Chapter 1
Harvey's POV:
DIRECTION: Solve the given problem: (10 points Each) STRICTLY NO ERASURES!
1. The quantity of X raise to the second power plus seven XY minus negative two Y raise to the second power times the quantity of five X raise to the second power minus three XY minus two Y raise to the second power is equal to?
2. Four X raise to the second power, Y to the third power over eight X, Y raise to the second power is equal to?
3. Negative four X minus twenty X is equal to?
---
Fuck! Today is Tuesday, Valentines Day...
!!!MATHEMATICS EXAMINATION!!!
PUTA! Pakiramdam ko'y hihimatayin ako sa mga nakikita ko sa questionnaire na ito. Para akong mababaliw na matatae na ewan! Feeling ko is hinahati ng numbers yung utak ko gamit ang bread knife.
Ganito ako pag nakakakita ng math problems, feeling ko is parang binibitay sa silya elektrika. I hate mathematics the most, hindi ko alam kung bakit? pero ang alam ko lang is may phobia ako sa numbers. Naniniwala akong noong past life ko ay hindi pa naiimbento ang numbers.
Valentines day ngayon (February 14), araw ng mga naka pulang mga higad, linta at buni sa gilid-gilid, araw ng mga kulubot na ampalaya at araw ng mga fanatics ng blade. Puro kulay red nanaman ang suot ng mga hinayupak na couples na naniniwala sa walang hanggang pagmamahalan. Nako ubusan ng flowers, chocolates and valentine cards sa mga tindahan panigurado. Sa tingin ko, nag kaka-ubusan na rin ata ng blade. Dadanak nanaman ang dugo ng mga tangang umaasang katulad ko sa mga punyetang paasang tao. Ang hirap maging single, mas mahirap pa sa daga!
Kanina bago mag start yung klase ay bumili nga pala ako ng pulang rosas sa aleng corrupt sa labas ng school, paano ba naman kase eh 40 pesos ang isang rosas nya na di ko alam kung bakit pa nya binibenta eh lanta naman na. No choice ako kaya binili ko na kase ang layo naman ng dangwa from school! Haha! Bumili rin ako ng chocolates na galing din sa corrupt na tindahan, kila aling norma. Si aling norma lang ang may tindahan sa tapat ng school, ang lakas lakas ng kita ng tindahan pero nangungurakot pa din.At bumili rin ako ng isang puting oslo paper at pulang colored paper na galing din sa corrupt, sa canteen ng school. 2 piso ba naman ang isang colored paper? Nakaka aning ampota!
Alam mo ba kung kanino ko ibibigay yung mga binili ko? Syempre hindi! Ibibigay ko sya sa crush kong si Jack Evasco. Ang classmate ko na sobrang pogi pero bad boy! Inlove ako sa kanya at inlove din sya sakin...
JOKE! Syempre hindi. Obvious naman siguro na assumerong butiki ako diba. Oo assumero, tangang umaasa na balang araw is magiging kame din ni crush. Hindi ito alam ni Jack, ang alam nya is isa akong tunay na lalaki na ang alam lang is mag-aral at tumakbo sa marathon sa aming paaralan. Crush ko na sya since elementary palang kame. Napaka pogi kase nya, matangkad, maputi, mabango... Etc. Basta! Siya yung tipo kong maging boyfriend. Kamukha nya si Ruru Madrid grabe!Pero ang saddest part dun is mahal ko na sya.
Ako nga pala si Harvey, 17 years nang single at umaasa. Nagkaroon na ng 1 Crush, athlete ako sa school namin, Runner ako. Maputi ako, chinito, kamukha ko daw si Enchong Dee sabi ng dalawa kong bestfriends, matangkad ako (5'9), bisexual at ang dalawang bestfriends ko lang ang may alam neto, mahilig akong humingi ng sign. Yung feeling ng tatawid lang ako sa pedestrian lane kapag natupad yung sign na hinihingi ko sa oras na bago ako tumawid or else mag o-over pass ako.
Nakaka ubos ng dugo sagutan itong exam na ito grabe! TUYONG TUYO na ako grabe! Kaya may naisip nalang akong gawin...
Nag paplano ako ngayon kung paano ko ilalagay sa bag ni jack yung red rose, chocolates at yung ginawa kong valentine card. Masusi kong pinag planuhan kung paano ko iyon gagawin at naisip ko...