Fourteen

905 40 0
                                    

"Jihoon dito!" Tawag ni Seungcheol kay Jihoon nang makita nia ito pagpasok ng court.

Team captain ng basketball team si Seungcheol kaya sikat siya sa buong campus at hindi lang sa buong campus kundi pati sa iba pang schools dahil madalas manalo ang team nila.

"Sabi ko naman sayo ako na maghahatid eh. Napagod ka pa tuloy pagpunta dito."

"Ngeh? Ang lapit lang nito sa club room namin."

"Kahit na. Pano kung mapagod ka? Edi maiinis ka sakin. Pano mo ko sasagutin nian?"

"Bwisit ka kahit kelan."

Tumawa nalang si Seungcheol at inabot na kay Jihoon yung paperbag na may lamang lunchbox.

"Pasensya na di ko agad nasaoli. May laman din yan para makabawi ako."

"Weh? Marunong ka bang mag luto?"

"Konti. Marunong naman ako ng basic! Kaya pag sinagot mo ko di kita gugutumin."

Sana si Soonyoung din marunong magluto hindi puro kimchi pinapakain sakin.

"AAY ANG SWEET NAMAN. KAYO NA BA?"  Pang aasar ni Mingyu.

Napalingon si Jihoon sa bleachers at nakita nia ang barkada ni Seungcheol na nandun. At syempre pag sinabing barkada ni Seungcheol, nandun din si Soonyoung na kala mo ay walang paki na kakwentuhan yung mga fans nila kuno na nasa likod nila nakaupo.

"Hindi pa. Ang tagal ako sagutin eh." - Seungcheol

"Sagutin mo na kasi Jihoon!" - Junhui

"Wag nio ipressure baka lalo ako hindi sagutin!" - Seungcheol

"Sabi ni Seungcheol hyung manlilibre siya ng lunch for one week pag sinagot mo daw sia eh." - Hansol

"Jihoon sagutin mo na para makatikim naman kami ng libre nian." - Natatawang sabi ni Jisoo.

"Makapagsalita kayo parang di ko kayo nililibre ah!" - Seungcheol

"Oh start na tayo ulit ng practice tama na ang harutan!" Sigaw ng coach nila Seungcheol.

Tumayo na sa bleachers sila Mingyu at Junhui, kapwa players ng basketball team. Sina Hansol, Jisoo at Soonyoung naman ay nagremain lang sa seats nila, mukang mga walang klase tong mga toh at walang practice si Soonyoung ng soccer kaya nandito sila nakatambay.

"Start na kami, Ji. Hatid kita pauwi?" - Seungcheol

"Lumpo ba yan?" Rinig ni Jihoon na bulong ni Soonyoung at hindi nalang nia ito pinansin dahil baka humaba pa ang usapan at mamura lang nia si Soonyoung.

"May hatid bang hanggang kanto lang?" Sabat ni Mingyu at pinasa na kay Seungcheol ang bola sign na mag start na sila.

"Hahatid pa din kita, Ji please? Hanggang kanto lang ulit." - Seungcheol

"Depende kung di ako hahatakin ni Wonu sa computer shop."

"Daanan pa din kita maya sa club room nio." - Seungcheol

"Kulit mo."

Kinindatan muna ni Seungcheol si Jihoon bago ito tumakbo na papuntang court.

Seungcheol is almost perfect. Maeffort siya kay Jihoon, he's doing his best to make him happy. Sobrang grateful ni Jihoon sa kanya, naappreciate ni Jihoon lahat ng ginagawa nia for him, pero hanggang kaibigan lang talaga. 

Siguro kung hindi lang kasal si Jihoon kay Soonyoung baka may mas pag asa silang dalawa.

The Secret - SOONHOON [Revising] Where stories live. Discover now