Count 1: First Encounter.

3K 61 6
                                    

ANING'S POV

Naniniwala ka ba sa fairytale? Yung mga prinsesang malulungkot ang kwento ng buhay pero sa huli nakikilala nila ang kanilang prince charming at nagkakaroon ng happy ending.

Ako? Hindi na ako naniniwala dun. Uso pa ba ang ganun?

Dahil walang prinsiping magliligtas sa akin sa tuwing pinarusahan ako.

Kagaya nalang ngayon.

"Ikaw na bata ka! Hindi ka ba talaga magtatanda?! Napakasaway mo talaga! Kababae mong tao, ikaw pa ang pinagmumulan palagi ng gulo dito ampunan." Nakakairita talaga ang matinis na boses ni Tiya Nelya, ang matandang mayaman na may-ari nang ampunan kung saan ako nakatira.

May ginawa kasi akong kalokohan kaya heto ako ngayon, nakatayo patalikod sa kanya, nakataas ang dalawang kamay sa gilid at walang awa nyang hinahampas ng patpat ang aking likuran.

Pero dahil likas na mautak ako, nilagyan ko ng karton ang aking likod para di masakit. "Aray Tiya, tama na po! Masakit po!" Ha-ha! Kunwari masakit pero hindi.

"Dapat kang masaktan para matuto ka!" Ipinatong nya sa mesa yung hawak nyang patpat at bahagya akong itinulak. "Sige na! Umalis ka na sa harapan ko. Tapos na ang parusa sayo."

Napangiwi ako ng bigla nyang hilain ang braso ko at bumaon ang kuko nito sa aking balat. "Hoy, Aning! Makinig ka sakin--" Tinuro nya ang mukha ko. "--sa susunod na gumawa ka pa ng kalokohan, ibabaon na kita ng buhay sa ilalim ng lupa!"

Itulak nya ako palabas ng pinto, buti nalang di ako na out of balance kung nagkataon na lampa ako malamang pagulong gulo na ako sa hagdan.

"Eh kung ikaw kaya ibaon ko sa lupa matanda ka! Child abuser!" Bwiset. Sakit tuloy ng likod ko.

Mahigpit na ipinagbabawal dito sa ampunan ang pagpunta sa kusina lalo na't hindi pa oras ng pagkain. Katakot takot na parusa ang aabutin mo kapag sumuway ka. Pweh! Mukha nila! Hindi nila mapipigilan ang kumakalam kong sikmura.

Gutom na ko. Ano kaya makakain dito sa kusina? Gusto ko nang manok! Pritong manok.

Kasama sa parusa ko, na hindi ako maaaring kumain buong araw. Wala akong pakialam. Laking pasasalamat ko nalang dahil walang tao akonh naabutan sa kusina. Asan kaya ang mga kusinero? Siguro nakikipaglandian na naman dun sa katulong.

Nagningning ang aking mga mata sa mansanas na pulang nasa mesa. Kaagad ko itong dinampot at nilagay sa aking bulsa.

Bago ako makalabas ng kusina, may kakaiba akong napansin. Amoy gas dito. Binalewala ko nalang. Di ko naman 'to kusina eh.

Lumabas ako ng bahay at umakyat sa puno ng manggang pitong metro ang layo mula sa likod bahay. Mababa lang yung puno, kahit sino maaaring umakyat dito. Umupo ako sa sanga at nilantakan yung mansanas.

Pitong taon ako noon ng dalhin ako dito sa ampunang pagmamay-ari ni tanda. Galing ako sa isang hospital at wala akong maalala tungkol sa sarili at nakaraan ko.

Hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko. Kung taga saan ako at ano ba ang pangalan ko.

Aning.

Yun ang tinatawag na sa akin ng lahat. Wala akong apelyedo at hindi ako nag aaral.

Sa loob ng labing dalawang taon na pagtira ko dito, puro kalupitan lang ang naranasan ko. Labing syam taon na ko sa susunod na dalawang buwan at binabalak ko na ring umalis sa masaklap na buhay ko dito.

Aalis ako sa lugar na 'to at lalayo ako. Ewan ko ba dito kay tanda, dito pa talaga naisipang magtayo ng ampunan sa gitna ng bukid!

Maya-maya pa, kapansin-pansin ang lumalaking usok na nagmumula sa loob ng bahay. Kanya-kanya na'ding takbuhan palabas ang mga ampon din ni Tiya Nelya.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now