My Heroes

42 1 0
                                    

                          Chapter 4

Amber's POV:

Palabas ako ng canteen nang makita ko sila Harvey, tawa ng tawa na parang mga baliw! Natutuwa naman talaga ako pag nakikita ko na masaya ang Harvey myloves ko, feeling ko is nakukumpleto niya ang araw ko.

Sa tingin ko, ang pretty girl's nanaman ang pinag tatawanan nila. Ang pretty girls lang naman kase ang katawa tawa sa school na ito bukod kay budang (Ang classmate naming maitim na kulot). Likas na masayahin talaga itong si Harvey, madalas talagang kasama niya yung dalawa nyang mga kaibigan at sila'y madalas na mag tawanan sa daan. Naiisip ko na maki-join sa kanila tuwing nakikita ko silang masaya kaso hindi ko naman magawa, baka ma O.P. lang ako.

Lalapitan ko sana silang tatlo para sumabay nang umakyat sa room namin sa third floor ng building  pero may humatak sa likod ko at hindi ako hinayaang maka sigaw at maka piglas. Tinakpan nila ang bibig ko at hinawakan nila ang dalawang kamay ko.

"Wag ka muna lalapit sa kanila! May gagawin kame! Stay ka lang muna dito" ~ Drew

Laking gulat ko sa kung ano ang nangyayari, bakit kailangan hatakin nila ako dito at hawakan ang dalawang kamay ko? Ano ang binabalak nila sa tatlo? Hindi maganda itong nadadama ko.

Halos mapunit ang uniporme ko kakapumiglas! Kaso sobrang higpit at tatag ng pagkaka hawak nila sa akin. Maya-maya ay may kinuha sila Jack na mga papel at scotchtape, idinikit nila ang scotch tape sa likod ng mga papel. May mga naka sulat na sa papel? parang ang effort naman ata nila? Pumuwesto na sila Jack sa likuran nila Harvey, may idinikit sila Jack sa likuran ng tatlo ng hindi namamalayan nila Harvey. Ekspertong ekspero talaga itong sila Jack pagdating sa kalokohan! 

Sira ulong Jack yan! Napaka gago! Mahal na mahal sya ni Harvey tapos gagaguhin nya lang? Kaya malaki na talaga ang hinala ko una pa lang eh! Sabi na hindi mabuting kaibigan itong gagong to!

Binitawan nila ako pagkatapos nilang gawin ang kagaguhan nila! Ang sakit ng mga kamay ko.

Hindi namamalayan nila harvey kung ano ang nangyayari? Dire-diretso lang silang nag-lalakad, hindi nila alam kung bakit naka tingin ang mga estudyante sa kanila, kung bakit pinag-tatawanan sila. Nag init ang ulo ko dahil wala man lang akong nagawa!

Nang umalis na sila Jack, naisipan kong habulin sila Harvey at sabihin kung bakit sila pinag titinginan ng mga kapwa nila estudyante.

"Uy! Amber! Kamusta? May problema ba? Bakit parang naka busangot ka?" ~ Me

"May papel sa likod mo, si Jack ang nag lagay nakita ko kanina.  Sige mauna nako sa taas" ~ Amber

Nagulat si Harvey sa emosyong ipinakita ko, kalungkutan na may halong galit. Pagkatapos kong sabihin kay Harvey ang nangyari ay nauna na akong umakyat. Napapaisip talaga ako sa kung ano ang dapat gawin. Kailangang may gawin ako! Kailangang maiganti ko si Harvey! Kaya nag isip ako ng maitim na plano. Naisip kong ako nga pala si SUPER AMBER! Ang super hero na nag-mamahal kay Harvey! (Ang korni, paki intindi) Ipaghihiganti ko sya! Bwuahahaha! (Evil Laugh)

Pag ka akyat ko sa room ay tumungo agad ako pababa sa CR ng school na nasa ikalawang palapag, kumuha ako ng timba at nilagyan ko ito ng Red Cold Sticky Liquid o RCSL! (Catchup, Water, Flour, Joy, Ice cubes). Ang RCSL ay inimbento ni MR. Amber Trinidad noong 1960. JOKE! Ako lang talaga nag imbento nito, syempre may dala akong mga ingredients sa bag ko! Boy scout ata toh! OO nga pala, tutal wala naman daw si maam. Esper (Social Teacher) dahil siya ay may sakit, gagamitin ko nalang ang vacant time namin para sa paggawa ng aking maiitim na plano. Kinuha ko ang timba sa unang cubicle at ang mga sangkap sa bag ko. Mamaya ay ilalagay ko ang timba sa ibabaw ng Cubicle, titimplahin ko ang mixture. Kukumbinsihin kong pumasok si Jack sa loob ng CR and Bang! Ibubuhos ko sa kanya ang malapot at maasim na likido! Mabubuhos sa kanya ang RCSL! Kawawa naman sya but he deserve that kind of revenge!

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon