Chapter Two: Ivan

52 2 0
                                    

Ivan

------------------xXxX

Pagkarating ko sa bahay galing school, dumiretso agad ako sa kwarto ko para magbihis at bumaba ako kaagad nung pagkatapos ko. Pagkababa ko, naabutan ko si Autumn sa sala habang kumakain ng vegetable salad. Yuck.

"Kailan ka pa naging hayop?" tanong ko sa kanya.

"Huh? Paano ako naging hayop?" confused na tanong niya.

"Eh bakit ka kumakain ng damo?"

Natawa naman siya sa sinabi ko, "Haha. Ikaw talaga. Kailangan kong kumain nito para mag-glow ang skin ko."

"Glow? As in glow in the dark?" =___=

Mas lalo siyang natawa sa sinabi ko ulit. "Baliw ka talaga."

"Tss. Sige, alis na ako." paalam ko.

"Sandali, saan ka pupunta? May piano lesson tayo mamaya."

"Kela Ivan." sabi ko, "Ayokong pumunta. Piano lesson my ass. Sabihin mo na lang sa instructor natin, may diarrhea ako. GTG!" tumakbo na ako palabas ng bahay.

"Umuwi ka agad! Maagang uuwi sila Papa." pahabol niyang sabi.

" 'kay! "

Hinanap ko agad yung bisikleta ko sa garahe at sumakay agad dito at pinaandar.

Papito-pito pa ako habang pumipedal sa bisikleta ko. Si Ivan, yung lalaking gusto ko. Iniisip ko pa lang na makikita ko siya, napapangiti ako. Kahit ganito naman ako, babae pa rin ako at lumalandi rin. XD

Nakarating na ako sa bahay nila. Nag-doorbell ako at may lumabas na isang kasambahay.

"Nanjan po si Ivan?" tanong ko.

"Nandun po siya sa likod. Pasok kayo." agad akong pinapasok dahil kilala na ako ng mga kasambahay nila.

Nilibot ko ang tingin ko sa labas ng bahay nila at hindi ko na naman maiwasang mamangha sa exterior design nito. I always dream of being an architect, pero sigurado akong hindi iyon ang gusto ni Mama.

Nung nakarating na ako sa likod ng bahay nila, naabutan ko siyang inaasikaso ang motor niya. Nakatalikod siya sa pwesto ko kaya hindi niya napansing nandito ako kaya pinanood ko muna siya sa ginagawa niya.

Nakilala ko si Ivan sa school nung 2nd year ako, 4th year naman siya nun. Intramurals nun at kasama ako sa basketball team. Nung araw ng game namin, pinilit kong maglaro mula first hanggang fourth quarter kaya pagkatapos ng game, nag-collapse ako. Paggising ko, nasa clinic na ako nun at siya ang una kong nakita. Siya pala yung nagdala sa akin doon. Simula nun, naging magkaibigan kami at pinakilala ko rin siya kay Autumn.

Naging close kaming tatlo. Pati sa school palagi kaming magkakasamang tatlo. Simula nun, marami nang gustong makipag-kaibigan sa akin at alam kong dahil kay Ivan yun. Popular kasi siya sa school dahil bukod sa gwapo siya, honor student din siya at kasama sa varsity team.

Kaya nung grumaduate na siya sa school, yung mga dati kong kaibigan hindi na ako pinapansin ngayon. Nagalit ako siyempre pero na-realize kong wala akong pakialam sa kanila. Kahit sila Autumn at Ivan lang ang kaibigan ko ngayon, at least totoo sila.

Tumayo na si Ivan mula sa ginagawa niya. Sa tingin ko tapos na siya. Lalapit na sana ako sa kanya nang mapansin kong nagtatanggal siya ng t-shirt niya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Aish!" napatalikod tuloy ako. Wrong timing pa, dapat pala nagpakita na ako sa kanya. >//////

Naramdaman kong umiinit yung pisngi ko kaya pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang mga kamay ko.

The Fall of Summer [EXTREME HIATUS!!~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon