CHAPTER FIVE

34 10 6
                                    

CHAPTER FIVE

“PART two na tayo. Cleo, are you ready?”

Matapos ayusin ng make-up artist ang hitsura ko, muli akong humarap sa camera at tumango.

“Okay, in one, two and three, camera rolling.”

“You already told us the half of your story. Before we proceed to the next chapter, would you want to tell us more about yourself?”

“Sure, direk!” Umayos ako ng upo.

“Mahilig ako kumain, manood ng anime, magbasa. Mahilig rin ako mag-take ng photos and syempre, magsulat.”

“Sa lahat ng naging subject mo sa photography, alin ang naging pinakapaborito mo?”

It took me a minute bago makasagot. Naging malikot ang aking paningin, iniiwasan ang camera na nagsisilbing mata para makita ang totoo kong nararamdaman ngayon.

“I have lots of favorite subject when it comes to photography. But above all, it’s him whom I became my most favorite,” I confessed and manage to smile as I remembered the days when I was his photographer during his pageants.











“Cleo,” aniya at tinapik ang balikat ko. Bagay na lagi niyang ginagawa tuwing magkikita kami after class para sa photoshoot kuno namin.

“Huwag ka mawawala bukas, a? Kasali ako sa pageant. Ikaw photographer ko, remember?” aniya at inilapag sa harap ko ang isang cup ng milktea. Napangisi ako.

“Ano ‘to? Pakunswelo?” tanong ko nang makaupo siya sa tapat ko.

“I just need a support from someone though my mga kaibigan naman akong magche-cheer sa akin bukas.” Sa puntong iyon, hindi ko mapigilang kiligin.

“And you think I’m that someone who can cheer you up aside from your friends?” Pinigilan ko ang ngiti ko at kumagat-labi. Napaiwas siya ng tingin.

Ipinilig ko ang ulo ko.

“Are you coming tomorrow?” Tumango ako sa naging tanong niya.

“Kailan ba ako umabsent sa lahat ng pageant mo?”

Lumawak ang ngiti niya. I can’t resist this cuteness.

“I need a supporter who will cheer me love tomorrow,” aniya dahilan para mabilaukan muli ako ng punyetang pearl ng milktea.

“It’s a prank! Hoy, maghunos-dili ka,” pagpapakalma niya nang mapansing nasamid na naman ako. Pero dahil sa sinabi niya, mas lalo lang akong naubo.




“Saan ginanap ang pageant?”

“Sa campus nila.”

“You said last time na bawal ang ibang estudyante sa campus nila. What did you do to sneak in?” tanong ng director. Sa tanong na ‘to, lumitaw ang nakakaloko kong ngisi sa mga labi.

“Just like the first time. . .”







“Hoy gaga, Cleo! Kinakabahan ako sa ‘yo!” sigaw ni Kendrah nang iabot sa akin ang camera ko, bottled water at isang tuwalya. Nakatungtong na ako sa pader ngayon. Tinanaw ko sila at kinindatan.

“Thank you guys. You two are such blessings to me.”

“Blessing mo mukha mo. Kapag ito nalaman ng dean, potacca!”

“Hindi niya malalaman kung magiging magaling kayong look out ngayon,” sambit ko at napalingon sa lupang babagsakan mayamaya lamang.

Napalingon ako sa kanilang dalawa.

“I’m sorry, girls. Promise, babawi na lang talaga ako sa inyo.” Agad akong tumalon sa kabilang panig ng eskwelahan bitbit ang camera at iba pang gamit saka nagtatakbo. Nakakarinig na ako ng mga tilian. Ibig sabihin, nagsisimula na ang pageant kanina pa. Late na ata ako.

“Excuse me, excuse po,” sambit ko at nakipagsiksikan na. Nakasuot na ako ng mask at nag-long sleeve na rin bago ko i-messy bun ang magulo ko na talagang buhok. Halos mag-moist na rin ang suot kong eyeglasses dahil sa sobrang init at pawis. Pota, dapat masanay na ako sa ganitong field pero hindi ko pa rin maiwasang mairita sa dami ng tao.

“Excuse me, tagarito ka ba talaga? Ba’t ibang T-shirt ang suot mo?” asik sa akin ng isang babae. Sa tono ng pananalita niya, maarte siya at akala mo’y pinalaking may gintong kutsara sa bibig.

Sasagot pa sana ako nang may humawi sa kanya at nilapitan ako. Nanlaki ang aking mga mata.

“She’s my photographer for today. Now, can you give her the spot, please?” He said in calm but sweet tone of voice that made the girl looked so shock.

“Jenis, magkakilala kayo? Tagarito ba iyan sa campus?”

“Girlfriend ko,” tipid niyang sagot dahilan para manlambot ata ang mga tuhod ko. Nakita ko ang biglang pag-atras ng babae maging ang gulat ng lahat ng nasa paligid ko. Hindi sila makapaniwala sa narinig. Maging ako rin naman. Mayamaya’y nakarinig na kami ng announcement. Magsisimula na talaga ang pageant. Doon lamang ako nabalik sa reyalidad nang tapikin niya ang magkabila kong pisngi.

“Kinakabahan ako.” He chuckled. “Cheer me louder than my friends. I’m rooting on you.” He winked as he made his way up to the backstage leaving me in confusion.

Potangina. Paano ako makakapag-take ng pictures nang matino rito mamaya dahil sa mga sinabi niya?












“Sinabi niya talaga iyon sa harap ng mga schoolmates niya?” tanong ng director. Tumango ako.

“I was surprised hearing those words from him. But anyway, I thought he just said it para tantanan na ako ng malditang babae na iyon. Pero ang mas ikinalito ko, ang naging sagot niya sa question and answer portion,” litanya ko.

Sa hindi malamang dahilan, para akong nagbalik muli sa spot kung nasaan ako noong nanonood ako ng pageant niya. Naroon ako sa gitna ng napakaraming tao. Kinukuhanan siya ng litrato. Tahimik siyang chinecheer. Tahimik na nalilito. Tahimik na nahuhulog sa bawat ngiti at tingin niya.




Now, it’s his turn to speak out his answer from this portion. He tightly held the microphone. Napatingin siya sa gawi ko. Ngumiti lamang ako at tumango na tila sinasabing everything will be alright. His answer will be worth it. Ipapanalo niya ang pageant na ito.

“Yes, Jenis Balandra, how are you doing today?”

“Doing good. Still aiming for the crown.” I heard the crowd cheer for him because of his short answer. I smiled and take a picture of him.

“Here’s the question for you.” Naging tahimik ang buong paligid at hinihintay na marinig ng lahat ang tanong na sasagutin niya mayamaya lamang. Napatingin ako kay Jencee. Ni hindi makita ang kaba sa kanya. Pero alam kong pinagpapawisan na siya. Sana naroon ako sa stage para punasan ang namumuo niyang pawis. Like the old thoughtful of me, saying this. How cringey of me.

“What is your message to yourself in the future?”

Nakita ko ang pagsilay ng munti niyang ngiti sa mga labi bago sagutin ang tanong.



***

Missing PhotographsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon