Six

1K 41 12
                                    

Ilang minuto lang ay bumaba na si Soonyoung para maghanda ng pagkain. Hindi naman sia talaga magaling o marunong magluto pero sia kasi ang nakatoka ngayong araw para gumawa ng almusal hanggang hapunan nila.

Lagyan ko kayang maraming sili to. Bwisit na bulinggit yon.

Hanggang ngayon ay naiinis pa din siya, bukod sa masakit ang balakang nia dahil sa pag bagsak nia kagabi nung akyatin nia yung gate dahil hindi siya pinagbuksan ni Jihoon, ay naiinis din siya sa pang bubwisit ni Jihoon umagang umaga. 

Pano nga naman ba siya mabubuntis eh hindi naman nila ginagawa yon.

...isang beses lang.

At matagal na yon.

"Tsk."  Nilagay na ni Soonyoung yung ramen sa dalawang bowl. Syempre mas marami yung kanya dahil sia ang nagluto. Naglabas din sia ng ilang prutas mula sa ref. at pinatong sa lamesa kasama ng Tupperware na may kimchi. Umupo na siya at nagsimula nang kumain.

Pag lumamig tong pagkain wag nia kong uutusan initin kundi pupokpok ko sa kanya tong kaldero.

Maya maya pa ay dumating na si Jihoon at nagkukusot pa ng mata nang umupo sa harapan nia. Kumuha ito ng isang mansanas at kumagat dito. Tiningnan naman sia ni Soonyoung nang masama at parang jinajudge siya.

"Ano? Kumagat lang ako sa mansanas kamuka ko na ba si Snow White?"

"Mas bagay ka sa Beauty and the Beast."

"Oo, ako yung Beauty ikaw yung Beast."

Inirapan nalang sia ni Soonyoung at inagaw yung mansanas na nasa kamay nia dahil kinuha nia ito para sa sarili.

"Pakadamot."

Ilang minuto silang natahimik habang kumakain nang magsalita si Soonyoung.

"Kasama namin si Seungcheol hyung kagabi. Inaway mo na naman?"

"Oh bakit ako na naman?"

"Ikaw lang naman mahilig mang away."

"Nagdadrama yun. Akala nia kasi crush kita."

Nabulunan naman si Soonyoung sa sinabi ni Jihoon. 

"B-Bakit naman?"

"Kahapon, nakita ako nila Jeonghan hyung na nakatingin sayo. Tapos ayon inasar nila ko sa harap ni Seungcheol, crush daw kita."

"Eh bakit mo kasi ako tinitingnan? Baka crush mo nga ako."

"Saya mo kasing panuorin tumawa kasama sila Junhui. Para kang masayahing demonyo."



The Secret - SOONHOON [Revising] Where stories live. Discover now