Ba't nga ba tinititigan ni Jihoon si Soonyoung?

985 38 0
                                    

San na ba yung singkit na yon.

Papunta si Jihoon ngayon sa soccer field ng campus nila upang hanapin si Soonyoung.

Hindi naman sa may pake siya pero kasi naiwan ni Soonyoung yung lunchbox nia kaya hinahanap niya ito ngayon para iabot sa kanya.

Pumunta siya sa bleachers at umupo muna. Mamaya nalang nia iaabot kapag wala nang ibang tao dahil baka mahuli sila.

Pareho nilang pinagkasunduan ni Soonyoung na kunyari ay hindi sila magkakilala sa school para wala na ding makahalata sa sikreto nila.

Though magkakakilala ang mga barkada nila pero sila ayaw nila magpansinan talaga. Kumbaga pahinga na nila yun sa isa't isa dahil araw araw na silang magkasama at nagbabangayan sa bahay.

Inilapag ni Jihoon ang lunchbox na color red na may print pa na tiger sa upuan sa tabi nia.

Napaka isip bata nia talaga.

Pinanuod nia si Soonyoung habang nagpapraktis ng soccer. Since 1st year palang ay part na si Soonyoung ng team. Sikat sia sa buong campus dahil bukod sa sia ang captain ng soccer team ng school ay president din sia ng Performance Club. Matalino din siya at gwapo...daw. 

"JIHOON HYUNG!"

Nagulat si Jihoon nang may biglang tumawag sa kanya at siaka nia lang narealize na napatitig na pala sia ng matagal kay Soonyoung. Agad niang tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya at nakita nia ang grupo ng mga kaibigan nia na papalapit sa kanya kasama si Seungcheol.

"Ba't mo tinititigan si Soonyoung?" - Jeonghan

"Hah? Hindi ah."

"Halata naman sa kanya ka nakatitig. Crush mo noh?" - Minghao

"Hindi ko yun crush."

"Ayieee. Kunyari pa eh. Umamin ka na para ka namang others." - Seokmin

"Di naman namin pagkakalat, hyung!" - Dino

"Tulungan ka namin jowain si Soonyoung?" - Seungkwan

"Madali lang yan, mahilig yan sa cute kagaya mo. Fun size." - Wonwoo

Tangina ba nitong mga to? Pano ko jojowain si Soonyoung eh asawa ko na yun.

"TIGILAN NIO KO DI KO YUN CRUSH."

"Eh anong ginagawa mo dito? Kelan ka pa nahilig manuod ng soccer?" - Minghao

"DI MO NAMAN AKO PINAPANUOD HYUNG KAPAG NAGPAPRAKTIS AKO AH." - Seokmin

"Wag nio na nga pagtulungan si Jihoon." - Seungcheol.

Nginitian nalang ni Jihoon si Seungcheol para sign na natethank you sia. Lagi siyang pinagtatanggol nito kapag inaasar sia ng mga kaibigan nia. Aware naman sia kung baket. Part yon ng panliligaw ni Seungcheol. Wala naman talagang balak si Jihoon na sagutin si Seungcheol, sia lang yung makulit na kahit anong reject ang gawin ni Jihoon ay hindi pa din siya tumitigil. Napaka consistent.

"Uy Seungcheol pabango mo ba yun? Oh amoy nagseselos ka lang talaga?" - Jeonghan

"Ba't naman ako magseselos? Eh sakin lang si Jihoon." Sagot ni Seungcheol sabay ngiti ng malawak kay Jihoon. 

"Napakahangin mo eh hanggang ngayon di ka pa naman sinasagot." Sagot ni Wonwoo kaya sinamaan siya ng tingin ni Seungcheol.

"BASTA AKO SHIP KO NA SI JIHOON HYUNG AT SOONYOUNG." - Seungkwan.

"Tumigil ka na nga jan. Di ko naman nga crush yon."

"Oh narinig nio? Di nga nia crush yun!" Binelatan ni Seungcheol si Seungkwan kaya naman inirapan siya nito.

"Eh ang alam ko si Seokmin hyung bet ni Soonyoung eh." - Dino

"Oo nga. Nahuli ko yan pinuntahan si Seokmin sa Vocal club room eh." - Wonwoo

"HOY BAKET AKO? AKO LANG BA TAO DON?" Sagot ni Seokmin na nanlaki ang mga mata habang tinatanong sila.

"Hindi. Pero hinahanap nia Lee daw eh."- Jeonghan

"PWEDE NAMAN SI JIHOON HYUNG. LEE DIN NAMAN SIYA AH." Sabi ni Seokmin at tinuro si Jihoon.

"As if naman hahanapin nia si Jihoon hyung eh di naman sila magkakilala eh. Ikaw magkakilala kayo kase pareho kayong nasa soccer team." - Dino

"Alam nio ang gugulo nio. Umagang umaga."

"Pasensya na Jihoon, kasi ako nagdala sa kanila dito. Sinamahan nila ko kasi hinahanap kita. Sabay tayo lunch?" - Seungcheol

"Ehem kame ang kasabay nia mag lunch." - Jeonghan

"Ehem ako kaya best friend niya?" - Wonwoo

"Ehem dalawa dalang lunchbox ni Jihoon hyung, para kanino yung isa, hyung?" - Dino

"Ha-Hah? A-Ano--"

"MAY TIGER PRINT? ANO KA BATA, HYUNG?" - Seungkwan

"DI AKIN TO NOH."

"FAVORITE NI SOONYOUNG TIGER." - Seokmin

"Anong pake ko?"

"Nandito ka sa soccer field at pinapanuod si Soonyoung, may dala kang lunchbox na may tiger print..." - Jeonghan

"PARA KAY SOONYOUNG BA YAN!?" Sabay sabay silang napasigaw nang maisip kung para kanino yung lunchbox. Agad namang nagpanic si Jihoon at hindi na alam kung anong sasabihin at isasagot.

"HO-HOY GAGO HINDI!?"

"Eh para kanino yan?!" - Wonwoo

"KAY SEUNGCHEOL!"

Nagulat si Jihoon sa sinabi nia. Wala na siyang ibang maisip na dahilan.

"S-Sakin?" Sabay turo ni Seungcheol sa sarili nia na para bang di makapaniwala.

"Oo para sayo- Hinahanap din kita kaso napadpad ako dito sa field kakahanap sayo at napagod ako kaya umupo muna ko. A-Ano sabay tayo lunch?" Napalunok si Jihoon after ng sinabi nia. Hindi nia alam anong pumasok sa kokote nia at sinabi nia ang mga yun. 

Gulat na gulat silang lahat sa mga sinabi ni Jihoon. Hindi  sila makapaniwala na niyayaya ni Jihoon si Seungcheol na mag lunch.

"Sigurado ka ba, Ji?"  Tanong ni Seungcheol na hindi pa din makapaniwala at nakatulala lang kay Jihoon.

"Oo naman! Mamayang lunch sa cafeteria. Wait kita, babye!" Agad na sabi ni Jihoon at umalis na sa field para makatakas na sa mga kaibigan nia. 

Tangina lagot ako kay Soonyoung pag nalaman niang papahiram ko sa iba yung favorite lunch box nia.

The Secret - SOONHOON [Revising] Where stories live. Discover now