CHAPTER THREE
HALOS manlaki ang aking mga mata nang iabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. Mas lalo ata akong nasamid dahil hindi man lang niya inalis ang kanyang mga titig sa akin.
“Ang careless mo talaga, Cleo,” sambit ni Josanne saka hinagod ang dibdib ko dahil sa kakaubo.
“T-Thanks,” pasasalamat ko dahil sa pag-abot niya sa akin ng tubig kanina. Hindi siya natinag sa pagtitig sa akin. Naiilang na ako. Nakangisi lamang si Kendrah sa likuran habang nakamasid sa amin.
“W-What are you doing?” tanong ko nang hawakan na niya ang ID lace ko.
“From LU? Communication student?” Sa tono ng boses niya, wala siyang idea na taga-ibang school ang nagcheer sa kanya noong nakaraan. Kaya naman sa puntong iyon, muntikan nang lumuwa ang mga mata ko sa sobrang hiya. Hindi nga ako nagkakamali, siya iyong lalaki na ipinagsigawan ko sa pageant. Napakalapit na niya sa akin.
“Yup, actually. Do you still remember us?” Si Josanne ang sumagot. Nakakunot lang ang noo ng crew habang pinanonood kami.
“Quit it, Josanne. What we’re trying to ask is, do you still remember the girl who called you love in the pageant?” mapanuksong tanong ni Kedrah sa lalaking kaharap ko pa rin ngayon at hawak pa rin ang ID ko. Hindi na ako makatingin ng diretso sa kanya. Hindi na rin ako makakilos. Pakiramdam ko, buong kahihiyan na ang bumalot sa katauhan ko.
“Y-Yeah. She looks like her,” sagot ng lalaki.
Sa isang iglap, hinawi ko siya at iwinakli ang kamay niyang hawak pa ang ID lace ko. Sinukbit ko na ang aking bag at saka nagtatakbo palabas.
“Wait! Cleo!” tawag pabalik ni Kedrah sa akin pero hindi na ako muling lumingon pa. Panay ang takbo ko hanggang sa makarating sa sakayan ng trycicle sa Sambat. Makatakas lang muli sa kahihiyan ko.
“Manong, trycicle!”
“Saan tayo, Ma’am?”
“Complex po.”
“Ginawa mo talaga iyon?” tanong ng director sa akin na parang hindi makapaniwala.
“S’yempre, direk. Ikaw ba naman ang tamaan ng kahihiyan, mananatili ka pa ba sa lugar na iyon?” I burst out a laughter. And everyone in the set chuckled on how I turned my past embarrassment into a joke right now.Muli akong ngumiti at humarap sa camera.
“Akala ko, iyon na ang panghuli naming pagtatagpo. Akala ko malilimutan ko nang makailang-beses na akong napahiya sa harapan ng lalaking iyon. Pero hindi pa pala. And the worst, examination day pa namin noon,” paliwanag ko at inalala ang nangyari.
Napakaingay sa Sambat. Maliit lang ang highway pero napaka-traffic. Samu’t sari ang ugong at businang maririnig mo. Marami rin ang alikabok. Dito ako madalas magkaroon ng pimple dahil sa maduming hangin. Pero konting tiis na lang naman. Isang taon na lang at gagraduate na rin naman ako.
Nilakad ko lang mula new building hanggang Sambat para tipid sa pamasahe. Bagsak ang balikat dahil hindi nakapag-exam. Nawawala kasi ang ID ko. Requirement pa naman iyon sa isang prof bago ka makapag-take ng exam tapos ganito. Hindi rin naman alam nina Kendrah na nawawala pala. Ang careless ko talaga sa mga bagay-bagay. Kaya sabi ko, uuwi na lang muna ako sa dorm. Baka naiwan ko lang. Malilimutin kasi ako.
Inilabas ko na ang susi para sa main gate nang may mapagtanto. Napaawang ang bibig ko nang makita ang isang pigura ng lalaki sa tapat ng gate. Naghihintay ito. Nakaupo sa gilid at panay ang laro ng maliliit na bato na parang isang bata.
“W-what do you need?” bungad ko nang makalapit. Alam kong ito iyong broadcasting student na na-meet namin sa milktea shop noong isang araw. Ano? Hindi maka-move on sa ginawa ko sa kanya at pati rito sa dorm, susundan niya ako?
Luhh, ang ganda ko naman kung ganoon. Wala bang tumawag sa kanya ng love sa buong buhay niya? Baka hindi mahal ng Mama.
Tumayo siya at pinagpagan ang pantalon. Hindi siya nakangiti. Napatitig ako sa ID lace niya. Oo nga, taga-LSPU talaga siya. Ang gwapo talaga niya. Nakakainis naman.
Dadaan na sana ako papasok ng gate ng dormitory nang harangan niya ako.
“Let me pass. This isn’t your territory. This isn’t your campus to be exact,” sambit ko sa iritadong boses. I heard him sigh and took my ID out of his pocket.
“Bakit nasa ‘yo?”
“Naiwan? Noong isang araw? Nahigit ko pala noong tumakbo ka,” kaswal niyang sagot dahilan para mapangiwi ako. Agad ko itong tinanggap.
“T-Thanks.” I was about to pass when I notice he has no plan to go so I turned my head and asked him. “Is this what you really came for?” Sabay taas ko sa ID. He looked me straight in the eye. Bumilis ang tibok ng puso ko.
“I just want to ask why you did that?” he asked me back.
I got confused and straightly faced him.
“Did what?”
“Called me, love during the pageant?”
Nanikip ang dibdib ko. Parang may bumara sa lalamunan ko na hindi ko maipaliwanag. Hindi ito pearl sa milk tea cup na binili ko. May bumara talaga. Mga salitang hindi ko mailabas kaya napanganga na lamang ako sa harap niya.
“Anong sagot mo that time?”
Napailing ako habang natatawa.
“Sobrang hiyang-hiya ako. Kasi alam ko naman na may kasalanan talaga ako noon. I called him by that endearment knowing that he has a girlfriend. And I was just a girl from nowhere. Tapos malalaman niya, taga-ibang school pa ako. I mean, I don’t know if it’s rivalry but. . .I have no idea,” I answered.
“What happened in your third accidental meet up?”
“Well, I was cursed by a forever heartbreak. Charrr.”
Nagpalinga-linga ako. Napansin kong paparating na ang ilang boarders mula sa LU. Hindi ko ito mga kilala pero nasa iisang building lang kami ng dormitory kaya malakas ang kutob ko na machi-chimis ako rito dahil may kausap ako ritong lalaki at taga-LSPU pa.
I automatically grabbed his hand and dragged him away from the gate.
“Talk to me somewhere,” sambit ko at mas hinatak siya palayo. Narinig ko ang bulungan ng mga schoolmates ko na kakababa lang ng trycicle pero hindi na lang ako tumingin pa.
“Pwede mo na bitawan ang kamay ko.”
Nabalik ako sa reyalidad nang mapagtantong hawak ko pa rin ang kamay niya. Agad ko itong binitawan. Narito na kami sa tapat ng Panggoy. Ang pinakamalapit na pandesalan sa may dorm pero pakiramdam ko hindi pa rin safe magpaliwanag rito.
“Lomi tayo?” aya niya nang mapansing hindi ako gumagalaw o umiimik. Sa isang iglap, siya naman ang humatak sa akin sa pinakamalapit na lomihan.
“I think that was our very first date. Sa lomihan ni Ate Rhea.” Muli akong humagalpak ng tawa sabay iwas sa camera.
***
BINABASA MO ANG
Missing Photographs
Genç KurguTheir story started when someone do shouted "go love!" in a pageant he joined in. But that sucks because the girl wasn't his girlfriend. It's someone from the other school. Their rival school to be exact.