12 Signs

27 0 0
                                    

                         Chapter 2

Harvey's POV:

Pag dating namin sa bahay, puro sermon ang aming narinig. Imbis na tanungin ako ni mama kung kumain na ako eh ang tinanong agad ay kung saan ako galing? Actually hobby na ni mama iyon, ang manermon ng manermon.

"O saan nanaman kayo galing? bakit ngayon lang kayo? Alas tress na ah? Naglakwatsa nanaman ba kayo? Nakoo! Kayo talaga!" ~ Mama

"Hindi po tita laura! Natagalan lang po kaming umuwi nila Harvey kasi. . . ..." ~ Mateo

"... .. . Inutusan po kame ng adviser namin na mag check ng test papers! Dont worry po, mababait naman na po kame eh! Kaya hindi po kami gumagala after class!  Promiseee!" ~ Mateo

"Nakooo! Kayo talaga! Oh kumain na kayo, duon kayo sa kusina, may egg pie dun! Harvey kumain na kayo. May kanin at ulam na dun. Mag hugas ka ng plato pag katapos nyong kumain ah!" ~ Mama

"HAHAHAHAHAHA! Dishwasher! " ~ Walter & Mateo

Buti nalang at nasabihan ko sila Walter kanina kung anong sasabihin pag tinanong sila ni mama kung saan kami nanggaling! Hahaha!  As usual, bumenta nanaman ang mga palusot ko. Pero As usual din, ako padin talaga ang mag huhugas ng plato, nako... kung alam lang talaga ni mama na nahimatay ako kanina? siguro pinahiga na nya ako sa kama ko sa kwarto sa taas at dinalhan ng makakain kanina pa. Na realize ko na mas mabuti pa rin pala talagang nag sasabi ng totoo eh no? Haha! Pero okay lang din, mamaya baka pag sinabi ko kay mama is usisain pa niya kung bakit ako nahimatay kanina. Baka malaman nya pa ang lahat lahat about sa kalandian ko!  Ayokong malaman nila mama ang sikreto ko kase ayokong mag-iba ang tingin nila sa akin.

Pumunta na kami ng kusina, malaki ang bahay namin pero hindi kame mayaman, may 3rd floor ang bahay namin at may sarili akong kwarto. Nasa upper class ang family namin , JOKE! Sakto lang ang buhay namin. Si mama ay may ari ng Salon sa QC at si papa naman ay nagtatrabaho sa isang opisina sa makati bilang isang Manager, gabi na kung umuwi si papa kaya hindi ko na sya nakaka-usap. May dalawa akong kapatid, sila kuya Gaz at si Toni, parehong lalaki ang mga kapatid ko. Mas matanda si Gaz kay Toni, si Gaz ay 19 samantalang si Toni naman ay 15. Mas close ako kay kuya kesa kay Toni, kase may regla lagi ito, hindi natatapos ang araw ng hindi nya ako nasasabihang "bobo ka?".

May alaga rin nga pala akong aso, si Sebastian, isa siyang askal (Asong Kalye)  na nakuha ko sa labas ng bahay namin. Iniwan lang siya ng kung sino mang alien yun sa may tapat ng gate ng bahay namin, tuta palang sya noon at payat. Alas dose na ng gabi nang may nag door bell, nilabas ko iyon at nakita ko ito, naawa ako kaya kinuha ko na.

Inilabas ko muna yung egg pie at yung kanin at ulam from ref at kumuha ako ng sariling plato ko at umupo.

Napagod ako kaya hindi nako masyadong nag se-serve sa mga damoho kong mga kaibigan.

"Guys, kuha nalang kayo ng plato nyo. Napapagod nako eh, Grabeee!" ~ Me

"Sige lang bro... pero ano bang nangyare kanina? Bakit ka nahimatay? I-kwento mo naman samin." ~ Walter

"Nahuli kase ako ni Jack kanina na nilalagay ko yung gift duon sa bag nya. Hinuli nya talaga kung sino yung secret admirer nya. Naiyak ako sa sobrang kaba at kahihiyan at tuluyang nawalan ng malay. Narinig ko syang ginigising ako bago ako mag pass-out ng tuluyan." ~ Me

"Ohh!!!? WTF? Seriously! Hahaha! Patay ka bro! Eh sinong nag buhat sayo pababa?" ~ Mateo

"Sabi ni Amber... Nakita daw niyang pasan-pasan ako ni Jack pababa ng hagdan. Tapos sabi nya pa is maluha-luha daw si Jack habang buhat-buhat ako! Di nga ako makapaniwala ehh! " ~ Me

You're The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon