114

704 31 13
                                    

Jihoon

Ji?

Busy ka pa ba?

Nandito ko sa field.

Hinahanap kita pero di kita makita.

Umaasa kong manunuod ka.

Practice game palang naman to pero kasi

Feeling ko mas gaganahan ako pag alam kong nandito ka

Punta ka ah?

Ily, Jihoon.

Seen.

——————————————

Jihoon

Hon.

Magkasama daw kayo ni Seungcheol hyung?

Nakita daw kayo ni Junhui

San kayo pupunta?

Nevermind.

Hintayin pa din kita ah?

Sana makanuod ka.

Seen.

———–———————————

Pagkatapos mag usap ni Jihoon at Seungcheol ay agad na umalis si Jihoon. Kaylangan niya makaabot bago mag simula ang game nila Soonyoung.

May limang minuto nalang siya bago magsimula ang game. Binilisan niya pa ang takbo. Halos itulak ni Jihoon lahat ng istudyante na nakaharang sa dadaanan niya.

"Tangina bakit ba kasi ang layo ng field, puta." Bulong niya habang tumatakbo.

Nang makarating siya sa field ay nakita siya ni Minghao kaya kinawayan siya nito. Lumapit naman si Jihoon sa kanila at umupo.

Palinga linga si Jihoon at hinahanap si Soonyoung pero si Seokmin ang nakita niya. Ngumiti ito ng nakakaloko at siaka may itinuro sa bench, sa may baba. Si Soonyoung na nakayuko at tila ba kinakabahan.

"Soonyoung andito na asawa mo!" Hiyaw ni Jeonghan na mapang asar. Alam kasi nila na nasa sulok si Chaeyoung at nanunuod din.

Inangat ni Soonyoung ang ulo niya at tumingin kung nasan si Jihoon. Nakita niya si Jihoon na nahihiya at napatakip ng muka dahil tinitingnan siya ng iba pang istudyante.

"Tangina, hyung nakakahiya kayo."

Tumayo si Soonyoung dahil mag sisimula na ang laro pero nakatingin pa din siya kay Jihoon. Hindi niya mapigilan na mapangiti dahil dumating siya. Akala niya ay si Seungcheol hyung ang pinili niya.

Pagkatapos lang ng ilang oras ay natapos ang game. Syempre nanalo sila Soonyoung. Hindi naman sila natatalo laban sa ibang school.

Gustong lumapit ni Soonyoung kay Jihoon pero hindi niya alam kung pwede.

Tiningnan ni Soonyoung si Wonwoo na nakaupo sa tabi ni Mingyu na tila ba nanghihingi ng permiso kung pwede niyang lapitan ang asawa niya.

Wala naman nagawa si Wonwoo dahil alam niya naman na gusto din ni Jihoon dahil hinila nito ang manggas ng damit niya na tila ba nagsasabing pumayag siya.

Tumango si Wonwoo at yun ang signal ni Soonyoung, lumapit siya kay Jihoon at siaka tumayo lang sa harap nito. Hindi niya alam ang gagawin, gusto niyang yakapin si Jihoon dahil pumunta ito.

"Thank you, Ji. Nanuod ka."

"May nangungulit kasi, message nang message sakin. Manuod daw ako."

Napangiti naman si Soonyoung. Ang tagal na din mula nung huling nakita ni Jihoon na nakangiti ang asawa niya.

Yun yung mga ngiting gustong gusto niya. Ang nasa harapan niya, ito yung taong mahal na mahal niya. Ang taong pinakasalan niya.

Naisip ni Jihoon na gusto niyang tulungan si Soonyoung na bumalik sila sa dati. Ayaw niya lang maghintay na umamin si Chaeyoung.

Gusto ni Jihoon na magkasama sila ni Soonyoung isolve tong problema nila.

Gusto ni Jihoon na subukan ulit lahat.

The Secret - SOONHOON [Revising] Where stories live. Discover now