CHAPTER SIX

38 6 1
                                    

CHAPTER SIX

SAGLIT na katahimikan ang namayani bago siya tuluyang bumuga ng hangin at sinagot na ang katanungan.

“The only message I have for my future self is, enjoy it. All of it. You will have time to do everything that you love, so stop stressing yourself so much. You miss the beauty of the world when you are stressed. Be here now. Hug those around you. Ask them how they are doing, and truly listen.” He paused for a while and then looked at my direction. Everyone’s gaze is on me now. I can’t help but to smile from ear to ear. We met each other’s eyes. My heart skipped a bit as he continue muttering his answer to the judges.

“No one lives forever so be sure to cherish every moment, and when they pass and when you pass, find comfort in knowing that we are simply souls within these bodies, and we will all be connected at some point again. Life is a gift, not something that is a given, so enjoy every second while you’re here.” Napangiti ako sa harap ng camera matapos sabihin ang sagot niyang pagkahaba-haba noon na ako pa mismo ang nagcompose para sa kanya.

The voices and applause of the crowd still echo in my head. Hindi tuloy maalis sa labi ko ang ngiting kanina ko pa pinipigilang lumitaw. Ako ata ang dahilan kung bakit nanalo siya ng araw na iyon.









“You were his lucky charm in every pageant, I bet.” Natawa ako bigla.

“Hindi naman, direk. Medyo lang,” nahihiya kong sagot at nakipagtawanan sa kanya.









“Congratulations, love!” walang hiya kong tili kaya napatingin na naman sila sa akin. Halos lahat pati na rin ang professors na nasa stage at nagpapa-picture sa kanya. He just won again for the nth time.  He really nailed the stage. I a more than proud. Tho, I am just nobody to him.

“What did you just call me a while ago?” tanong niya habang inaasikaso ang mga costume na sinuot niya kanina sa pageant. Panay naman ang kuha ko ng litrato sa bintana habang inaantay siyang matapos sa ginagawa.

“And what did you just treat me a while ago?” tanong ko pabalik dahilan para matigil siya sa pag-eempake. He just said that I am his girlfriend and I just called him love. Oh, what the fuck?

Matagal siya bago nakasagot hanggang sa mapansin kong humagalpak siya ng tawa.

“Eme lang iyon. Sorry na,” aniya kaya napawi ang ngiti ko sa mga labi.









“Sabi ko shems, akala ko totoo na.” May panghihinayang sa boses ko habang nakaharap sa camera. “Sabi kasi niya doon sa babae, girlfriend niya ako. Knowing na wala pa siyang pinakilalang girl sa iba, nag-assume talaga ako na gusto rin niya ako. Like fudge, si Jenis Balandra to, o. Ginoong Kalikasan 2019. Pinakagwapo sa lahat tapos ipapakilala kang girlfriend sa iba. Kaso, joke lang pala.” Idinaan ko na lamang sa tawa ang pighating naramdaman.

“Sa madaling sabi, mutual understanding na ba agad ang meron sa inyo nang araw na iyon?”

“Hindi ko masasabi. We’re perfectly friends that day and the next day and the other day again. Until my friends asked me something more of a favor.”

“What’s the favor?”

“To stay away from him,” sagot ko at mapaklang napangiti sa sarili.








“Cleo, we need to talk to you,” seryosong saad sa akin ni Kendrah at hinila ang mono block para upuan ko. Nakatitig na rin sa akin si Josanne sa akin na parang kanina pa nila ako inaantay.

“What’s the tea?”

“It’s about that Broadcasting student you’re dating,” ani Kendrah kaya isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

“Hell no, we’re not dating!” giit ko.

“Hell yeah. Doon na rin papunta ‘yon!”

“And then what?”

“That Jenis Balandra isn’t good for you. Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. Minsan ka na lang rin sumama sa amin. Tumatakas ka pa. Kulang na lang magtransfer ka na sa school nila para makasama siya the whole day. Nabobobo ka na!”

Tiningnan ko sila nang hindi makapaniwala.

“Sorry, girls. As far as I know, matataas pa rin naman ang grade ko. And don’t ever question me about Jenis. Siya nga walang pake sa akin, kayo pa kaya?”

“What the hell, Cleo? Anong connect?” Kendrah laughed sarcastically.

“Are you jealous? Na si Jencee na lagi ang nakakasama ko at hindi na kayo?” bwelta ko pa.

“Oo. Masaya ka na?” Hindi ako nakaimik. Hinayaan ko siyang magpaliwanag.

“Kapag production sa school, wala ka. Sa shooting, lagi kang late. Lagi ka na lang niya kasama. Sinusubukan ka naming i-contact, out of reach naman iyang phone mo. Tapos malalaman namin nasa rehearsals ka lagi ng pageant niya. Ano ka? Binabayaran ba niya iyang pagiging photographer mo? Kumikita ka ba riyan? Ginagamit ka lang ng lalaking iyon! Cleo, ayos lang namang mainlove pero gawin mong priority ang pag-aaral.”

“I’m not inlove,” I said coldly looking Kendrah in the eyes.











“Really?”

“Yeah, I was very sure that time I was not in love. Not yet, I mean.” Napalunok-laway ako.

“That moment, our friendship was ruined because of our little misunderstanding.” Naiiyak ako ngunit ayoko itong ipakita sa camera.

“And until now. . .” Napatingala ako at ngumiti.

“Hindi na kayo nag-usap-usap pa?”

“Hindi na talaga. During and after graduation, I tried to approach them but they just avoided me. That’s the point that I said to myself, suko na girl. Friendship over na talaga. God, I thought that friendship would last long. I was wrong.” I hardly laughed. Mahirap magpanggap na okay ako kahit pati iyon kasama pala sa interview na ito.

“What happened after the confrontation?”

“I automatically talked to Jenis,” I answered.











Napabuga ako ng hangin habang naghihintay sa gate ng dormitory nila. Suot ang denim jacket, nagawa ko pang yakapin ang sarili ko dahil napakalamig na ng panahon. December na kasi at magpa-Pasko na. Mayamaya, narinig ko na ang pagbukas ng gate. Napalingon ako.

There I saw him, wearing the genuine smile again. Tipid akong napangiti.

“What brought you here?” bungad niya. Imbes na sumagot, inabot ko sa kanya ang tatlong piraso ng Goya chocolate tulad ng nakagawian kong gawin tuwing magkikita kami. Agad naman niya itong tinanggap.

Sa puntong iyon ay nagkatinginan kami. Pero hindi ko alam ang sasabihin. Ang alam ko lang, may dapat akong sabihin. Bigla na lang akong natameme.



***

Missing PhotographsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon