Chapter 3
Jack's POV:
Nag lalakad kame ni harvey sa dalampasigan, magkahawak kami ng kamay at masayang nag lalambingan. Ang saya-saya naman, tila nakikisama ang panahon sa amin ni harvey. The Sunset is so perfect, mahangin at malamig. Parang kami lang ang tao dito sa mundo, lahat pwede naming gawin! LAHAT!
"Harvey, ang saya-saya ko kase kasama na kita. Hindi talaga ako makapaniwala na kasama ko ang pinaka mamahal ko. I love you harvey, sana hindi tayo magka hiwalay tulad ng mga pagong na nag lalakbay sa karagatan." ~ Me
"Ako rin Jack ay hindi makapaniwala, akala ko ay hanggang tingin nalang ako sayo. Mahal na mahal din kita, pangako, hinding-hindi kita iiwan. PANGAKO." ~ Harvey
Himinto kame sa gitna ng palubog na araw sa may dalampasigan, hinawakan niya ang pisngi ko, inilapit niya ang kanyang mukha nang dahan-dahan. Ipinikit ko ang aking mga mata, at unti-unti kong naramdaman ang matamis na halik mula sa kanyang mga labi. Mahangin, malamig at tahimik, ito na ata ang pinaka romantic na araw sa tala ng buhay ko. Sana hindi na ito matapos.
Habang nilalasap ko ang moment, biglang may narinig akong nag salita...
"GISING NA JACK! WAG MONG LAWAYAN ANG UNAN! PLEASE NAMAN!!! Nak! Binabangungot ka!"
Luh? Sino yon? Boses ng nanay ko iyon huh? Tsk! Nang imulat ko ang aking mata, si mama! Shettt! Si mama na ang nasa harapan ko! Ahhhhhhhhhhhhhggggg!!!
"Binabangungot ka! Hoy! Gumising kanaaa! Hinayupak ka talagang bata ka!" ~ Mommy
Nagising ako nang niyuyugyog at minumura na nang ina ko! Teka, Grabeee! Bangungot nga! Bakit si Harvey ang laman ng panaginip ko? Kadiri naman! Whooah!
"Ano ba mommy!? OO NA GIGISING NA! Bugbog na ako oh! kaka yugyog mo!" ~ Me
"Tarantado ka kaseng monggol ka, bumangon kana at maligo! May pasok ka remember? Lagi ka nalang bang gigisinging bata ka!? LIGO NA! Bilis!" ~ Mommy
"OO na! Etoooooooo naaa!" ~ Me
Hindi po ako mama's boy ah, sadyang paranoid lang talaga si mommy. Ako nga pala si Jack, 17 years nang pogi. May 26 na ex at hindi naging single simula nung 4 years old ako. May girlfriend ako ngayon, si Stacy (Ang leader ng Pretty Girls) siya din ang muse ng school, prom queen at ang pinaka maganda sa school. Mayaman kami, may apat na bahay, apat na kotse at isang motor.
Tumayo ako sa aking kama, ughhh! Inaantok pa ako. Buti naman at lumabas na ng kwarto ko si mama, ang aga-aga ang ingay-ingay! Pumunta na nga ako sa taas at pumasok na nga ako sa cr para maligo at mag pa gwapo.
04:30 palang nang umaga, nakakaantok, nakakatamad, nakaka bwiset pumasok sa school dahil makikita ko nanaman ang paker na pepper na may gusto sakin, si Harvey Cabral Adriano! Ang lalaking este pamintang may gusto sa akin! Whooh! Ang galing niyang mag hide ng pagkatao! Laughtrip nga ako sa kanya kahapon eh! Naiiyak talaga ako, naiiyak sa sobrang TAWA! Di ko akalaing bakla yung gagong yon? Humanda sya sakin mamaya! Pag titripan ko sya!
"JACK! Ano ba? Di ka na ba mag-aaral!? Maliligo ka nalang? PAG AKYAT KO AT HINDI KA PA DIN TAPOS! BABANLIAN TALAGA KITA NG KUMUKULONG TUBIG!" ~ Mommy
Tsk. Hindi pa nga ako tapos maligo? Napaka atat! Nakakabwisit! Ugg!!!
"OO NA! BABABA NA! ETO NA OHHH" ~ Me
Ang aga-aga pa ay minamadali na ako?! Ang epic talaga lagi ng umaga ko eh! Nakaka banas!
Pagkatapos kong maligo, pumunta nako sa room ko, umupo sa malaki kong kama at kinuha ang iPhone ko. Tinext ko ang bestfriend ni Harvey na si mateo para hingin ang number niya, "Good Morning Tol! Can I have the number of your friend Harvey? Please?" , at agad na nag nag rdply ito at binigay nga niya ang number ni pepper! Inilapag ko muna ang iphone ko at sinuot ko ang uniform ko, nag lagay ako ng hair wax para sa pinaka mamahal kong buhok, konting spray ng perfume, kinuha ko ang phone at bag ko at bumaba na ako.