121

595 21 2
                                    

"San mo na naman bibitbitin tong bulinggit na to?" Tanong ni Junhui kay Soonyoung. Ngayon lang sila nakatakas sa booth nila.

"Anong na naman? Eh ngayon ko nga lang makakasama si Ji kasi inaalila niyo ko sa booth!"

"Hoy di kita inaalila! Si Hao yung utos nang utos! Akala ko nga siya na president eh." 

"Dinaig niyo pa Jail Booth sa pagkulong sakin sa booth para utusan!"

"Talagang dito kayo mag aaway?"

"Kasi to eh!/Ito kasi eh!" Sabay na sigaw ng dalawa kay Jihoon na kanina pa sila pinapanuod lang.

Hinawakan ni Soonyoung ang kamay ni Jihoon. "Libot na tayo?"

"Final na ba yan? Baka mamaya may dadating na naman para sunduin ka."

Umiling si Soonyoung. "Wala na. Kundi lagot sila sakin."

"NapakaPDA. Kakapikon."

"Inggitero. Palibhasa walang jowa."

"Pag jinowa ako ni Hao, who you ka sakin."

"Di ka type nun! Si Mingyu type nun!"

"TANGINANG TO-"

Bago pa man magkasakitan ang dalawa ay hinila na ni Jihoon si Soonyoung palayo kay Junhui. "Tara na wag ka masiadong palaaway!"

Naglalakad na sila papunta sa unang booth habang magkahawak pa din ang mga kamay.

"Sure ka ba okay lang?" Tanong ni Jihoon.

"Ang alin?"

"Ito." At itinuro ni Jihoon ang mga kamay nila.

"Oo naman. Tagal ko na ngang gustong hawakan kamay mo in public."

"Gago."

"Para atleast alam nilang may asawa ka na. Anak nalang kulang."

"Anong anak- Gusto mo masapak ni Wonwoo?"

Natawa silang dalawa at patuloy lang silang nag asaran

Nakakatatlong booth palang sila ay may biglang lumapit kay Soonyoung na grupo ng mga freshman.

"Soonyoung hyung!"

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ni Mingyu hyung."

Nagtaka ang dalawa dahil bakit naman uutusan ni Mingyu na tawagin siya ng mga ito.

"Bakit daw?"

"Basta!"

Walang nagawa si Jihoon at Soonyoung kaya sumama nalang sila. Napansin nila na papunta sila sa isang booth na ayaw na ayaw nilang puntahan.

Ang Jail booth. At natanaw nila si Mingyu na nakaupo sa loob nito mag isa.

"Teka may mga gagawin pa pala ako-" Hahatakin na sana ni Soonyoung si Jihoon palayo dahil mukang alam na niya ang mga susunod na mangyayari ngunit bago pa sila makaalis ay hinatak na si Soonyoung ng mga freshman.

Takang taka si Jihoon sa mga nangyayari kaya pinanuod niya lang na hatakin nila si Soonyoung.

"Hoy mga bata kayo wag niyo ko ikulong!" Sigaw ni Soonyoung. "Hon, tulong!"

Natatawa nalang si Jihoon dahil hindi makapalag ang asawa niya hanggang sa ipinasok na siya sa loob ng fake na jail.

"Soonyoung Kwon, my friend!" Bati sa kanya ni Mingyu pagpasok niya at akma pa siyang yayakapin nito.

"Tarantado ka bakit ka nandito?"

"Eh kasi nahuli nila ako eh."

"Eh bakit pati ako damay? Nagdedate kami ni Jihoon! Tangina ayaw kitang kasama!"

"Wag ka mag alala di naman talaga tayo magsasama dito sa loob."

Nagulat si Soonyoung nang pinalabas si Mingyu ng mga freshman at naiwan siya mag isa sa loob.

"Hoy, gago!"

"Kaylangan ko kasi magsuplong ng isa para makalabas ako. Since favorite kita, ikaw yung papalit sakin!"

"Tanginang hayup-"

Nagtawanan lang si Mingyu at Jihoon habang nakatingin kay Soonyoung na namumula sa inis.

"Babye! May date pa kami ni Wonwoo hyung!" Umalis na si Mingyu at kumakaway pa nang mapangasar kay Soonyoung.

"Tarantado talaga yon."

"Cute mo jan." Natatawang sabi ni Jihoon at pinicturan si Soonyoung. "Para kang tiger na nakakulong."

"Ji! Sabihin mo ilabas nila ko!"

"Sorry, hyung. Kaylangan mong mag suplong ng isa para may pumalit sayo jan." Sabi ng mga freshman.

"Si Junhui! Kunin niyo si Junhui!"

"Hindi na po pwede kasi nauna na sa inyo si Junhui hyung, siya nga nagsuplong kay Mingyu hyung."

"Mga hayup."

"Wala na bang ibang way para makalabas?"

"Wala na."

"Tangina makakapatay talaga ko."

——————–———————————

Tumagal din si Soonyoung ng ilang oras sa jail booth. At halos pasara na ang ibang mga booth nang makalabas siya.

"Okay ka lang, hon?" Tanong ni Jihoon sa asawa niya habang naglalakad sila palayo sa booth.

"Hindi."

"Pfft."

"Walang nakakatawa."

"Meron. Ikaw."

"Sira na naman yung date natin."

"May bukas pa naman eh."

"2 days nalang, Ji! Di pa tayo nagkakaron ng maayos na date."

"Pwede naman tayo magdate araw araw."

"Pero gusto ko matry lahat ng booth kasama ka."

Napansin ni Jihoon na talagang seryoso na si Soonyoung. Napabuntong hininga ito at nakakunot na ang noo kaya naman tumingkayad siya para hawakan ang mga pisngi nito at iniharap sa kanya. "Alam kong gwapo ka kahit nakasimangot pero okay lang, hmm? May 2 days pa tayo."

"Pero, Ji, lagi nalang nangyayari to. Lagi nalang may hadlang sa pagdedate natin. Pano kung sa 2 days na yun meron na naman?"

"Para kang bata. Hindi naman problema yun."

"Pag talaga may humadlang pa sa date natin bukas, isasako ko talaga tapos itatapon ko sa ilog."

The Secret - SOONHOON [Revising] Where stories live. Discover now