Chapter 5
Harvey's POV:
Pagkagaling sa park ay tumungo na kame sa bahay para mag basketball. Pero bago yon, kumain muna kame sa KFC, KFC Crushers lang ang in-order ko kase... wala lang, gusto ko lang.
"Nakatulog ka kanina sa bench ah? Napagod ka ba Huh Harvey? Paano yan, mag ba-basketball pa tayo? HAHAHA!" ~ Jobenz
"Oo nga eh, ewan ko ba pare, hindi naman ako ganito dati. Hindi na kase ako nag e-excersize saka hindi na din ako tumatakbo" ~ Me
"tapos kanina habang natutulog ka sa bench eh ngumunguso kapa? HAHAHA! Whooh! LAFTRIP ka! " ~ Jobenz
Nakakahiya! Hindi ko alam na ngumunguso ako? Ugh! Hindi na tuloy ako nakapag salita.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na nga kame, 12:45 PM na, tanghaling tapat at sobrang init.
Hindi namin alam kung bibiyahe pa ba kame kasi nakaka paso yung init. Pero no choice kaya nag motor pa din kame, parusa nga lang. Habang naka sakay ako sa motor ni Jobenz ay para akong galunggong na bibibilad para gawing daing. Sobrang hapdi sa balat nitong init na ito kaya napag desisyunan ni Jobenz na bukas nalang siguro kame mag ba-basketball kase mainit nga, ayaw kase naming umitim, kase... ayaw lang namin!
Siguro mga 20 minutes akong binibilad sa araw, mukha nakong nasunugan ng balat. Ang itim ko na!
Pagdating namin sa bahay ay agad kaming nag pahinga sa salas, wala pa sila mommy kaya nag pahinga muna kame. Naka lugmok kaming lahat sa sofa sa sobrang pagod. Katabi ko si Jobenz at magkatabi naman si Jeric at Ernest. Sobrang init, kaya naisipan kong buksan ang aircon ng buong bahay na nasa tabi ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit nasa tabi ng pinto yung switch ng aircon? Sinong gumawa ng bahay namin MAYGAD? Ang tanga?
Pero nagulat talaga ako pag harap ko sa sofa! Kase... Naka hubad na silang tatlo, As in TOP LESS! ang gaganda ng katawan! Lalo na yung kay Jobenz, parang katawan ni Aljur Abrenica! Sobrang hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan iyon. Whooh! Lalo ko lang nadama ang init ng panahon! Pati katawan ko uminit lalo.
Hindi ko talaga alam kung babalik pa ba ako sa puwesto ko sa sofa katabi si Jobenz o aakyat na ako sa kwarto ko, ang awkward kasing tumabi pa sa kanila lalo na't hundi ko na mapigilan pa ang sarili ko.
Please! Magpigil kayong mga higad kayo na nasa katawan ko! JUSKO! Ayoko pang mabaliw sa sobrang pagka higad! Sa sobrang kaba kong tumabi sa kanila ay napag desisyunan kong umakyat nalang sa taas, kaso...
"Oh? Harvey! saan ka pupunta? Aakyat kana agad? May ipapakita pa naman kame sayo." ~ Jobenz
Napalunok ako ng marinig ko iyon mula kay Jobenz! Whohh!? Ano naman kayang ipapakita niya? Kinakabahan ako ah.
"ah? Ahmmm.. Aakyat na sana ako, a.aaa sige sige, ano ba yun job?" ~ Me
"Halika! Tara, lapit ka dito sa tabi ko, dali!" ~ Jobenz
Jusko! Nako naman. Ano ba to, bakit ba nangyayari ito? Malapot na pawis ang tumatagaktak mula sa mga higad na nasa katawan ko.
Lumapit ako papuntang salas sa tabi ni Jobenz. Pinigilan kong ipakita ang pagka landi ko, umupo ako sa tabi ni Jobenz. Pinalipat niya ako sa gitna nila ni Jeric. Nagulat ako ng umakbay sila sa mga balikat ko. Basang maiinit at matitigas na braso ang naka akbay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, sisigaw ba ako sa kaba o mahihimatay nalang? Pero pinigilan kong mangyari iyon, habang naka akbay sakin sila Jobenz ay may kinuha si Jeric sa bulsa nito.
Nagulat ako sa kinuha niya, ang LG nyang phone...
"Oh ano? Game na! SELPI TAYO MGA PARE! Game? Wacky muna ah? One... Two... Three...! SMILE!" ~ Jeric