Count 47: First.

577 25 0
                                    

SHEENY'S POV

"Sheeny, uuwi na ako ha. Kita nalang tayo bukas kapag nakapasa ako sa scholarship." Tumayo na si Klark at kumaway sa amin ni Stell bago sya tuluyang lumabas ng cafeteria.

Tumayo na rin ako. Baka malate pa ako sa klase kung makikipagdaldalan pa ako dito kay Stell. "Stell, balik na ako sa classroom ko, may klase pa ako eh."

"Ikamusta mo ako kay Zerrin ha."

"Bakit hindi nalang ikaw ang lumapit kay Zerrin, for sure pag kinausap mo yun matutuwa pa yun---" Umakbay ako kay Stell. "---aminin mo nga ano na status nyo ni Zerrin, mukhang nagkakamabutihan na kayo ah. Yieeeee." Namula naman ang mukha ni Stell sa panunukso ko. Parang ayoko pang umalis gusto ko munang makichismis sa lovelife nina Zerrin at Stell.

Tinampal ni Stell ang braso ko at natatawang inalis ang pagkakaakbay ko sa kanya. "Umalis ka na nga." Natatawang sabi nya.

"Oo na aalis na nga po." Kumaway ako kay Stell saka ako lumabas nang cafeteria.

Hindi pa man ako nakakapasok sa classroom ng makasalubong ko si Zerrin. Sinusuklayan nya ang mahaba nyang buhok.

"Sheeny!" Tawag nya sa akin! Lumapit sya sa akin at sabay kaming pumasok ng classroom.

"Zerrin, alam mo ba--"

"--hindi pa." Pashnea! Napakapilosopo naman nitong kaibigan ko.

"Hanap ka ni Stell kan---"

"--KYAHHHH!! TALAGA BA?! HINAHANAP NYA AKO?" Napatingin tuloy sa amin ang mga kaklase namin sa lakas ng sigaw ni Zerrin. Kilig na kilig ang babaeta.

"Joke lang."

Bigla syang sumimangot at binatukan ako. "Alam mo, Sheeny paasa ka. Andun na eh, kinikilig na ako eh." Pareho kaming naupo sa mga upuan namin. "Nga pala, pagkagaling ko sa library kanina dumaretsyo ako sa locker room natin. And I found something."

Mula sa inside pocket ng overcoat ni Zerrin, inilabas nya ang isang maliit na pink envelope at may puso-puso pang design. Inabot nya ito sa akin. "Nakita ko yang nakadikit sa locker mo. Yieee Sheeny looks like your getting some admirer. Dali basahin mo kung ano ang laman."

Hindi ko naintindihan kung ano man ang sinasabi ng kaibigan ko, ang focus ko ay nasa pink envelope na hawak ko ngayon.

Nakikinig ang kamay ko.

Alam kong iisa lang ang taong nag-iiwan ng mga rosas noon sa loob ng locker ko at ang nagbigay ng letter na 'to.

Yung stalker ko.

Akala ko, tinigilan na nya ako. Hindi parin pala.

Muling nanumbalik sa akin yung pakiramdam ng takot. Naalala ko yung eksenang muntik nang may mangyaring masama sa akin noon sa garden.

Sino ba talaga ang stalker ko? Bwisit naman. Hindi ko maitatanggi na natatakot ako sa kanya, the last time na nakaemcounter ko sya muntik na nya akong mapatay di ba? Kung hindi pa dumating si Ken that time baka sira na ang kinabukasan ko.

Tinapik ni Zerrin ang balikat ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Sheeny, nakikinig ka ba sa sinasabi ko? Kanina pa ako daldal ng daldal dito tapos tulala ka lang dyan sa envelope na yan."

"Nakikinig naman ako sa'yo." Kunwari oo, pero hindi. Itinago ko sa drawer ng desk ko yung envelope, for sure na letter ang laman nun at wala akong balak basahin yun. Mas better kung itatapon ko nalang yun sa basurahan mamaya.

Sandali may naalala pala ako. "Zerrin, sabihin mo nga sa akin, yung maskara ba na pinahiram mo sa akin hindi yun ordinaryong maskara lang di ba?"

Biglang napapalakpak si Zerrin sabay senyas sa akin na lumapit ako sa kanya. May ibubulong yata sya. "Tama ka, Sheeny. Pero satin lang 'to ha. Yung maskara kasing yun ay regalo sa akin ng lolo ko. Mahilig sya sa masquerade ball tapos nung 16th birthday ko, iniregalo nya yun sa akin. Gawa yun sa pure silver at ang design noon ay gawa sa maliit ng white diamond."

COUNTLESSWhere stories live. Discover now