Chapter 14: Eyes ClosedPagkalabas ng gate ay pumara ng jeep si Sadie.
Ngayon ay tutungo kami kung sa'n sila tumutuloy. Gusto niyang do'n kami mag-usap para hindi maingay at hindi siya makitang uhugin kung sakali. Balak niya ring ipakita sa 'kin kung ano bang pinagkakaabalahan niya noong mga linggong hindi siya nakadalo sa klase.
Wala pang gaanong tao sa jeep. Pum'westo kami sa dulo kung saan nalalapit ang babaan. Dahilan ni Sadie ay ayaw daw nitong mag-abot ng bayad. Nang nasa bandang FEU na kami ay ipinasak ko na ang kamay ko sa bulsa ko para kumuha ng barya, pero pinigilan ako ng kasama ko.
"Sagot ko na ang pamasahe mo, Mei."
"Para po!" sigaw ng babaeng nasa harapan ko. Naka-kulay maroon siyang t-shirt. Nakalagay doon ang salitang 'UP Diliman', kasama rin sa disenyo ang rebulto ng Oblation.
The jeepney came to a stop right in front of FEU High School. Tinapik ko ang tuhod ni Sadie, nakaharang kasi ang paa nito. Nginitian ako ng babae at bumaba.
My eyes followed her for a while, only stopping when I saw a familiar face- it was Aisha. She was with a guy. He had his back facing me, but I assumed that it was the boyfriend- if that explains why she's smiling widely so much it can rival the sun- whom she had a lover's quarrel with because of her affair with online games.
Sinara ng lalaki ang kotse. Muling umandar ang jeep, kaya naglaho rin agad sila sa paningin ko.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa destinasyon namin. Makitid ang daan kung saan kami naglalakad ni Sadie. After going past two residences, we stopped in front of a two-storey and gray-colored house.
Sadie opened the door and switched on the lights. Ang malaking sign ng 'Live, Laugh, Love' na gawa sa kahoy ang sumalubong sa 'kin. Sa taas no'n ay mga family portraits. The noises coming from outside were muffled in an instant when she closed the door. I swept my gaze over the sections of the area. Aside from Sadie and I, I found no signs of anyone.
"Sa'n Mommy mo?"
"Nasa UPD, professor siya ro'n," aniya habang hinuhubad ang sapatos. Pumasok siya sa isang kwarto at sinara iyon. Kahit gano'n ay patuloy pa rin ang pagsasalita niya mula sa loob.
"Sila Papa naman, nag-deliver ng order. Negosyo kasi namin ang paggawa ng vases. Mapa-crystal man 'yan, glass, o ceramic."
Umupo ako sa sopa. Malaki ang pinagkaiba ng labas sa loob ng bahay. Nagsimula akong obserbahan ang mga disenyo at mga muwebles do'n. Sa isang sulok ay nakabalandra ang samu't-saring vases na magkakaiba ang disenyo, but only one of them managed to seize my attention. It was a vase made out of a Turquoise gemstone- a carbon-copy of what my mother bought.
Hiniwalay ko lang ang tingin ko ro'n nang lumabas si Sadie mula sa kwarto niya. Ngayon ay mas klaro na ang boses. Nakasuot na rin ng pambahay: black t-shirt na isa't kalahati ang laki sa katawan niya at itim din sa short.
"Kung tama ang pagkakaala ko, papunta silang Baguio ng Tito ko ngayon."
I inclined forward, suddenly remembering the two men from the last time I visited our house.
"Baguio?"
"Oo. Parang dalawa o tatlong beses yata sila ro'n nakakapunta sa loob ng dalawang buwan. Nando'n kasi nakatira yung suki nila." Itinali niya ang buhok niya. Pumunta siya patungo sa isang maliit na mesa at hinawakan ang telepono. "Mei, ano'ng gusto mong kainin?"
![](https://img.wattpad.com/cover/245622692-288-k612911.jpg)
BINABASA MO ANG
Eyes Closed in the Fall (Trip & Fall Series #1)
RomanceTrip & Fall Series #1. Shantel Amellia Altamirano from UST Psychology has always been reserved, possessing the talent of restraining her emotions behind a neutral expression. She's not too keen in engaging with the matters of the heart as she deems...