Count 57: Silver and Gold.

626 26 1
                                    


-Sheeny's Pov-

Pagkatapos ng 3rd subject namin lumabas na muna ako ng classroom, langya hindi ko makausap si Zerrin ngayon busing busy sya sa panunuod ng kdrama. Kesa naman kulitin ko sya magpapahangin nalang muna ako sa garden, balikan ko nalang si Zerrin kapag malapit nang mag lunch.

Dumaretsyo ako sa garden, tatambay muna ako sa may puno ng mangga. Mas makakapag relax ako.

Nasa loob ako ng campus kaya hindi ako mangangamba na makakapasok dito si Mark, sana lang talaga tigilan na nya ako.

Pagdating ko sa paboritong lugar namin ni Ken, umupo ako sa malaking ugat at isinandal ko ang aking likod sa puno.

Ngayon ko nararamdaman ang pagod ko sa pagtatrabaho. Ang sakit ng likod at mga braso ko. Ipinikit ko ang mata ko susubukan kong matulog.

"Hoy, bakit sa dinami-dami ng lugar bakit dito mo pa balak matulog." Ang boses na yun, anong ginagawa nya dito?

Iminulat ko ang mga mata ko at automatic akong napangiti ng masilayan ko ulit ang gwapo nyang mukha. Maangas syang nakatakayo sa harap ko at nakapamulsa pa. "Masama ba? Bakit bawal na ba akong magpahinga dito? May pangalan mo ba ang lugar na ito? Sige nga ipaliwanag mo sa akin, now na."

Pinitik nya ang noo ko."Ang dami mo kaagad nasabi. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka dapat gumagala ng mag-isa dito sa campus. Tsk."

"Pwede na naman siguro, wala na naman si Mark dito sa campus di ba, so safe naman ako."

Umupo si Ken sa tabi ko, bigla nyang ipinulupot sa bewang ko ang mga braso nya at isinubsub nya ang mukha nya sa likod ko. After that hindi na sya nagsalita, tanging ang mabibigat na paghinga lang nya ang naririnig ko. "Ken? Okay ka lang ba?" May problema ba sya?

"Okay lang ako. Hayaan mo muna akong yumakap sa'yo." Ang lamig ng boses nya parang hindi naman sya okay.

Kahit hindi nya sabihin nararamdaman ko na may problema sya, hindi talaga sya mahilig mag share ng problema nuh? Paano ko kaya mapapagaan ang pakiramdam nya?

Kantahan ko nalang kaya? Ah tama!

🎶There's a song that inside of my soul
It's the one that I've tried
To write over and over and over again
I'm awake in the infinite cold
But you sing to me over and over and over again~🎶

🎶So I lay my head back down
And I left my hands and pray
To be only yours
I pray to be only yours
I know now your my only hope🎶

Humigpit ang yakap sa akin ni Ken mula sa likod ko. "Sinong may sabi sa'yo na maganda ang boses mo ha, Aning ka?"

"Ang sama mo, maganda naman ang boses ko ah! Hindi mo lang kasi feel. Ikaw na nga kinantahan ikaw pa nanlait! Wag ka nga yumakap sa akin kapag may kumuha na naman ng picture sa'tin. Nakow issue na naman 'to." Inaalis ko yung braso nya pero mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sa akin. "Hoy, manok. Nakikinig ka ba sa sinasabi ko ha?"

Ipinatong ni Ken ang baba nya sa balikat ko. "Ano ngayon kung makita nilang nakayakap ako sa'yo? I don't care about them wala naman akong sinasaktang tao kaya walang masama sa ginagawa ko."

"Ganyan ka ba talaga pag inlove? Para ka namang tuko kung makadikit sa akin eh. PDA kaya tayo." Kunwari pa akong ayaw sa yakap nya pero gustong gusto ko talaga. Feeling ko safe ako sa yakap nya eh.

"Makapagsabi ka ng PDA dyan bakit alam mo ba ang meaning nun ha?"

"Need ko ba talagang I explain kung ano yun? Basta ano yung ano basta nga kasi!"

COUNTLESSWhere stories live. Discover now