[Summer's POV]
Chemistry class.
Napaka-interesanteng subject. Napakasarap tulugan. -_-
"Okay. Class, sa laboratory tayo ngayon. Bring only the necessary things." sabi ng Chemistry teacher namin.
Nag-aalisan na yung mga classmates ko para sumunod sa teacher namin. Sakto, magpapaiwan na lang ako dito sa classroom para matulog. Hindi na siguro mapapansin ng teacher ko na wala ako sa klase niya.
Maghi-head down na sana ako para matulog nang naramdaman kong may kumalabit sa akin. Pag-angat ko ng ulo ko, nabungaran ko yung class president namin.
"What do you want?" tanong ko sa kanya.
"Cutting class again, Summer?" naiiritang tanong niya sa akin.
"Obvious ba?" sarcastic na balik-tanong ko. "Sumunod ka na sa kanila and leave me here alone."
Nag-crossed arms siya at tinaasan ako ng kilay, "Hindi porque pamangkin ka ng VP dito, pwede mo ng gawin yung mga gusto mo. Baka gustong maging 'guest of honor' ulit ng Detention room o ng Guidance office?" pagbabanta niya.
Nainsulto ako sa sinabi niya pero hindi pa ako nagsalita pa. Tumayo na lang ako at pumunta sa lab. Bad trip. Kung kailan naman ako magkakaroon ng quality time, saka pa siya eepal.
Pagkarating ko sa lab, naabutan kong nagdi-discuss ulit sa harap yung teacher. Jusko, hindi pa siya nagsawang magsalita sa classroom kanina at hanggang dito ba naman kina-career niya. =__=
"Okay, go your lab partners and start the experiment."
Nagpuntahan na yung mga kaklase ko sa kanya-kanya nilang partners at table. Samantalang ako, nakatanga lang at hindi alam yung gagawin.
Malas.
Nilibot ko yung tingin ko sa paligid para hanapin kung sino mang hudas yung partner ko. Tapos nakita kong papalapit sa akin si lampa -- si Hiro.
"H-hello." sabi nya at parang nag-aalangan pa syang lumapit sa akin. Anong problema neto?
"O?" sabi ko habang nakataas ang kilay. Shortcut yun ng "Anong problema mo at lumapit ka? Hindi kita kailangan dito kaya umalis ka at naaalibadbaran ako sa presensya mo."
Mukhang naiintindihan naman nya yung gusto kong iparating pero hindi pa rin sya umaalis sa harapan ko. Tapos sabi niya, "Ako yung partner mo."
Kumunot naman yung noo ko, "Bakit ikaw?"
"Sabi kasi ni Ma'an kanina, choose your own partners daw. Alam ko namang walang may gustong maka-partner ako kaya ikaw na lang. Hindi ka naman magagalit diba?" sabi niya habang nakayuko.
"So, napilitan ka lang, ganon?" sabi ko habang nakataas ang kilay. I guess, wala rin naman akong ibang options. Malamang, mas walang gustong pumartner sa akin, well except Autumn. Teka, nasan na nga pala siya? Nilibot ko ulit yung tingin ko para hanapin siya pero hindi ko siya makita sa loob ng lab.
Humarap ako sa katabi ko na kasalukuyang nagbabasa ng procedures at kinalbit siya, "Oy, nakita mo si Autumn?"
Agad siyang humarap sa akin at sumagot, "Ah, excused siya. May urgent meeting daw sila sa student council eh." sabi niya at bumalik na ulit sa ginagawa niya.