang lumang kwentas na matagal ko ng tinatago. Ito ay may itim na pendant at hugis bilog.

"Ate ito ang regalo ko sayo" binigay ko sa kanya at agad naman siyang nagpasalamat.

Kahit simple at luma na ang kwentas ay masaya pa rin niyang tinanggap ito.

Kita sa mga mata nila ang kasiyahan kahit sa simpleng mga bagay lang.

Dahil sa sampal ng buhay ay maaga akong nagka-isip. Sa edad na walong taong gulang ay mulat na sa realidad.

Laging tanong ng isip ko kung ano ang pakiramdam ng pagiging mayaman.

Dahil dito ay lagi akong masipag mag-aral. Lagi akong may honors sa eskwelahan.

Pagiging mahirap ang nagbibigay lakas sakin para pagbutihin ko pa lalo.

"Kenna pakidala mo nga to kay Sonya" sabi ni mama at binigay sakin ang isang plato ng pansit.

Si Tita Sonya ang tiyahin ni Makmak kung saan siya nakitira dati.

Tinanggap ko ito at lumabas agad sa bahay. Gabi na kasi baka may aso na naman sa daan.

Pinindot ko agad yung doorbell nila at ilang sandali pa ay may lumabas sa kanilang pinto.

"Oh ikaw pala Kenna" pagbati ni Tita Sonya pagkatapos buksan ang kanilang gate.

Dreams and Heartaches.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon