Chapter Three: Comparisons

54 3 1
                                    

Comparisons

-------------------xXxX

"Salamat pala sa paghatid." nakarating kami na kami sa harap ng bahay namin. Siya ang nagdrive ng bike ko dahil hindi ako makapagpedal ng maayos dahil sa sugat ko.

Ngumiti siya sa akin bilang sagot sa sinabi ko, "Sige na, mukhang kailangan mo ng pumasok sa inyo."

Muntik ko na namang makalimutan kung hindi niya pinaalala. Natanaw ko ang business car ni Papa sa garahe kaya nagmadali na akong pumasok sa amin.

Kumaway ako kay Ivan nung nakapasok na ako sa gate namin. Nakita kong kumaway din siya sa akin at tumalikod na para umalis. Hinintay ko pang makalayo siya bago ako pumasok ng tuluyan sa bahay.

Nung nasa sala na ako, naririnig ko ang tunog ng mga kubyertos galing sa kusina.

"Hindi pa ba bababa dito si Summer?" narinig kong nagsalita si Mama.

"Susunod na daw po siya 'Ma." narinig kong sagot ni Autumn. Nagsinungaling na naman siya dahil pinagtakpan na naman niya ako. Lagot na naman ako sa kanya mamaya. Tsk.

"Delia, pababain mo ba siya dito. Kailangan naming mag-usap." utos ni Mama sa kasambahay namin. Shoot.

Agad akong umakyat sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at nagsuot ng jogging pants para hindi makita yung sugat ko.

Nag-aayos ako ng sarili ko nang may saktong kumatok sa pinto. Binuksan ko iyon agad at napagbuksan ko yung kasambahay namin.

"Pinapababa na po kayo ng Mama ninyo."

Bumaba na ako sa dining area. Tahimik lang na kumakain sila Papa at Mama. Nakatingin naman sa akin si Autumn at parang pinapagalitan niya ako sa tingin niya.

Naupo ako sa tabi ni Autumn. Tinapunan ako ng tingin ni Mama nung napansin niya ang presensiya ko at binalik sa pagkain niya ang atensyon niya.

Hinarap ko na yung pagkain ko. Tahimik lang kami sa dining table at walang nagsasalita sa kanila.

Ilang sandali lang, biglang binasag ni Mama ang katahimikan, "Summer, hindi ka daw nag-attend sa piano lesson ninyo kanina. Bakit?" malamig ang tono ng boses niyang nagtatanong. Ni hindi man lang siya nag-angat ng tingin.

Hindi ako agad nakasagot kaya si Autumn ang nagsalita. "Masama po ang pakiramdam niya kanina 'Ma."

"Kapatid mo ang kinakausap ko, hindi ikaw Autumn." Nagyuko nalang si Autumn at tinuloy yung pagkain niya. Tumingin naman ako kay Mama at ako ang sumagot sa tanong niya, "Ayoko po." straight-forward kong sagot.

Nag-angat ng tingin si Mama at tinignan ako ng matalim, "Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi niya "at ano itong mga naririnig kong mga ginagawa mo sa school mo? Nakakahiya ka!" nagulat ako sa pagtaas ng boses niya. Nagyuko ako ng ulo ko at napatitig sa pagkain ko. Bigla na lang akong nawalan ng ganang kumain.

"Mamaya na kayo mag-usap, Celine. Nasa harap tayo ng pagkain." Narinig kong sabi ni Papa.

The Fall of Summer [EXTREME HIATUS!!~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon