Count 7: Sormillo, Sheeny. N.

755 37 11
                                    

SHEENY'S POV

"Sheeny, ikaw ba ang pumili ng mga damit na ito?" Itinaas ni Stell ang isang puting T-shirt at ipinakita sa akin. Pagdating namin dito sa mansion, binulatlat nya ang mga laman nung papers bags. "Ang lalaki naman ng mga damit na pinili mo."

"Hindi naman ako ang pumili nyan. Si Ken. Dampot lang sya ng dampot kanina." Reklamo ko. Magkatabi kami ni Stell sa sofa at Si Ken naman ay naka upo sa single sofa.

"Wag ka nang magreklamo. Suotin mo nalang. Pasalamat ka dahil libre ang mga yan." Sungit nya talaga. "Ikaw na nga ginastusan ikaw pa ang may ganang magreklamo." Dagdag pa nya.

"Eh di salamat!" Sabay bato ko sa kanya ng paper bag na walang laman.

"HOY! BAKIT MO AKO BINATO!" Binato nya sa akin pabalik yung paper bag.

"NANDITO NA KAMI." Sabay sabay kami napalingon sa pinto. Pumapasok doon sina Josh at Justin. Nandito na pala sila. Bagong gupit ang dalawang lalaki.

"Wow. Nagshopping kayo?" Naki-usyoso na rin si Josh sa pagtingin sa laman nung ng paper bags. Kasunod lang nya si Justin at nakitingin nadin.

"Mabuti naman at may mga gamit ka na, Sheeny. Kamusta naman pamamasyal nyo ni Ken?" Tanong sakin ni Justin.

Bigla akong kinilabutan nang maalala ko yung pangyayari sa mall kanina. Naging zombie kasi ang mga tao dun kanina. "Ayos naman. Mabait naman sakin si Ken kanina." Pweh! Gusto kong masuka sa sinabi ko ah. Mabait? Eeww.

"Ahh Sheeny, sana hindi ka mahiya samin. Kaibigan mo na kami ngayon. Kaya wag ka sanang mahiya."Nginitian ako ni Josh kaya napangiti na din ako.

"Salamat ha. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa totoo lang talaga nahihiya ako na tumira dito, lalo na at hindi nyo naman ako kilala. Isa lang akong probinsyana na walang kamag-anak dito sa maynila. Isang probinsyana na walang mapupuntahan at walang pera." Napayuko ako. Kasasabi lang ni Josh na huwag daw ako mahiya sa kanila pero hindi ko maiwasan.

Inakbayan ako ni Stell at tinapik ang balikat ko dahilan para mapatingin ako sa kanya."Wag ka ngang mahiya dyan. Sa una palang alam na naming mabuti kang tao. Nandito kami para tulungan ka."

Awww.Maiiyak atah ako. Napakaswerte ko naman!

"Aalis na muna ako." Tumayo na si Ken.

"Saan ang punta mo? Nakita namin sa Facebook yung nangyaring gulo sa mall kanina.Ayos lang ba kayo?" Si Ken ang kinakausap ni Justin.

"Naiinis ako kapag bigla nalang akong pinagkakaguluhan.Hindi naman ako makikilala ng mga A'Tin dun sa mall kung hindi nag-ingay yang probinsyana na yan." Natural na atah ang inis sa pagsasalita ni Ken.

"Anong dahil sakin? Eh ikaw kaya ang sumigaw doon kaya ka napansin!" Bwiset, talagang ako pa ang sinisi nya!

"Kung hindi mo binanggit ang pangalan ko eh di sana hindi nila narinig yun!"

"Hindi ko kasalanan yun!" Tatayo sana ako kaso hinawakan ni Stell ang braso ko para pigilan ako. Sasapakin ko lang naman si Ken! Wag nyo akong pigilan.

"Kung gusto nyo talagang tumira ang probinsyanang yan dito, wag nyo asahan na magkakasundo kami." Tinapunan ako ni Ken ng masamang tingin. "Hindi kita gusto."Humakbang na sya palabas ng sala.

Bumuntong hininga ako. Kailangan kong ilabas ang inis ko. Paki alam ko kung hindi nya ako gusto, eh hindi ko rin naman sya gusto lalong lalo na yung masama nyang ugali! Pumapatol sa babae! Bakla atah sya eh!

Umupo sa tabi ko si Justin kaya napapagitnan na nila ako ni Stell."Halata namang hindi kayo magkasundo ni Ken, Kitang-kita nga namin."

"Kaibigan nyo ba talaga yun? Ang sunget eh."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now