PROLOGUE

154 23 16
                                    


PROLOGUE

“OKAY na, direk?” Nag-thumbs up ako sabay upo at harap sa camera. Ngumiti ako nang pagkalapad-lapad.

Narinig ko siyang sumagot ng, “rolling.” Napatango ako at inayos ang sarili.

“To begin with, would you introduce yourself to our viewers tonight?”

I smiled infront of the camera and talk like it's a normal interview.

“My name is Cleo Entice Roa, 22 years old, graduate ng Bachelor of Arts in Communication. Kasalukuyan po akong nagtatrabaho as one of the production staff in GMA 7. And kasabay noon, I am working in a publishing company as an author and editor.”

“That’s a great background. Napaka-professional mo na pala. So, what should we call you?”

“Cleo na lang po.”

“Thank you. Okay, Cleo. Are you ready for our segment tonight?”

Kinakabahan man, napatango na lamang ako at humarap na muli sa camera.









“REMEMBER what I’ve told you earlier. We have to stick with the plan,” sambit ko sa kanila bago bumaba ng sinakyan na trycicle. Isinuot ko muna ang cap ko bago nagpalinga-linga sa paligid. Kailangan pa namin tumawid sa pedestrian lane dahil nasa kabilang panig ang university.

“Plano pa nga. E alam mo namang hindi natin nasusunod iyan. Isa pa, wala namang sinabi si Ma’am na umattend tayo ng actual event nila, hindi ba?” ani Josanne na halatang kinakabahan sa gagawin namin. Napaismid ako at inayos na ang DSLR na camera. Sinenyasan ko silang dalawa ni Kendrah.

“Let’s go,” aya ko at nanguna na sa paglalakad ngunit saglit na napatigil sabay lingon sa kanila. Tumaas ang kilay nitong si Kendrah at napangisi.

“Muntik mo nang malimutan na hindi ka marunong tumawid,” natatawa niyang komento. Bumagsak ang balikat ko.

“Let’s go, girls. Itawid n’yo na ako,” pagsuko ko. Sabay–sabay kaming tatlo na tumawid kahit napakarami pang sasakyan ang nagdaraanan.

“Ano pong sadya, Ma’am?” salubong sa amin ng guard na halatang badtrip na dahil sa init ng panahon. Si Kendrah ang sumagot sa tanong niya.

“Can you let us pass, kuya? We just have to document the LSPU event,” nakangising paghingi ng permiso ni Kendrah. Hindi natinag ang guard. Halatang hindi siya kumbinsido sa sinabi nito. Nagkatinginan kami ni Josanne.

Naningkit ang mga mata ng guard at napatitig sa ID lace namin.

“Taga-LU kayo?” Sabay-sabay kaming nagtanguan bilang sagot. Agaran siyang napailing.

“Pasensya na, mga hija. Pero mahigpit na ipinagbabawal ngayon ang magpapasok ng mga estudyanteng hindi tagarito. Sino bang pupuntahan n’yo sa loob?” Napakagat-labi ako dahil sa naging sagot niya. Nakakainis dahil ang higpit nila.

“As what she said kuyang guard, we only have to take photos of your school event. Wala nang iba. Okay? Hindi naman kami mag-eeskandalo sa loob,” naiinis na sambit ni Josanne. Halatang iritado na rin ito.

“May mga kakilala ba kayo sa loob?” tanong muli ng guard. This time, nagkatinginan kami.

“Kuya, can you just let us pass and do our thing? Manonood lang naman, e.” Ako na ang humarap sa kanya. Napailing siya sa ikalawang pagkakataon at pinagtulakan na kami palayo.

“Bawal talaga. Umuwi na lang kayo at baka nagcutting pa kayo para rito. Ang mga estudyanteng ito talaga.”

“Gash! Ang init. Tara na nga at uuwi na. Wala naman kasing pag-asang papasukin pa tayo riyan,” ani Kendrah sabay pahid ng tumutulo niyang pawis. Sumasabay pa sa init ng panahon ang init ng ulo namin kaya sa hindi malamang dahilan, sinamaan ko ng tingin ang guard at nagtatakbo paalis ng main gate.

“Hoy, Cleo! Teka lang! Saan ka pupunta?!” tawag nina Josanne pero nakalayo na ako. Hingal na hingal akong tumigil sa pagtakbo matapos marating ang likurang bahagi ng eskwelahan. Napatingala ako. Hindi naman pala kataasan ang pader. Kayang-kaya ko pa ito.

“What the fudge? Anong balak mo?”

“Cleo, this is not funny anymore. This is a major offense. Mapapahiya ang university natin,” awat ni Kendrah. Hindi ko siya pinakinggan. Kung ayaw kami papasukin ng kinginang guard na iyon, pwes, gagawa ako ng paraan.

“Guys, can you climb?” tanong ko sa kanila at hindi pinansin ang kanilang paalala. Sabay silang napailing.

“There’s no way we’re gonna climb that. Oww---shit, Cleo! Get off!”

“Shhh! The guard might hear us!” Napangisi ako nang magsalita si Josanne at mayamaya’y sumunod na sa akin sa pag-akyat sa pader. Pinakaiingatan ko na hindi madamage ang camera sa bawat pag-akyat ko. Habol ang hiningang tinapunan ko ng tingin si Kendrah na nakabusangot na.

“Ano na? Sasama ka ba o diyan ka na lang bilang look out namin?”

“Heto na nga, aakyat na. Wait for me mga gaga!” Nagtawanan kami.

Naging mabilis lang ang pag-akyat namin sa hindi kataasan na pader ng eskwelahan dahil lahat naman kami nakasuot lang ng pantalon. Iyon nga lang, lumapag kami sa kabila nang pawisan at parang mga dugyutin.

“So, what’s the plan now?” tanong ni Kendrah.
Naging malapad ang ngisi ko at itinaas ang camera sabay kislap ng flash nito. Nakuhaan tuloy ang epic face niya. Pinakasipat-sipat ko muna ito bago sumagot.

“This afternoon, LSPU will host a pageant,” sagot ko habang may mapanuksong tingin.

“And then what?”

“We’re gonna hunt hunkies today,” pagpapatuloy ko pa dahilan para mapangisi si Josanne at mapangiwi naman si Kendrah.

“Oh, Cleo. Ba’t ngayon mo lang sinabi? E di sana nanguna na akong umakyat kanina pa. Let’s go!” Walang pasubali niya akong hinatak sa braso nang makarinig na kami ng sigawan at tilian sa kabilang panig ng university.

This will be a great show.


***

Missing PhotographsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon