Chapter One: Hiroshi Hara

161 4 5
                                    

Hiroshi Hara

--------------------xXxX

"Sh*t!" sinipa ko ang locker ko sa inis ko. Lumikha yun ng malakas na ingay dahilan para magtinginan ang mga kaklase sa loob ng girls' locker room.

"Anong tinitingin tingin niyo?!" singhal ko sa kanila at bumalik naman sila sa kanya kanya nilang gawain.

"Bakit? Anong nangyari?" lumapit sa ang kakambal kong si Autumn habang nakatingin siya sa nayuping locker ko. Tsk. Napalakas yata yung sipa ko.

"Nawawala yung susi ng locker ko at nanjan yung uniform ko sa loob. Malas!"

Sa pangatlong pagkakataon, kinalkal ko ulit yung backpack ko para hanapin yung pesteng susi.

"Nasaan na ba yung punyemas na susi na 'yon?!" inis na sabi ko habang tinataktak yung bag ko. Nagkalat pa tuloy yung mga gamit ko. Argh!

*Kriiiiing~~*

Kung aabutin ka nga naman ng malas oh! Nag-aalisan na yung mga kaklase ko para sa next period samantalang ako, naka-PE uniform pa rin. Kung bakit ba naman kasi ngayon pa gumana yung pagkaburara ko eh. Malas talaga. =__=

"Nee-san, mauna ka na sa klase. Ako namg bahala dito." sabi ko kay Autumn habang inaayos yung bag ko. "Hindi na ako papasok sa World History." dagdag ko. Wala naman talaga akong balak na pasukan yung subject na yun dahil bukod sa boring na yung subject mismo, boring pa yung nagtuturo. Magagalit kasi 'tong kapatid ko kung magcu-cutting class na naman ako. Parang hindi na nasanay sa akin.

"Hindi pwede! May unit test tayo dun ngayon kaya hindi ka pwedeng mag-absent." panenermon pa niya sa akin. Grade conscious as ever. =_=

"Who cares?"

"Summer!!!" pagtawag niya sa pangalan ko in a warning tone.

"Oo na po! Sige na susunod na ako. Mauna ka na." sabi ko. Binaklas ko ying pinto ng locker ko tutal nasira ko na rin lang.

Destroying school property. Minor offense number 4. Tsk tsk. Mukhang magiging guest na naman ako ng Guidance Office.

"Susunod ka ha?!" paniniguro pa niya. Hay! Ang kulit.

"Oo nga sabi. Umalis ka na nga. Shoo!" pagtataboy ko sa kanya.

Agad akong nagbihis nung pagkaalis ni Autumn. Sana hindi pa nakakarating si Mrs. Calamares sa classroom, yung History teacher namin. Hindi pa man din nagpapapasok ng late comer yun.

Pagkabihis ko, tumakbo agad ako sa classroom in a speed of light. Inaayos ko ang buhok, necktie, at blazer ng uniform ko habang tumatakbo. Hinihingal na ako nung nakarating ako sa third floor, kung nasaan ang classroom ng Class 3-A.

At dahil maswerte nga akong tao, naabutan ko na lang na nakasara na ang pinto ng classroom. Great. Just great.

"Darn!" sambit ko. Napasalampak na lang ako dahil sa inis at pagod. Nag-effort pa naman din akong tumakbo papunta rito tapos mauuwi lang din pala sa wala. Bukod sa reprimanded na naman ako dahil nasira (sinira) ko ang locker ko, wala pa akong grade sa unit test.

Yay. Life.

"Sarado na?" may nagsalita.

Lumingon ako dun sa nagtanong. Classmate ko pala na late din. Sinubukan pa niyang pihitin yung doorknob pero nabigo din siya. Inirapan ko lang siya at binalik ang tingin ko sa quadrangle na nasa harap ng building.

"Sarado na pala." sambit niya at naupo sa tabi ko.

Lumingon ulit ako sa kanya at tinignan siya ng masama, "Sa tingin mo tatanga lang ako dito kung alam kong bukas yan?!" singhal ko sa kanya "at sinabi ko bang tumabi ka sa akin?! Distansya!" dagdag ko at agad naman siyang dumistansya sa akin, na dapat lang niyang gawin dahil kung hindi, may kalalagyan siya.

The Fall of Summer [EXTREME HIATUS!!~]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon