Count 49: Sya ang--

630 28 5
                                    

KEN'S POV

Hindi na ako nakapag dinner dahil sa sakit ng ulo ko. Nakakainis! Tinitigan ko lang naman yung picture kanina pero heto at inatake ako ng sakit ng ulo.

Alam ko, yung batang babae na nasa picture ay walang iba kundi yung batang nasa panaginip ko, pero ano naman ang kinalaman ko sa kanya? Wala akong naalala na naka encounter ko sya noong maliit pa ako?

Sandali.

Hindi kaya, posibleng kilala ko na sya noon? Pero bakit wala akong maalala sa kanya?

Pinilit ko ang sarili ko na bumangon sa kama. King na, parang binibiyak ang ulo ko ah. Ganito yata pag pilit mong inaalala ang isang bagay.

Tsuk!

Bigla akong napatingin sa bumukas na pinto. Tsk, hindi man lang muna kumatok bago pumasok. Bastos pa sya?

Baka si Aning ang papasok, baka kukulitin na naman ako.

Pero kumunot ang noo ko ng hindi ang inaasahan kung tao ang dumating. "Alam kung hindi ka okay, pinagdala na kita ng makakain mo." Si Pablo yung pumasok, may dala syang tray na may lamang mga pagkain. Maingat nya itong ipinatong sa kama at tumayo lang sya gilid ng kama malapit sa akin.

"Hindi mo naman kailangang dalhan ako ng pagkain, tsk. Concern na concern naman." Dapat si Aning ang nagdala ng pagkain sa akin eh, teka nga bakit ko ba sya hinahanap?

Napatungo si Pablo, bigla din syang yumuko at pinulot yung picture na naihulog ko sa sahig kanina. "Do you know her na? Naalala mo na ba sya?" Sabi nya habang nakatingin sya dun sa picture.

"Sino? Yung batang babae na yan? Hindi ko sya kilala, pinapasakit mo lang ang ulo ko." Sinimulan ko nang lantakan yung dalang pagkain ni Pablo. Hindi naman masama ang mga dala nya, puro manok.Adobong manok, prinitong manok, at tinolang manok. Langya, bakit ang unti ng kanin?!

"Hindi mo ba talaga sya naalala Ken?"

Ang kulit naman nitong si Pablo. "Hindi nga sabi, bakit mo ba pinipilit na alalahanin ko yan? Close ba kami dati ha? Friends ba kami?" Pinaka ayoko sa lahat yung kinakausap ako habang kumakain eh.

Narinig kong bumuntong hininga sya. "Okay fine, hindi na muna kita pipilitin pero hindi mo ba talaga sya nakikilala man lang?"

Ang kulit naman nya! Nahawaan na din ba sya ni Aning ng pagiging makulit? Sabihin ko na nga lang sa kanya kung saan ko nakikita ang batang babae na yun. Huminga ako ng malalim, naibahagi ko na kay Aning ang tungkol sa panaginip ko, or as na rin siguro para sabihin ko kay Pablo. Sana man lang tinigilan na nya ako after this, hindi talaga ako sanay na nag oopen up ako.

"Remember noong nagbakasyon Tayo  sa bahay nyo dun sa Batangas, mula ng tumira ako sa lugar na yun palagi akong may napapanaginipan. Yung batang nasa picture, sya ang palaging laman ng panaginip ko. Palagi nyang sinasabi sa akin na huwag ko daw syang iwan at hanapin ko daw sya. Hanggang ngayon napapanaginipan ko parin sya, parang Ayaw nya akong tigilan eh, minsan naiisip ko na na isa syang batang multo at humihingi ng tulong sa akin. So ano, siguro naman sapat na yang mga nasabi ko para hindi mo ako kulitin."

"Sapat na siguro yun." ipinatong ni Pablo yung picture sa ibabaw ng bedside table. "Iiwanan ko muna ang picture na yan dito."

Seryoso akong tumitingin sa leader namin."Anong bang kinalaman ko sa batang si Celestina? Sabihin mo nga sa akin Pablo, may kinalaman ba ako sa kanya? O naging bahagi ako ng misyon mo n ng hindi mo inaasahan." Ngumisi ako ng makita ko ang naging reaction ng mukha nya.

Wala syang maisagot sa akin.Oo ba ang sagot nya sa akin? Silent means yes di ba? Umiling ako at ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. "Huwag kang mag-alala, kung may mamaalala ako tungkol sa kanya sasabihin ko kaagad sa'yo. Gusto mong matulungan ang detective agency di ba? Sige, tutulong ako sa'yo."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now