Ninety Seven

583 26 2
                                    

Seokmin

Jihoon hyung?

Nasan ka?

Nasa class ka pa ba?

Kasi ano

Si Soonyoung hyung

Ano kasi

Andito siya sa classroom

------------------------------------------------------------

Soonyoung Bulag

Soonyoung

Hon!

Pumasok ka na daw?

Bakit hindi ka nagrereply?

Bakit di ka sumasagot sa tawag ko?

Sorry nalowbat kasi yung cellphone ko hindi ko agad nacharge

Saan ka natulog?

Bakit di ka umuwi?

May nangyari lang kaya di ako nakauwi. I'm sorry.

Alalang alala kaming lahat sayo

Pero nandito na ko. I'm safe.

Ano bang nangyari?

Puntahan kita, wait mo ko jan sa room niyo.

----------------------------------------------------------------------

"Ano nangyari sayo?" Bungad ni Jihoon kay Soonyoung nang makita niya ito na pumasok ng room nila. 

Dumiretso naman agad si Soonyoung kay Jihoon at niyakap ito ng sobrang higpit. "Mahalaga pa ba yun? Andito na ko oh."

"Tangina, Soonyoung. Hindi ako nakatulog kakaisip kung nasan ka."

"Sorry na, hon."

Hindi na nakatanggap ng sagot si Soonyoung kay Jihoon kaya chineck niya ito. Umiiyak siya.

"Oh bakit ka umiiyak? Miss mo ko?"

"Ngayon ka talaga magbibiro ng ganyan? Tangina mo." Sabay singhot ni Jihoon. He burried his face on Soonyoung's chest habang sinusuklay naman ni Soonyoung ang buhok niya.

"Pfft- Di ba tinataboy mo ko kahapon? Ngayon miss mo naman ako."

"Gago ka? Ang alam ko iinom ka lang kasama nila Junhui tapos puta ka hindi ka na umuwi. Ano gusto mo maramdaman ko?" Galit na sabi ni Jihoon nang kumalas siya sa pagkakayakap nilang dalawa.

"Kahit ano naman mangyari, uuwi ako sayo." Natatawang sabi ni Soonyoung.

"Hindi nakakatawa." Seryosong sagot ni Jihoon. Sobrang nag-alala talaga siya kay Soonyoung tapos ngayon makikita niya itong tumatawa na parang walang nangyari.

"Halika nga." Soonyoung grabbed Jihoon again into a hug, this time si Soonyoung naman ang nakasuksok sa leeg niya. "Namiss din kita."

"Halos mabaliw ako kakaisip, gago ka."

"Sorry na, hon." Mahinahong sabi ni Soonyoung habang nakayakap pa din kay Jihoon. Buti nalang at wala nang ibang tao sa room. "Wag ka na umiyak. Di na ko mawawala ulit."

"Hindi na talaga, dahil last na inom mo na yun."

"Okay boss, noted."

"Pero saan ka nga nanggaling?"

Napabuntong hininga si Soonyoung. 

"Ji..."

"SOONYOUNG HYUNG!" Magsasalita na sana si Soonyoung nang biglang pumasok sa room sila Seungkwan.

Hindi na nakasagot si Soonyoung dahil nagsimula na silang mag ingay at magdaldalan.

Si Jihoon naman ay natahimik nalang, hindi talaga siya makampante dahil masama ang kutob niya.

The Secret - SOONHOON [Revising] Where stories live. Discover now