Chapter 12: Birthday
On par with Christmas, birthdays are one of the most awaited events in one's life in a year, especially to children. Kadalasan, hindi pa naririnig ang tiktilaok ng mga manok ay gising na ang mga ito.
However, today's birthday girl was still resting in the comforts of her chamber alongside her best friend, who was the guilty party behind the crime of sleeping until noon. Ayon kay Sister Thea, kinuha raw ni Nila ang isa sa tatlong cellphone nila rito, gumastos ng 50 php para magkaroon ng access sa internet, at nanood ng disney movies sa Youtube hanggang alas-dose- nakisabay din pala sa pagpupuyat sa akin kagabi nang hindi ko alam.
"Gisingin ko muna sila, Ate Mei," wika ni Philip.
Tumingin ako sa relong nakabalot sa palapulsuhan ko- 10:44 am. Umiling ako. Itinabi ko muna ang kutsilyo at ipinagpaliban ang paghiwa sa karot para maghugas ng kamay.
"Ako na lang po muna ang mag-aasikaso d'yan, Ate Mei," ani Kyla habang tinatanggal ko ang pagkatali ng apron sa likod. Umusog ako ng kaunti para siya naman ang pumalit sa p'westo ko.
"Thank you, Philip, Kyla." ang nakangiti kong pagtango sa kanilang dalawa.
I was about to turn around when I felt someone tugging at a part of my clothing from behind.
"Ate Mei," Nila called out, voice still laced with drowsiness. Hinarap ko siya. Humikab siya at kinusot-kusot ang mga mata. Marahan kong tinanggal ang kamay niya mula ro'n at hinawakan iyon gamit ang akin, brushing my thumb against her skin as I opened my mouth to speak.
"Bakit? Ano 'yon?"
Kumurap-kurap siya bago pinasadahan ng tingin ang suot-suot ko- beige-colored long sleeved ruffled top partnered with a white wide-leg pants. Nakasuot din ako ng wedge na kasing-kulay ng blouse ko. Sinikap kong mas lalong magmukhang presentable sa okasyon.
With her wide-eyed gaze, she casually said, "Mukha kang dadalo ng binyag."
Instead of being offended, I laughed at her comment. I ruffled her already disheveled hair. "Minsan lang pumorma si Ate Mei mo e."
Ngumisi siya sa 'kin. "Maganda ka pa rin nama-"
"Inaano mo si Ate Mei! Ang ganda-ganda niya kaya ngayon!" singit ni Luis na kararating lang sa kusina. Binalot niya ang mga kamay sa baywang ko.
Mas lalong lumapad ang ngisi ni Nila, ngayo'y wala ng bahid ng antok sa mukha at handang-handa nang makipag-asaran.
"Magandang umaga, Luisiano! May tumubo na bang hibla ng buhok sa ulo mo?"
Nila was pertaining to Luis's new hair style. Naka-mid bald fade na gupit ito dahil aniyang 'maangas' at 'dagdag pogi points' daw iyon.
"Hindi naman ako nagsisisi sa desisyon ko," Luis stated as he stuck out his tongue at her. Panandaliang humigpit ang yakap niya sa 'kin bago ito sapilitang inalis ni Rina.
"Kung may buhok ka lang talaga, matagal na kitang sinabunutan."
Napakamot si Luis sa ulo niyang mala-bermuda ang istilo. Si Philip at Kyla nama'y hindi na naiwasan ang pagtawa, pati ako'y nakisabay na rin sa kanila. The clock hadn't even struck twelve o'clock and yet, the place was already as noisy as a circus.
"Maligo muna kayo at mag-ayos." I lifted a finger, placed it under my nose, and jokingly added, "Ang baho niyo na."
Nila gasped, pointed at Luis, and started her accusation, "Siya 'yon, Ate! Malamang hindi na nag-sha-shampoo 'yan!"
"Aba! Tingnan mo nga sarili mo sa salamin, may tuyong laway ka pa sa mukha mo!"
Rina was quick to defend her best friend. Kinurot nito ang tagiliran ni Luis.

BINABASA MO ANG
Eyes Closed in the Fall (Trip & Fall Series #1)
RomanceTrip & Fall Series #1. Shantel Amellia Altamirano from UST Psychology has always been reserved, possessing the talent of restraining her emotions behind a neutral expression. She's not too keen in engaging with the matters of the heart as she deems...