Count 33: Grand Ball (Part 1)

588 23 0
                                    

SHEENY'S POV

"Sure bang ito na talaga ang susuotin ko? Final na ba talaga? Wala ng bawian?"

Nakaharap ako ngayon sa wall mirror nang kwarto ko. Pinagmamasdan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin, mukhang tao po ako ngayon.

7 pm ang start ng grand ball at isang oras nalang yun bago magsimula pero andito pa din kami sa mansion.

Napapailing talaga ako ng ulo kapag napapatingin ako sa itsura ko eh, nakalugay ang buhok ko, curly sya at may bangs na ko!

Ang damit ko naman, fitted sleeveless black gown. Wala syang masyadong design as in black lang talaga. Ang taas ng split sa kanan kong binti.  Kumikinang lang sya ganern.

Hindi ako makapaniwala, yung dating probinsyana ganito pala kadyosa! Ito ang unang beses na aattend ako sa ganitong party, kaya heto ang lakas ng kabog ng dib-dib ko.

Kinakabahan ako.

Sana, maging maayos ang party mamaya.

Umupo ako saglit sa kama at niyakap yung stuff toy na sisiw. "Wahhh! Kinakabahan ako. Pareng sisiw, payakap muna!"

Enggk!

Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas iyon at pumasok si Pablo. "Sorry kung hindi na ako kumatok, are you ready?" Umupo si Pablo sa tabi ko. "Wow, you are really beautiful."

Lah? Ang ganda ko daw! "Salamat."

"Muntik na kitang hindi makilala ah. You look very different."

"Lakas mo mambola ngayon ah."

"Hindi ako marunong mambola, Sheeny. Wait, there's something missing."

Ano daw? May kulang?

Mula sa bulsa nang overcoat ni Pablo, isang maliit na itim na box ang inilabas nya at ipinakita nya sa akin. Nang buksan nya ito, isang kumikinang na pearl necklace pala ito.

"Here. I brought it for you." Tumayo sya at sya na mismo ang nagkusang pumunta sa likod ko.

Tahimik lang ako habang inilalagay nya sa leeg ko yung kwentas.  "There, you look more stunning."

"Hindi ba parang sobra na ito? Mukhang mamahalin pa itong binili mo Pablo." Nahihiya ako sobra.

Ngumiti lang sya. "Ang halaga ng kwentas na yan ay hindi maikukumpara sa pagdating mo sa buhay namin."  Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko.  "Let's go."

Inabot ko iyon at sabay kaming tumayo."Tara."

***

KEN'S POV

Matapos kong isuot ang black overcoat ng toxedo ko, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Harap sa kaliwa. "Pogi mo, Ken."

Harap sa kanan. "Damn, still handsome man!"

Ibang klase ang kagwapuhan ko, kahit saang anggulo talaga tingnan ang mukha ko, gwapo pa rin.

Tok! Tok! Tok!

Sino ba naman ang kumakatok na yun? Gusto na yatang sirain ang pintuan ko ah. Kabadtrip.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Stell. Kagaya ng suot ko, itim na Americana din ang suot nya. "Ken, baba na tayo. Maya-maya lang mag-iistart na yung ball tapos wala pa tayo. Nasa baba na rin sina silang lahat, tayo lang hinihintay."

"Oo na, heto na nga." Inayos ko yung bowtie ko saka ko sya hinarap. "Tara na nga."

"Si Sheeny ang date mo ngayong gabi di ba?" Tanong sa akin ni Stell habang pababa na kami ng hagdan.

COUNTLESSWhere stories live. Discover now