The Final Count

1K 47 43
                                    

SHEENY'S POV

Sinong mag aakala na aabot kami ni Ken hanggang sa punto na magpapakasal kami---kahit kunwari lang muna sa ngayon. Hanggang ngayon kasi, hindi parin ako makapaniwala na ang isang katulad nyang bituin ay maahawakan ng kamay ko.

Alam ko, kahit madami na kaming pinagdaan sa ilang buwan naming relasyon ni Ken, madami paring pagsubok ang hahamon sa aming dalawa.

So far, si Klark ay pinagbabayaran na ang mga kasalanan nya at tuloy parin ang kaso laban sa kanya at maging sa mga kasabwat nya sa pang gugulo na sina Glaiza at Mark.

Matapos ang simpleng seremonya ng aming kasal-kasalan, ang lahat at dumeretsyo sa dining area ng mansyon.

Syempre, may reception din kami nuh!

Pero pagdating namin sa dining area, may naabutan na kaagad kaming isang nilalang na may hawak na pinggan na puno ng mga pagkain at nilalamon ni..

"PEIN!" Kaagad na sigaw ng lolo ni Ken pagpasok pa lamang namin ng dining area.

Gulat na napalingon sa amin si Pein, kilala ko sya kasi sya yung nakaharap ko din sa mansion ng lolo ni Ken sa Amerika. Ako talaga nag-utos sa kanya na kausapin si Ken hehehe.

"G-grand M-master?!" Nataranta si Pein at hindi nya malaman kung itatago nya ba sa likod nya yung hawak nyang pinggan o itatapon nalang. "A-andyan na po pala kayo." In the end, napayuko nalang sya.

"Pambihira ka talaga, Pein. Kaya naman pala wala ka sa seremonya, yun pala'y andito ka na dining area at nauna pa sa aming kumain." Napabuntong hininga nalang ang lolo ni Ken.

Kami naman, natawa nalang kami sa kanilang dalawa.

"Sorry na po, kanina pa kasi ako gutom na gutom. Saka napagod ako sa pag-aayos sa garden eh, bakit ba kasi ako pa ang pinag-ayos nyo dun---" Sumubo muna sya ng chieken."---Hindi naman po sakop ng trabaho ko ang pag-aayos sa kasal----Accck!!!" Yan! Nabulunan na!!

Kaagad na lumapit si Ken kay Pein at dinagukan ito ng malakas sa likod. Nailuwan naman ni Pein ang manok na bumara sa lalamunan nya.

"Langya ka naman, master Felip. Nabulunan na nga ako, sinaktan mo pa ako. Salamat ha!"

"Ang takaw mo kasi kaya ka nabulunan, karma tawagan dyan, Pein. Isa ka pang sumakay sa trip ng girlfriend este asawa ko na isahan ako eh. Chu~ Dun ka na!"

"Master, makatulak ka naman! Teka lang! Aalis na nga!"

Tumalikod sa amin si Pein pero imbes na lumabas sa dining area, aba't sa mga pagkain lumapit at sumandok na naman ng mga pakain----pustahan, pagkakain nyan magrereklamo sya na mataba na sya. Tsk. Tsk. Tsk.

"Hoy, Aning. Ano pang tinatayo tayo mo dyan? Reception na! Kainanan time!"

Nilingon ko ang tigkabilang gilid ko at napakamot nalang ako sa batok ko ng aking marealized na wala na pala akong katabi.

At ayun na nga po silang lahat, may hawak nang kanya-kanyang pinggan, nakaupo sa upuan at kumakain na!

Inilahad sa akin ni Ken ang kamay nya, malugod ko inabot at sabay kaming pumili ng pagkain na kakainin namin.

Si Ken ang may hawak ng pinggan, habang ako ang namimili ng pagkain at salo nalang daw kami sa iisang plate.

"Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang pinagpipilian ko kung fried chieken ba o letchong manok.

"Langya, paubos na ang fried chieken, muntik na maubos ni Pein ah." Humarap ako kay Ken at medyo natawa ako sa itsura nya."Bakit ganyan ka ngumiti?"

COUNTLESSWhere stories live. Discover now