Trigger Warning: BloodChapter 15: Twist of Fate
Ang mahulog- 'yon ang pinaka-kinatatakutan ko.
Dahil alam kong walang hihila sa 'kin pabalik 'pag nasa dulo na 'ko ng bangin, sa parehong paraang alam kong walang sasalo sa 'kin 'pag tuluyan na 'kong bumagsak. Wala rin akong kaide-ideya sa kung ano ba ang sasalubong sa 'kin sa ilalim- kung ang malamig at malawak ba na karagatan, o ang matigas na lupa ng mundo. Ang alam ko lang ay kahit ano sa dalawa, parehong sakit pa rin ang maidudulot non sa 'kin.
The moment I closed my eyes in that dream, is the moment I snapped them open in the real world.
I jerked out of bed, hand automatically raising to touch my heaving chest. My eyes darted instantaneously from one corner to another, horror still eroding in every fiber of my being.
Hindi ko na hinintay na tuluyang kumalma ang sarili at dali-daling kinuha ang cellphone ko. Nanginginig kong hinanap ang number niya sa contacts.
Nakakarinding pakinggan ang paghuni ng telepono sa katahimikan ng dorm, parang isang matulis na bagay na paulit-ulit na idinidiit sa yero. Ilang segundo pa akong naghintay bago niya sinagot ang tawag.
I swept my gaze over the room and was only met with plain-colored walls. Walang poster, walang disenyo, walang kahit anong nakasabit do'n, at pinagsisisihan kong hindi agad ako bumili ng mga kagamitang maaaring ilagay. The dream was still fresh from my mind, I needed to see an outline of something, anything, just to give me a flicker of reality.
Fortunately, he picked up after, and somehow, that was enough to bring me back from the depths of my inner turmoil.
"Shantel? Late na, may problema ba?"
"Tristan," Napa-iling ako sa magaspang na tono ng boses ko, tila ang epekto ng pagsisigaw ko sa panaginip ay hinabol ako hanggang dito.
I cleared my throat. "Sa'n ka?"
A friendly voice greeting and referring to him as 'Sir' was heard from the other line. Hindi ko narinig ang sagot niya dahil inilayo niya ng bahagya ang telepono. I let out a shaky breath. Napasapo ako sa noo ko at inilayo din agad ang palad nang naramdaman ang pawis do'n.
He's home.
"Nasa elev na 'ko, papuntang unit. Ayos ka lang ba? Nanginginig ang boses mo," he said, concern was evident in the way he drew out those words.
"Nothing... I..." Napakagat ako sa labi ko. "You're okay," ang bulong ko. At that same time, the elevator dinged.
"Ha? Sorry, hindi kita narinig."
"Wala..."
"...Masama ba ang panaginip mo?"
Sumandal ako sa pader. Hindi ako nakasagot.
"Talk to me?" He sighed. "Ayos lang kung ayaw mong pag-usapan, pero hindi ko ibababa ang tawag hangga't hindi ka kumakalma. Okay lang ba 'yon sa 'yo?"
"Okay..."
I turned my moon lamp on, its light immediately illuminating the room.
Sa isang bahagi ng kwarto ay natanaw ko ang anino ko, nagsisilbing paalala na hindi na 'ko nakakulong sa isang panaginip, na sa oras na 'to ay may kapit na 'ko sa reyalidad.
Bago ako muling bumalik sa higaan ay hininaan ko lalo ang aircon kahit na nilalamig na ako. Hopefully, it will aid me back to sleep. Majority of the time the call was in progress, none of us said anything, but the silence was not at all awkward. It was comforting, and not long after, I fell back to sleep.
BINABASA MO ANG
Eyes Closed in the Fall (Trip & Fall Series #1)
RomanceTrip & Fall Series #1. Shantel Amellia Altamirano from UST Psychology has always been reserved, possessing the talent of restraining her emotions behind a neutral expression. She's not too keen in engaging with the matters of the heart as she deems...