Chapter Five: Heart

59 2 6
                                    


[Summer]

Nakatayo ako sa bukana ng cafeteria ng school at may hinahanap akong partikular na tao. Hindi ako dapat nandito sa kinatatayuan ko kung hindi lang talaga sa utang na loob sa tao na hinahanap ko. Usually kasi kapag break time ng mga estudyante, nasa loob lang ako ng classroom at natutulog dahil ayoko sa maraming tao. At dahil nga break time, halos napupuno na ng estudyante ang loob ng cafeteria.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob habang naglalakad. Pero dahil nga hindi ako nakatingin sa dinaraanan ko, may nabunggo akong tao. Napatingin tuloy ako doon sa nakabunggo ko.

Napasalampak yung babae at kumalat yung mga pagkain na nasa tray na hawak nito. May tapon din ng juice sa skirt ng uniform nito. Ch-in-eck ko yung sarili ko, at nakita kong namantyahan ang blouse ko ng spaghetti sauce at juice.

"F.ck" mahinang sambit ko nang makita ang mantya sa damit ko.

"Oh! My gosh! Sorry po Ate Autumn. Hindi ko po sinasadya!" hinging paumanhin ng babaeng nakabunggo ko. Nakatayo na ito sa harapan ko at nakayuko. Maliit ito at mukhang junior ko. Tsk!

Napagkamalan pa akong si Ate. Kunsabagay hindi nga pala ako nagpupunta dito.

"Malilinis ba ng damit ko yang sorry mo?" walang emosyong pagkakasabi ko.

Medyo nagulat ito sa sinabi ko pero agad din itong nakabawi at napalitan ang expression ng mukha nito. "Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" singhal niya sa akin.

Nalaman lang niyang hindi ako si Ate, tumaray na ang leche. Plastic.

"So kung nakita mo naman palang hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko, bakit hindi mo ako iniwasan? Kasalanan mo, tanga ka eh." sabi ko at nilagpasan ko na siya.

"Ang kapal ng mukha. Siya na nga yung nakabangga, siya pa yung may ganang magtaray!" narinig kong parinig ng isang estudyante.

"Sinabi mo pa. Ang sama talaga ng ugali niya." banat pa nung isang kausap niya.

"Malayong-malayo siya sa kapatid niya."

Hindi ko na sila pinansin dahil hindi naman sila yung pakay ko. Baka pag hinarap ko pa sila, iba pa yung magawa ko.

Nilibot ko ulit ang tingin ko sa cafeteria, hindi naman na ako nahirapang maghanap sa kanya dahil siya lang ang walang kasama sa isang table. Agad naman akong lumapit sa kanya.

Kasalukuyan nyang kinakain ang burger na hawak kaya hindi niya kaagad napansin na papalapit ako. Naupo ako sa upuan na tapat nito at doon niya napansin ang presensya ko. Nanlaki ang mata niya pagkakakita sa akin at bigla na lang siyang nabilaukan.

"Mmbig!" sambit ni Hiro habang kinakabog niya ang dibdib. Medyo nataranta ako kaya inabot ko na lang sa kanya kung ano man ang nadampot ko sa table at diretso nitong ininom iyon.

"Pwe!" naibuga niyang bigla ang laman ng bibig niya.

"Eew! Gross!" reklamo ng isang grupo ng mga babae na katabi lang ng table.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fall of Summer [EXTREME HIATUS!!~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon