Chapter 60

508 5 0
                                    


Chapter 60

Lisa's P.O.V
Matapos ko magbihis, naka-upo lang ako hindi na ako tumayo sa pagkakaupo sa kama.

Hinihintay ko lamang si Ella.

"Ano kaya itsura ni Ella? Maganda sya siguro! Tapos ang bait pa!" - thoughts

"May pag-asa pa kaya ako makakita?" - thoughts

Biglang may kumatok.

"Lisa tapos ka na ba magbihis?" - ella

"Ah oo Ella!"

Bumukas ang pinto.

"Wow Lisa mukhang tao ka na ulit! Halika ka na kain na tayo!" - ella *pag-aya niya*

"Sige!" *inalalayan nya ako maglakad*

Nang makarating kami sa hindi ko alam kung saan pero inaalalayan niya akong umupo.

"Upo ka dyan Lisa!" - ella

Nang maka-upo ako tahimik lamang ako hindi ko alam ano ginagawa niya pero nakakarinig ako ng pinggan at mga kutsara.

"Oh hayan Lisa kain ka na! Kaya mo ba?" - ella

"Oo kaya ko!"

"Okey sige! Heto kutsara!" - ella *hinawakan nya ang kamay ko at nilagay ang kutsara at tinidor*

Mula mabulag ako sinanay ko ang sarili ko sa ganitong bagay isip ang naging mata ko.

Kahit di ko nakikita si Ella pero alam ko tinitignan niya akong kumakain.

Marami ako gusto tanungin kay Ella pero nahihiya ako.

Sa totoo lang komportable ako kay Ella ang gaan ng loob ko sa kanya para kasing nakakaramdam ako ng kapanatagan sa kanya. Sa dalawang taon kong walang mata may takot ako sa aking paligid ngunit kinaya ko makapunta ng Amsterdam kahit wala akong makita.

Marami akong naranasang hirap dito, meron yung muntik akong masagasahan ,pinagtripan akong bugbogin. Lahat marami akong tiniis ngunit meron pa ring mabubuting tao.

Iba ang nararamdaman ko para kay Ella parang gusto ko siya.

Sa gitna nang aking pag-iisip bigla syang nagsalita.

"Lisa? Gusto mo ba sumama sa akin?" - ella

Nagulat ako bigla ako natakot dahil nang minsang may nagtanong sa akin na ganon um-oo ako ngunit ang hindi ko alam ay isasama pala nila ako para maghatid ng droga dahil daw bulag ako hindi ako paghihinalaan pero pinilit kong makatakas sa kamay nila hanggang sa nagawa kong makatakas.

"Lisa?" - ella

"Lisa?" - ella

Nabalik ako sa wisyo nang hawakan nya ang kamay ko nagulat ako at nilayo ko ang kamay ko. Bigla ako nakaramdam ng takot muli dahil sa pangyayaring yun.

*bigla na lang akong umiyak*

"A-ayuko!! B-baka gagawin mo lang akong utusan ng droga?!!" *pag-iyak*

"Ha?? Anong sinasabe mo Lisa??" - ella

"Ayuko sumama sayo l-layuan mo ako!!" *natrauma ako sa pangyayari na yun*

Lumapit siya sa akin at niyakap ako pilit ko inaalis ang pagkakayakap niya pero hinigpitan niya.

"Lisa hindi ko gagawin yun! Hindi ako masamang tao andito ako para tulungan ka!" - ella *crying*

"Shhhh tama na wag ka ng umiyak! Andito ako poprotektahan kita!" - ella

Nang sabihin niya yun kumalma ako pero patuloy pa rin ang luha ko. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil napakasarap ng pakiramdam ng yakap niya pakiramdam ko nasa tamang kamay na ako.

"Lisa ano ba kinakatakot mo?" - ella

"M-minsan kasing m-may nagtanong sa akin noon na ganyan na ganyan nagtiwala ako agad ngunit ang hindi ko alam gagawin nila akong magdedeliver ng droga dahil daw bulag ako hindi nila ako pagkakamalan nang marinig ko yun kahit wala ako makita ginawa ko lahat makatakas lang ako!!"

Narinig ko ang hikbi ni Ella.

"Ella umiiyak ka ba?"

"Oo kanina pa! I'm sorry bigla kita natakot hindi ko alam mga pinagdaanan mo Lisa!" - ella

"Ella? Bakit ang bait mo sa akin?"

"Kasi mabait ka dahil deserve mong tulungan kaya ganito ako sayo!" - ella

"Ella s-salamat h-hindi ko alam paano ka pasalamatan ngunit pwede ba kitang mahalin? M-may bf ka na ba?" *hindi ko alam saan ko kinukuha ang lakas ng loob ko para sabihin ito sa kanya*

Narinig ko ang pagtawa niya saka niya hinawakan ang mukha ko.

"At bakit mo naman ako mamahalin? Di ba may mahal ka ng iba si Jennie ba yun?" - ella

Napayuko ako bigla dahil naalala ko si Jennie. Pero alam ko masaya na sya sa buhay nya ngayon ayuko ng guluhin pa sya.

"O-oo m-meron! H-hindi naman kita liligawan g-gusto ko lang na mahalin ka!"

"Wala ako bf pero may iba na kasi akong mahal eh mahal na mahal ko sya. Pero pwede mo ako mahalin malaya kang gawin yun!" - ella

*sad*

Nasaktan ako sa sinabe niyang may mahal na siya.

"Oh bakit nalungkot ka bigla? Sinabe ko lang na may mahal na ako nalungkot ka na?" - ella

"Ha?? H-hindi ah!"

My THE ONE is my number 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon