CHAPTER ONE

67 19 22
                                    

CHAPTER ONE

PANAY ang hiyawan nila. Maya’t maya kaming napapatakip sa tenga dahil sobrang nakakarindi. Sobrang init rin ng paligid. Siksikan. Iyong ultimo  pawis ng iba, malilipat sa ‘yo kasi dikit na dikit na ang bawat isa. Gusto ko nang magsisi na pinilit ko pang pumasok rito at makinood ng pageant na ‘to. Gaano nga ba kagaganda at kagagwapo ang mga model nila at ganito karami ang manonood kasama kami? Sabagay, todo support nga pala ang bawat estudyante sa napupusuan nila. May nakita nga akong nagtaas na ng banner at may pa-tarpaulin pa.

“Bebs, parang hindi ko na kakayanin rito. Samu’t sari na ang amoy na nalalanghap ko. Ang init pa! Fudge!” reklamo ni Kendrah.

“Teka lang, magsisimula na ata. Gagi naman, hindi ko makita,” sambit ni Josanne. Napatingala ako at pilit nakinood. Wala pa akong maintindihan dahil puro sigaw ang nangingibabaw.

‘Tabi nga,” masungit kong tinulak ang ibang nakaharang sa daraanan ko at hinatak sina Josanne paunahan. Naging masama ang tingin nila sa amin lalo na nang makitang ibang ID lace ang suot naming tatlo.

“Yare na, bes.”

Eh pake ko. Sila ba ang may-ari ng school na ito? Kung makapasok nga sila sa campus namin akala mo kanila rin, e. Makikinood lang. Ang dadamot naman ng mga ponyawi.

“Okay na rito.” Nakahinga kami nang maluwag dahil sa wakas, nakakuha na rin kami ng magandang pwesto. Nanatili kaming tahimik habang pinagmamasdan ang bawat modelo na rumarampa sa stage. Nangunguna ang mga babaeng akala mo clowns na dahil sa kapal ng make up. Well, magaganda naman sila. Narito lang ata ako para manlait.

“Girl, kuhanan mo na, bilis.” Ay oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan na  ito pala ang pinunta namin rito. Ang kumuha ng coverage para sa out of the school campus article. Kami ang alay ngayon ng campus newspaper adviser namin. Aligaga kong inangat ang camera at tumalikod para kuhanan ang crowd na nanonood. Sinipat ko ang lens ng camera sabay taas ng kamay.

“Guys, smile in one, two, three!” I heard the cluttering sounds kasabay ng tilian nilang lahat. I checked the photo if it is blurred or clear. Nang masatisfy ako, muli akong lumingon sa harapan ng stage at doon naman itinapat ang camera. Napapangiti ako habang kinukuhanan ng litrato ang bawat modelo nila. Sana kapag ang LU naman ang nagkaroon ng ganitong event, ako pa rin ang photographer.

“Uwemji! Andyan na siya!”

“Hala, siya iyong candidate number 10, no?”

“Luhh! Ang gwapo naman nyarn!”

Sa isang iglap, parang nag-slow motion ata ang buong paligid. Medyo nawala sa pandinig ko ang tilian nilang lahat. Ang tanging naririnig ko lang ay parang bumilis ata ang tibok ng puso ko. Otomatiko kong napindot ang camera. Nagflash pa ito kasabay ng pagtingin niya sa direksyon ko. Isang kindat ang pinakawalan niya bago tumalikod sa audience. Nanlaki ang aking mga mata at napanganga.

“Oh shit! Have you seen his killer smile? Omo! Makalaglag pustiso!”

“Pakshet ka! Mas nakakamatay iyong kindat!” Nabalik ako sa reyalidad nang itulak ako ni Kendrah. Muntik na akong mawalan ng balanse. Nahawakan ko agad nang mahigpit ang camera. Muntikan na iyon.

“Sorry, Cleo! Omo! Grabe naman kasi!” kinikilig nitong sambit at muling tumili. Napangiti na lamang ako at muling tumingin sa stage. Naroon siya. Ano bang pangalan ng isang ito?

Muli ko siyang kinuhanan ng picture mula rito sa malayo. Maya’t maya akong napapangiti sa bawat pagclick ng camera. Hanggang sa tumingin na naman siya sa direksyon ko.

Sa hindi malamang dahilan, nahuli niya akong nakangiti habang nakatingin rin sa kanya.

Potangena. Iyong puso ko. Ngumiti rin siya sabay rampa patalikod. Ito ang unang pagkakataon na parang lumambot ang tuhod ko at halos mabitawan ang hawak na camera. Buti na lang nasa tamang huwisyo pa ako.

Naglalakad na naman siya patalikod. Gusto ko ring sumigaw. Gusto ko siyang icheer tulad ng ginagawa ng mga schoolmates niya. Gusto kong isigaw ang pangalan niya pero hindi ko siya kilala.

Napaawang ang bibig ko. Walang salita na gustong kumawala. Ilang hakbang na lang siya at papunta na naman siya sa backstage. Nataranta ako sa pwede kong isigaw kaya sa huli tumili na lang ako.

“GO, LOVE!”

I shouted at the top of my lungs habang nakalagay pa ang dalawang palad sa bibig upang mas maging malakas ang boses ko. Sa isang iglap, biglang tumahimik ang paligid. I awkwardly turn my head to everyone and now they are glaring at me like I have done something wrong. Napakunot ang noo ko at tiningnan sina Kendrah. Nakanganga na si Josanne habang nakatingin sa akin. Pareho silang gulat na gulat.

I was left speechless. There I saw him, staring at me while standing in the stage. He looked surprise and at the same time, confuse.

Gagi, ano bang nasabi ko?

***

Missing PhotographsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon