CHAPTER 8
SOBRANG dami nang tao nang makapasok kami sa main gate. Dahil gabi naman at para sa lahat ang event ngayon, naging maluwag ang pagpapapasok sa amin ng guard.
“Let’s go,” aya niya at pumwesto sa medyo unahan. Nakipagsiksikan at bardagulan talaga siya kasama ako makalapit lang sa may stage. Mayamaya’y nagsimula nang magperform ang ikalawang banda. Grabe, late na pala kami. Hinintay talaga niya ako para makasama rito? Hindi ako makapaniwala?
Niyakap ko ang sarili ko sa sobrang lamig ng gabi kahit pa siksikan na kami rito. Maya’t maya pa akong tinitingnan ng iba kong katabi dahil sa suot ko at dahil wala kaming sapin sa paa. Imbes na mahiya, naki-jam na lang ako. Pake ko ba sa kanila? Si Jenis naman ang kasama ko.
“Hala! Rex Orange County song! Favorite ko iyan!” Isang sigaw ang pinakawalan niya sa gitna ng audience nang magsimulang tugtugin ng banda ang isang pamilyar na kanta. Ang “Happiness” ng Rex Orange County. Napangiti ako. Itinaas na niya ang kamay sa ere at nakikisabay sa musika.
Bakas sa kanya ang kasiyahan. Ngunit ang mas ikinagulat ko, hinawakan niya ang kabila kong kamay. Sobrang higpit habang nakikinig sa musikang isa sa pinakapaborito niya. Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko na mapigilang mapatingin sa kanya. Hindi na ako nakapag-focus sa panonood ng performance. Sa kanya lang talaga ako nakatitig. Siya at ang musika. Iyon lang ang nasa utak ko ngayon, wala nang iba. Para bang nag-iba ata ang ikot ng paligid. Naging mabagal.
“That night was so memorable. And that’s the time when I realized, he’s too pure in this world. He’s real, he’s really something. His eyes, his smile, his voice. Goodness, I am really in love that night. Thanks to Rex Orange for making me realize everything about him.”
“You believe you and him are perfect together?” Napailing agad ako sa tanong.
“No. As I’ve said, he’s too pure for me. There are things that we aren’t even with. He’s perfect. He doesn’t smoke, he doesn’t get drunk because obviously, he doesn’t drink. He’s innocent. His heart always do melt for every little child. The way he cares for them made me think he could be a great father. Tapos ako? Well, the whole opposite of him. I’m no perfect.” I smiled bitterly.
“What thing or incident reminds you of him?”
I paused for a second before answering.
“Specifically, the rain.”
“Shocks, umuulan. Uwi na tayo?” aya ko sa kanya nang mapansin ang paunti-unting patak ng ulan. Nagpanic ako dahil wala pa naman akong dala na payong. Maging siya rin. Napatingin siya sa akin na may pilyong ngiti.
“Problema ba iyon? E di magpaulan,” aniya at tumakbo palayo. Patungo sa kalsadang tahimik na at walang nagdaraanang sasakyan. Tumalon-talon siya na parang bata habang naliligo sa ulan. Panay naman ang sigaw at awat ko dahil magkakasakit siya. Kakatapos lang ng event at uuwi na talaga sana kami pero nangyari ‘to. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin. Yare na naman ako kina Kendrah nito. Though wala na silang pakialam sa akin, mas lalo lang nila akong lalayuan kapag nalaman nilang ganito ang nangyari. Sumama na naman ako kay Jencee. And worst, naabutan pa ng ulan.
“Cleo, halika na! Ang saya!” aya niya. Napangiwi ako.
“Baliw! Magkakasakit ka!”
“Pinagmasdan ko siya noon habang naglalaro sa ulan. Mas lumakas pa nga iyong buhos, mas natuwa siya. Given na wala siyang suot na sapatos, ang cute niya tingnan habang nakadipa at sinasalo lahat ng patak nito.”
“Kaya in the end, sinamahan ko na lang rin siya makipagtilamsikan sa ulan. Naglaro kami. Naghabulan. Nagtawanan. Magkahawak-kamay kami nang gabing iyon. Sobrang saya. Pinagdasal ko pang huwag munang tumila ang ulan kasi gusto ko pa siyang makasama. Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming bonding, direk.” Pagak akong natawa.
“Kasi kinabukasan, kasabay ng pagkakaroon ko ng lagnat, may nalaman akong ikinadurog ko lalo.”
“Ano ito?”
“May nililigawan pala siyang iba.”
Agad kong ini-off ang phone ko nang mamasdan ang myday niya. Napabuntong-hininga ako at ipinikit ang mga mata. Hindi naman ako naiiyak. May pighati lang ako nararamdaman.
“Akala ko talaga noon, wala lang. Kasi sinabi niya mismo in my face na hindi siya interesado magkaroon ng girlfriend. Ginawa ko naman lahat para maging interesado siya. Ang kaso, hindi pala sa akin naging interested.”
“Grabeng sakit sa puso ang naramdaman ko noon, kung alam lang niya. gusto kong itweet ang lahat ng heartbreaks ko tungkol sa kanya pero alam kong mababasa niya kasi we are mutual in twitter. So I have no choice but to endure the pain all alone.”
“I never respond to his messages. Kinukumusta niya ako, photoshoot daw ulit kami, lalo naman noong maka-recover ako sa lagnat. Sabi niya, I should check his outfit raw and need niya ng photographer. Maaga akong umuwi noon sa dorm para lang takasan siya. Sabi ko sa message, busy lang dahil shooting namin. Then he replied, enjoy. I just ‘seen’ his message and never took a response.”
“And then I thought that avoiding him is the biggest flex to prove that I am already a brave girl. I believe it’s a pride the way I escape the heartbreak he caused me. But. . . I was wrong.”
“Lalo lang akong nag-overthink. Nakonsensya na iwasan siya. Wala naman siyang ginagawa sa akin pero ako itong parang may hinanakit sa kanya. I feel so sorry. Hindi naman niya kasalanan na nasasaktan ako. Actually, it was all my fault for not telling him what I really feel towards him.”
“So what actions did you take?”
“I talked to him and confessed. Well, that’s the bravest thing I did for the sake of our friendship and communication.”
“After the confession, what happened?”
“No, direk. You should ask first what happened during my confession.”
Napatitig ako sa camera. Pilit na lang ang ngiting pinapakawalan ko pero ayos lang. Hindi ko alam kung hanggang kailan magtatagal ang segment na ito. Pero isa lang ang alam ko, pagkatapos ng interview na ito, babaha na naman ang luha ko dahil sa nakaraan.
***
BINABASA MO ANG
Missing Photographs
Teen FictionTheir story started when someone do shouted "go love!" in a pageant he joined in. But that sucks because the girl wasn't his girlfriend. It's someone from the other school. Their rival school to be exact.